Chapter 4

10 1 0
                                    

Hindi makapaniwala  si Shizu na taga Hokan din pala si Lady Shouka. Akala nya ay taga ibang emperyo ito. Yun pala magkapareho lang sila. Nalaman nya lang ito kina Ren at Kawri na parehong taga Konan. Kaya pala malapit din sina Ren at Kawri sa isa't isa.

Marami din silang napag-usapang tatlo dahil hindi sila dinalaw nang antok kagabi kaya para silang mga lantang bulaklak nang mag-umaga. Natawa tuloy si Lady Shouka sa mga hitsura nilang tatlo. Dahil wala rin lang ibang gagawin hinayaan na lang ni Lady Shouka na matulog sina Ren, Kawri at Shizu.

Napakasarap nang tulog ni Shizu dahil narin sa musikang kanyang naririnig. Para syang hinihili sa pagtulog. Napakalamyos nang musika, parang hinihigop ang iyong kaluluwa sa ganda. Nagising si Shizu nang biglang tumigil ang musika. Bumangon sya sa pagkakahiga upang hanapin ang pinanggalingan nang musika.

Dumungaw sya sa bintana, nagbabasakaling mahanap ang kanyang hinahanap. Pero mukhang bigo sya dahil hindi nya na naririnig ang tunog. Nang akmang papasok na sya ulit ay biglang narinig nya ulit ang tunog nang plawta. Alam na nyang tunog iyon nang plawta dahil iyon din ang instrumntong ginagamit ni Yuan nung nanliligaw pa ito sa kanya noong nabubuhay pa ito.

Hindi namanlayan ni Shizu na umiyyak na pala sya dahil naaalala nya na naman ang kanyang dating kasintahan na pinatay nang mga taga Kuryuu.

"Ipagpaumahin mo binibini kung napaiyak kita sa tugtug nang aking plawta."  Nagulat si Shizu nang biglang may magsalita.

Agad nyang pinunasan ang kanyang mga luha at hinanap kung kanino galing ang boses na iyon.

"Sino ka?"  Tanong nya dito.

"Ako nga pala si Fa Guang."  Lumabas sa kanyang pinagkukubliang sanga ang may ari nang boses. 

Tumambad sa kanya ang isang makisig na lalaki. Nakapusod ang mahaba nitong buhok katulad sa ibang mga kalalakihan. Pero kakaiba ang isang ito. Meron syang mapungay na mata na parang nangungusap, matangos ang ilong nito at mahaba ang pilikmata. Napakaganda rin nang hugis nang mga labi nito na parang inaakit ka sa isang halik. Sandaling nakalimutan ni Shizu si Yuan nang makita nya si Fa Guang.

"Ok ka lang ba binibini?"  Pagpupukaw nito sa lumilipad na diwa ni Shizu.

"Ah-- O-oo. Ok lang ako."  Nabubulol na sabi ni Shizu.

"Maari ko rin bang malaman ang pangalan mo?"  Tanong nito ulit.

"Ming Shizu." Pagpapakilala nya.

"Kay ganda naman nang iyong pangalan Shizu." Nakangiting sabi pa nito.

"Anu ba naman yan Fa Guang gasgas na yang mga linya mo e." Naputol ang parang mahika sa pagitan nina Shizu at Fa Guang nang magsilata si Ren. Gising narin pala ito nang hindi niya namamalayan.

"Ilang babae na ba ang napagsabihan mo nyan?"  Segunda naman ni Kawri.

Natawa na lang si Fa Guang sa pinagsasabi nang dalawa. Nagugulohan naman si Shizu sa nangyayari. Kilala pala nang dalawa si Fa Guang.

"Shizu pinapakilala ko sayo ang dakilang babaero nang kaharian si Fa Guang."  Malakas na sabi ni Ren.

"Ang sakit mo namang magsalita Ren. Baka akalain ni Shizu e totoo yun."  Sabi ni Fa Guang.

"Bakit? Hindi ba totoo?" Inosenteng tanong ni Shizu.

Humalagpak nang tawa sina Ren at Kawri. Napakamot na lang sa kanyang ulo si Fa Guang. Nagugulohan na talaga si Shizu sa inakto nang dalawa. Sa ganung kulitan sila naabotan ni Lady Shouka.

"Ang saya nyu a. Anung meron?"  Bungad nito sa kanila.

Nahinto sa pagtawa sina Ren at Kawri. Bigla namang natameme si Fa Guang sa kanyang pagkaka-upo sa sanga. Nang makita naman nina Ren at Kawri ang nagiging reaksyon ni Fa Guang pagkakita nito kay Lady Shouka ay tumawa na naman ang dalawa.

Siniko ni Ren si Shizu at ininguso ang itsura ni Fa Guang. "Tingnan mo to."  Bulong nito kay Shizu.

"Ma-magandang araw la-Lady Sho-Shouka." Nabubulol na bati ni Fa Guang dito.

"Magandang araw naman Fa Guang, anong sadya mo at napadalaw ka sa aming bintana?"  Nakangiting sabi naman ni Lady Shouka.

Narinig ni Shizu ang hagikgikan nina Ren at Kawri. Para namang bata si Shizu na hindi maintindihan ang nangyayari.

"Wa-wala naman La-Lady Shouka. Na-nagandahan lang kasi ako sa inyung bintana."  Nakangiting sagot nito.

Hindi na napigilan nina Ren at Kawri ang kanilang tawa. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Shizu nang naintindihan na nya ang kanyang nakikita. Siniko naman ni Ren si Kawri at tinuro nito si Shizu.

"Nanliligaw kaba kay Lady Shouka, Fa Guang?" Malakas na sabi ni Shizu.

Namula naman si Fa Guang na parang nakakain nang sampung siling labuyo. Napatawa naman si Lady Shouka at humalagpak naman sa kakatawa sina Ren at Kawri. 

"Ano kaba naman Shizu. Binuko mo naman si Fa Guang e."  Sabi ni Kawri nang humupa na ang kakatawa nito.

"Totoo pala na nanliligaw si Fa Guang kay Lady Shouka?" Nanlalaki parin ang mga mata na Shizu na parang hindi makapaniwala.

"Aish!"  Naibulalas na lang ni Fa Guang at umalis na lang sa sanga na kanyang tinutungtungan kanina.

"Yan tuloy umalis na. Nahiya Tuloy sa sinabi mo kanina Shizu."  sabi naman ni Ren na pinipigilan parin ang matawa.

"Pero totoo nga bang nanliligaw si Fa Guang kay Lady Shouka?"  Pangungulit parin ni Shizu.

"Panliligaw hindi, pero attraksyon meron. Malaki kasi ang paghanga ni Fa Guang kay Lady Shouka. Pero bawal naman sya manligaw dahil nga concubine nang emperador si Lady Shouka." Sagot ni Kawri.

"Kaya Shizu kung may gusto ka kay Fa Guang aminin mo na. Wag ka nang magpakipot pa."  Tukso naman ni Lady Shouka sa kanya.

Biglang namula si Shizu sa sinabi ni Lady Shouka.

"Hala ka. Totoo ngang may gusto ka kay Fa Guang."  Panunukso naman ni Ren.

"Hindi no! Hindi ako pweding magkagusto sa iba dahil may mahal na ako at mamahalin ko sya hanggang sa aking huling hininga."  Depensa naman ni Shizu.

"Patay na yun diba? Kaya pwedi ka nang tumingin at umibig sa iba. Hindi yung ikukulong mo ang iyong sarili sa alaala nang namayapa na."  Payo ni Lady Shouka.

Biglang nag-isip si Shizu sa sinabi ni Lady Shouka. Tama nga kaya sya? Baka kasi esumpa ako ni Yuan sa kabilang buhay. Dahil umibig ako sa iba. Pero hindi ako sigurado kung totoo ngang mahal ko si Fa Guang baka simpleng paghanga lamang ito.

==============================

Fa Guang on the multimedia


The Dragon EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon