p2

14 1 0
                                    

*Tres-2

Mikay's POV

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway pero nauuna akong maglakad. Duhhh ladies first enebe.

Ang tahimik ng hallway kasi ongoing ang classes ng una niya akong kinausap. Yes tama ang binasa mo. Siya ang unang umimik aba delegeng pelepene keshe eke.

"Uh Michaela,right?" tanong niya at naramdaman kong tumitingin siya sakin mula sa likod.

"Mika-e-la hindi mekeyla" pag tatama ko ng hindi siya sinusulyapan. Palagi na lang mekeyla kaurat ang aarte ng mga tao ngayon mekeyla daw kasi amp. Baka ikaw mekeyla din pagbasa mo ng byowtiful neym ko.

"Ay yun ba? Sorry. Ganun kasi yung pagkakasabi ni sir bakla kanina" sagot niya.

"HAHAHAHA halata mo rin? chiknachik bes" tawa ko. Nakakatawa kasi pakinggang kapag nanggaling sa lalake.parang kinukutya niya sarili nyang lahi HAHAHAHA.

"So bakla talaga yun? Parang type ako eh."

"Baka. Ewan. Oo siguro. Di ko sure."sunod sunod kong sabi habang binabagalan ang hakbang sa hagdanan.

Pababa na kasi kami ng hagdan kaya nag iingat ako para hindi matapon yung mga files.

"Akin na, It's heavy for you" sabay agaw niya sa mga papel.

Kaya ko to no.

Maliit height ko pero keri ko to.

"Kaya ko. Wag mong maliitin to" agaw ko din pabalik.

"Alam kong kaya mo. But I insist" kaya hinayaan ko na yun sakanya,pambawi na rin kasi ginawa akong escort. Dapat kasi talaga muse yun eh amp.

"So Michaela III-A ka pala. Ibig sabihin babad ka sa libro?" tanong niya sakin.

Knowing pinakamataas na section ang section A kaya ganun ang way nilang i-judge kami. Yun nga lang wala sa itsura kong may laman pala utak ko.

Lam mo na walang eyeglasses at naka ipit ang maliit na parte ng buhok ko sa left side. Kaya parang normal na estudyante lang ako. Mostly kasi sa populasyon ng class namin ganun ang attire bes.

"Di rin. Feeler lang kaya pinanindigan ko na lang"sagot ko rin at bigla siyang tumawa ng slight.Hindi rin kasi talaga ako as in nag aaral. Pero atleast nag aaral hehe. Atsaka magaan siyang kausap kaya kering sagutin.

"Too bad di kita naging classmate." Sabi niya at napatingin ako sakanya. "Mas matanda ako isang taon sayo."

onga naman.gurang na pala to. pero bakit kaya siya nagtransfer dito? Tanungin ko kaya? Kaso close kayo bes?CLOSE KAYO?HINDI. KAYA WAG KANG EPSI.

"Hmmm." tumango na lang ako.

Magkasabay na kaming naglalakad ngayon.

"Bakit ka tumransfer dito?ahmmm"mahinang tanong ko.

"Ha?" Narinig niya yun?tangina. Yan ang daldal mo kasi di rin mapigilan eh no.

"Ah wala jok lang yun hehe."palusot ko.

"Bakit kamo ako nagtransfer?" Kunware daw di narinig amp. Sabi niya habang bina-baling baling ang tingin sa quadtrangle. Bakit ba kasi ang layo ng room neto.

"Ah tinanong ko ba yun?oo siguro?bakit ngaba?" putashetangina ano pinagsasabi ko?

"Hahaha pinagdesisyonan ni dad na sabay kaming pag aralin ni Dos dito sa St.Ezekiel. originally sa Manila talaga kami,kakalipat lang namin dito sa Pampanga last month." sabi niya habang tinitignan ang malaking pangalan ng St.Ezekiel sa stage.

"Dos? pinsan?kuya?younger brother?" alangan namang tiyuhin niya yun diba.

pero naks younger brother daw di ko alam tawag dun sa nakababatang kapatid eh bakit ba.

"Kapatid" mababa ang tono ng pagkakasabi niya.

Pero di siya pumili sa choices. Di manlang ako nagka clue kung mas gurang o mas fetus sa kanya.

Pero infairness talaga ang gaan niyang kausap parang hindi ka nahihiyang iapproach siya ng question kahit di kayo close.

"Mas bata sayo?" Tanong ko sakanya.

"Ka-age ko lang kaya siya pinakaclose ko."sagot naman niya. "Ang lake ng school no. Parang madalas na may program,ang lapad kasi ng quad"

"Hmm. Masasawa ka rin at maliliitan pag tumagal. Yan din sinabi ko nung first time ko dito" sabi ko. At tumigil sa paglalakad ng nasa harapan na kami ng room niya.

"IV-B"

Nakasulat sa pintuan ng room.

"O dito kana. Akin nayan" sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay para sa mga papel.

"Hmmm." sagot nya habang nag aaktong nag iisip. may isip ba to? "Since alam ko naman kung saan to at nafamiliarize nako sa lugar samahan na kita sa faculty."

"Wag na. Kaya ko na rin to nasa second floor lang netong building ang faculty kaya oks na"pag ayaw ko naman. At nagsimula ng maglakad at iniwan na siya.

Di naman sa nagmamaganda kasi baka pilitin pa ako ahe.

Pero napatalon ako sa gulat ng may kumuha bigla ng mga papeles. At sumabay sakin sa paglalakad.

"Second floor? Di pa ako nakakapunta dun. Kaya sama ako." sabi niya sabay ngiti. Kaya mas lalong lumiit ang mata niya. Sarap ibuka ng mata niya kakagigil.

"Bahala ka basta pag ikaw naligaw ulit wag mokong ituro nako ayaw ko sa detention" saad ko sakanya at naunang maglakad.

"Opo." Ramdam kong tumango siya sa pag sabi nun.

Kapagod naman maglakad. Ilang minuto na siguro kaming naglalakad kasi nasa ibang building pa talaga yung guidance sinabi ko lang yun para wag na siya sumama kaso wa epek.

Tinignan ko siya at parang wala lang sakanya ang pagod may dala pa siyang mabigat na mga papel nyan ah.

"Second floor pala ha" taas niya ng kilay at tumawa ng mahina.

Sinabi ko narin kasing nasa third floor pa ng AM yung faculty. Na dalawang building pa ang layo sa pinanggalingan namin.

At pagkatapos ng 69696969696xx years ay nakarating kami sa faculty room. Linagay na nya ang mga papel sa sinabing lugar ni ms.jen. Lumabas narin kami at nagpaalam na ako sa kanya.

Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa room pero bago ako makalayo.

"Mikay!" liningon ko siya.

"Tristan pala ha."tumango ako pero lumapit siya sakin ng konti.

"Tres na lang" sabay tapik sa balikat ko at na unang maglakad papunta narin sa room niya.

Between Him and HimWhere stories live. Discover now