p5

4 1 0
                                    

*Booknapper-5

Mikay's POV

Sa mga sumunod na linggo ay mas naging close kami ni Tres. As in close umaabot na sa puntong madalas niya akong pinipicturan ng tulog sa library. Nagtry out din siya sa basketball kaya nagkaroon nadin siya ng mga sarili niyang friends. Pero madalas magkasama kami.

Madami pala kaming pagkakapareho. Sa genre ng music. Sa ugali. Sa mga point of views. Kahit sa mga maliliit na bagay.

Madalas din kaming sabay naglalakad pauwi kasi walking distance lang naman bahay ko. Pero nalalate parin hehe.

Ngayon nasa mall ako,linggo naman eh tas may pinapabili si papa para sa mga inaalagaan niyang bonsai ahe.

Pumunta muna akong Book Store, balita ko kasi may bagong libro si Mark Twaine,wala kasi talagang kapantay basta gawa niya. At dahil nakakatamad mag narrate eto na.

"Ah miss may Lost Stars ba kayo? Yung bago ni Twaine?"tanong ko sa sales lady na halatang suplada amp,tignan natin.

"Dun"turo niya sa shelves sa left side na hindi man lang tumitingin sakin. Edi wag kang tumingin hmp.

Pinuntahan ko yung shelves ng Novel Books dahil yun ang genre ni Mark Twaine.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga libro hanggang si pinakataas ng shelf nadon ang bago niyang libro. Nanlaki naman ang mata ko ng nakita ko na yun. At nag iisa na lang omgggg. Sana may promo sila na kung sino yung last na bumili may discount waaaaa.

Inabot ko ang libro na yun. Pero di ko talaga ma abot. Kaya mas ininat ko pa ang katawan ko para maabot yun. Ayaw talaga #NognogProblems

Tumayo muna ako ng maayos. Nag stretching muna ako at nung aabotin ko na ulit.

May lalakeng humablot nito mula sa shelf. At sinuri ang libro. Walang kahirap hirap bes #TangkadSagad.

"Ah manong ako po nauna jan." Sabi ko sakanya pero parang di lang ako narinig. Aba hoyyyyy.

"Kuya excuse me nauna kasi ako sa librong yan. Di ko lang talaga abot." linakasan ko ng konti ang boses ko. Baka naman kasi sa sobrang tangkad di na ako marinig.

Pero nagulat ako ng tinignan niya ako. sheeeeeez gwapo hihihi. Pero wait kinuha niya yung libro kaya magkaaway kami.

"I got it first. Better look for another book" at umalis na.

Shemaymay ang sexy ng boses niya. Naramdaman kong nahulog yung panty ko dun omggg.

Ang haba ng pilik mata niya tas matangos ilong. Di siya ganun ka puti pero maputi may athlete figure kase siya omghg. Detalyado ang jawline at ang kilay ang manly omg tsaka pinkish yung labi parang ang sarap ikiss hihihi.

Hephep... YUNG LIBRO!

TANGINA YUNG LIBRO.

Sinundan ko kung san siya pumunta at nahuli ko siyang pumipila na sa counter hala sandali.

Tumakbo na talaga ako papuntang counter ng malapit na siya.

"Ahm kuya nag iisa na lang kasi yan kaya pwede bang ibigay mo na lang yan sakin? Ako naman kasi unang nakakita." explain ko sakanya na tumitingin lang sa libro na parang binabasa ang likod nito.

"You've saw it first?" tumingin siya sakin. Napakagat naman ako sa labi sa sobrang lakas ng epekto niya pero tumango ako para sa sagot sa tanong niya.

"But I think you don't have the money to pay the price."

.
.
.
andjxjanenxkaputaputaputajfndjznabdjz
MUKHA LANG AKONG PULUBI PERO KAYA KONG BAYARAN YAN.

Nakita ko naman ang price eh '₱1,300' Oo mahal pero worth it talaga yun basta kay Twaine.

"Excuse me? Pero kaya kong bayaran yan. Ang importante ako ang unang nakakita. At ikalawa ka lang." Pagtataray ko. Omg sa ngalan ni Mark Twaine kaya kong tarayan to...kahit gwapo huhuhu.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at bumalik ang tingin sa counter dahil siya na ang susunod. Parang wala lang siyang narinig. Aba sisipain ko ano neto.

Talak lang ako ng talak pero parang di niya lang ako nakikita at naririnig. Pati nga babaeng incharge sa counter nakatingin na rin sakin.

Inilapag niya ang libro sa counter at dinukot ang wallet nito. Nakaisip naman ako ng brayt aydeya hmmmmmm.

"1,300 pesos sir." Sabi nung babae sa counter halatang nagpapacute kay mamang booknapper amp kukurutin ko ano neto.

Habang kumukuha pa siya ng pera. Inilapag ko ang pera na tamang tama lang sa presyo ng libro na kanina ko pa hinanda na BWAHAHAHA.

Kumunot ang noo ng counter lady (ewan ko kung ano ang tawag sa kanila) na tinignan ako ng wtf-magkasama-kayo-ng-gwapo-nato look.

Pero tinanggap niya rin ito at ginamit ko na ang pagkakataon na yun para hablutin ang libro at tumakbo. Di ko na hinantay ang resibo ipakain mo yun sa booknapper amp nilingon ko naman siya ng medyo malayo na ako.

Nakakatakot ang tingin niya omg parang kinakain na niya ako. Yung kain na literal na as in chopchopin ganern. Ang dudumi kasi ng isip nyue amp.

Pero shiz nakakatakot siya pagseryoso omg sana di ko na siya makita. Pero galit din ako sa kanya nakakainis din siya no. Parang pinamukha niya talagang mahirap na ako. Which is parang ganun. Pero may pera parin ako no.

Kaya dumiretso na lang ako sa mga bikihan ng tanim para dun sa inuto ni papa. Pero naiirita parin ako dun sa lalake kanina amp.

Nawawala ang pagkagwapo niya kapag nagsusplado. Sayang amp. Gwapo sana kaso parang rineregla palagi.

Argggggg naiirita talaga ako sa kanya.

Padabog kong binayaran ang mga bagong uri ng bonsai na pinabili ni papa. Sorry mga bonsai kayo pa tuloy napagbuntunan ko ng galit.

Mahirap daw ako. Sarap sipain sa ano hanggang mabaog eh.

Napamura ako nung biglang tumunog yung cellphone ko.

'Tres calling...'

Kung nagtatanong kayo kung pano niya nakuha number ko. Hindi ko binigay okay. Nung nagpa-pasaload ako sa kanya sinave niya pala number ko kaya ganern.

Kahit bad mood ako ay sinagot ko iyon.

"O bakit?"

[Chill. Nararamdaman ko yung pagbuga mo ng apoy hanggang dito]

"Oo na. Bakit ka tumawag?"

[Asan ka ba?]

"Kailan pa sinagot ng tanong ang tanong?"

[Mga 3seconds ago]

"k"

[Asan ka nga diba? Papilit pa to eh]

"Andito sa banyo. Sasabay ka?"

[Kadiri ka. Ge pagpatuloy mo yan balitaan moko pag brown o black]

"So ako pala kadiri. Bahala ka nga ibababa ko na to ha bye."

[Sige bye]

I-ooff ko narin sana kaso bigla ulit siyang nagsalita.

[Mag ingat ka. Ano na lang gagawin ko pag nawala ka.]

Hindi ko alam, pero gustong magwala ng puso ko dahil dun.

Between Him and HimWhere stories live. Discover now