p6

2 1 0
                                    

*Red Tide -6

Tres' POV

Napahawak ako sa sentido ko sa pag-iisip kung narinig niya ba yun o hindi.

Ewan ko ba basta bigla ko na lang yung nasabi. Wala naman akong gusto sa kanya. Basta masaya akong kaibigan ko siya.

Tatlong linggo narin mula ng una kaming magkakilala ni Mikay. Masaya siyang kasama basta palmunin mo lang ng palamunin ewan ko ba kung piniperahan lang ako nun.

Nagtry out nadin ako ng basketball at natanggap din naman. marami akong nakilala tulad nila Joshua,AJ at Gio na naging kaibigan ko narin.

Pagkatapos kong magpractice ng basketball ay tinawagan ako ni Mama,na parang ayaw ko lang sagutin. Pero sinagot ko narin mama ko eh, no choice.

"Ma?"

[Tristan thank God you finally picked up]

Nairita ako. Siya lang naman ang gusto akong tawagin ng ganun. Hindi naman sa ayaw ko sa pangalan ko. Pero sa palayaw kong 'Tres' lang ako nagiging parte ng pamilya nila.

"Bakit ma? Hindi pa ako pinapadalhan ulit ni Dad ng pera."

[It's not that anak.]

Kung hindi para sa pera? Para saan? Unti unting yumayaman si mama dahil sa mga padalang pera ni Dad. At shempre sa tulong nadin ni Dos.

"So,what's the catch?"

[Narinig kong bumalik na daw ang dad mo and his son from states kahapon lang.]

"And?"

[Now's your chance. Give him a good impression para tayo na ang uwian niya. At di na siya bumalik pa sa states. Para di na niya balikan ang Teresa na yon]

Napapikit lang ako dahil sa mga sinabi ni mama. Hindi dahil sa sakit nito na dulot sakin. Dahil narinig ko ang pagbasag ng boses ni mama na ang kaisa-isang kahinaan ko.

"Ma I have to go"

[Anak subukan mo lang puntahan ang tatay mo. Siguradong hindi ka niya natitiis.]

"Ma I really need to go. I'll hang already,stop crying."

[Hindi ako umiiyak. You know your mom. Sige mag ingat ka.]

Tinapos ko na ang tawag. At natauhan dahil sa tawag ni Gio at saglit na kinalimutan ang realidad.

------

Mikay's POV

Lunes nanamaaaaaaan.

Parang ayoko ng bumangon ng narealize kong lunes pala. Ang mysteryoso neto si Lunes. Maraming ayaw sa kanya ng walang dahilan hmp.

"Mikayla hoy gising" sigaw ni papa at binato ang electric fan sakin. Yung portable na electric fan lang,over.

"Oo na. Sandali araaaaaay" mag iinat sana ako ng maramdaman ko ang sakit sa puson. omg hindi pwede to. wala pang... buntis ba ako?

"Nako wag mokong artehan mekay nako maligo ka na nga"sigaw ni papa. Ewan ko ba feeling ko talaga pagsumigaw si papa tumatalon ang bahay hmmmm.

"Pa buntis ata ako." seryosong sabi ko at tumingin sa kanya at halatang nagulat ito. Kumunot ang noo niya at ihahampas na sana sakin yung electric fan. Yung totoong electric fan. "Jok lang pa hehe, pabili naman akong napkin pa please hehe nireregla ako."

"Ay sha sha magpapabili ka lang pala. Asan pera mo?" pang iirita ni papa. Ay feeling teneyjer.

"Duhhh ikaw kaya nagtatrabaho para buhayin tayong dalawa." Kaming dalawa. Oo tama kami na lang dalawa ni papa sa mundo hmmm mahabang storya.

"Oo na basta maligo ka na. Pagbalik kong hindi ka pa naligo makakatikim ka na." At bumili na nga siya.

Pumasok ako sa school na masakit ang puson sheeeeeeezxczxc. Nagbaon nadin ako ng napkin duhh in case girskawt to.

Ni hindi na nga ako masyadong nakikinig sa mga klase ko dahil sa puson na to #Redtide.

Nung nag vaccant niyaya ako nina Querin sa canteen pero umayaw muna ako dahil magmumukmok na muna ako sa library dahil sa sakit huhuhu.

Pumunta ako dun sa pwesto ko at linabas ang bagong libro na binili ko. Sinuri ko ito at na aalala ko nanaman yung gwapong lalake...sana. gwapo sana amp.

Natigil ang momentum ko ng umupo bigla sa tabi ko si Tres. Ano nanaman kailangan neto.

"Oh?" Walang gana nyang sabi "Pumapangit ka lalo Miks. Bakit ka naka simangot?"

Buti natanong mo.

"Oh nakabili ka na niyan? I heard limited lang daw ang stocks ng bagong libro ni Twaine dito sa Pinas."sabi niya at kinuha ang librong hawak ko.

"Alam mo ba ang experience ko para lang makuha to? May umaway sakin sa book store para sa librong yan, sarap sipain ng balls. Kung meron man."inis na inis kong sabi. Na iirita talaga ako sa lalakeng yun plus rineregla pa ako, kaya naka full force.

Tinawanan niya lang ulit ako. "Eto Indian mango gusto mo? Binili ko yan sa canteen kaya walang lason." nako wrong timing.

Hindi nalang ako umimik at kunwareng nagbabasa ng libro. "Ayaw mo? Akala ko ba paborito mo to? Except sa milktea,hamburger,French fries,pizza,ice cream at donut?" wao nang iinsulto ba siya o ano?

"Busog pa ako" umiwas na lang ako. kahit takam na takam na ako sa mangga uwaaaa.

"Busog? Kelan ka pa natutong mabusog? Hahahahaha ayaw mo talaga ng mangga? Bahala ka." sige parin ang tukso niya sakin. Nako kung alam mo lang. Naglalaway na ako,pesteng regla to.

"Ayaw mo talaga? Sure kaaaa?" Tukso niya habang dinudutdut sa mukha ko ang mangga uwaaaaaaaa~ ayukuna.

"Meron ako kaya hindi ako pwede niya okay?" Sinabi ko yun ng hindi siya tinitignan. Alam kong pulang pula na ako sa kahihiyan. sa ngalan ng mangga huhu.

"Meron kang ano? Meron kang allergies? Allergic ka sa mangga? Nung unang libre ko sayo neto di ka naman nangati ah. Wag kang mag alala libre to walang bayad. Kunin mo na." Pamimilit niya. Slow ba talaga siya o walang alam o nagpapa bobo lang.

"Hindi ako allergic sa mangga. Meron ako. Yung..y-yung... swosh splash splash" napaface palm ako sa sinabi kong yun.

"Ha? Anong splash splash pinagsasabi mo?" Isa rin to eh nabawasan ko balls neto. Kung wala lang kami sa library nasigawan ko na to eh.

"Tangina wala. Wala nevermind na" jojombagin ko na talaga to.

"Bakit ano nga?" Sabi niya at namimilit parin. Kaya tumayo na lang ako para makalabas dito. Mas sumakit pa ata nung dumating si Tres eh.

Palabas na akong librery at susundan pa niya ata ako kaso natumba niya ang nakatangkas na mga libro kaya inayos niya muna ito. Takot niya lang kay Ms.Perez.

Tuloy na ako sa paglalakad at pupunta na lang sa mini garden second tambayan ko. Naglakad na ako papuntang garden.

Kairita mga tao ngayon hmp. Dumagdag pa tong si Tres ay sarap anuhin. Gwapo rin siya sana kaso bangag. Bakit kaya ganun?

Natanaw ko na ang mini garden hayyyy ang peaceful. Perfect place para basahin ang...ang libro. ANG LIBRO. HALA ANG LIBRO KO NAIWAN SA LIBRARY AYGAGO.

Tumalikod ulit ako para bumalik sa library at nagmartsa nanaman pero na udlot nanaman ako sa pag aapreciate kung gano ako ka malas ngayon ng may nabangga ako.

"Sorry"

"I'm sorry"

Sabay naming sabi. Tumingala ako para tignan kung sino... omg.





///////

(A/N: incoming slow updates. hell week sa school T.T)

Between Him and HimWhere stories live. Discover now