p4

7 1 0
                                    

*Milktea-4

Mikay's POV

Pake ko?pakekong wala namin? pake natin? Pakneysia~

Bakit ni Daisy sinabi yun? At samin pa? At bakit andami kong tanong?

Dahil sa pagkakabadtrip si Daisy ang mahiwagang bulaklak. Pumasok na lang ako sa English.

Nakinig lang ako ng nakinig at naramdaman ko ng may tumutulong dugo sa ilong ko. Dapat kasi nag iinggles ka sa loob ng room. Mga taksil sa lipunan joook.

Pumasok ako sa iba ko pang klase di uso cutting no duhhh im so good mannered.

Pumunta ako sa library. Hindi para mag aral. Para matulog hehe.

Di narin kasi kami imemeet ng last three subjects namin since 1st week palang kaya chill chill lang muna.

Pumasok ako sa library at binati si Ms.Perez ang librarian. Masungit siya pero hindi sakin hehe suki ako dito eh akala niya nag aaral eke.

Pumunta ako sa pinaka dulong mesa sa corner. Buti na lang wala pang umuupo sa pwesto ko. Minsan kasi nauunahan ako ng mga nag P-PDA at naglalandian dito karindi.

Umupo ako at linabas ang paborito kong libro ng paborito kong author.

Dear No One by Mark Twaine (A/N: wala po talagang ganung libro at author hehe)

Di ko namalayang nakatulog na pala ako at ng magising nakita ko ang isang lalake na naka upo kasama ko sa table at nakatitig sa akin.

"Ah-a Tres?... ah ehem Tres...tan" sa gulat ko.

Tumawa siya ng mahina dahil halata ang pagpapanic ko. Tas natawag ko pa siya as Tres epsi ko uwaaaa.

"Tres lang. Okay na yun" sabi niya. Pfft. Para siyang nagbebenta hehe.

"Ah okay"ang awkward niyang tumitig. Mata sa mata kasi bes tas ang gwapo pa niya.

Umayos ako ng upo at linagay ang libro sa bag. Inayos ko ang sarili at hindi na siya tinignan,nakaka conscious siyang tumingin eh.

Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. Di naman ako ganun ka pulubi para walang relo.

4:26 pm

Halos dalawang oras akong tulog wao. Pa alis na sana ako.

"Miks uwi ka na?" Tanong ni Tres.

"Ahmm oo,ikaw?" duh prendly lola nyue.

"Oo sabay na tayo." sabi niya. Tas kinuha na ang bag niya at tumayo na rin tulad ko.

"Pupunta pa akong Munsteric's una ka na lang."

"Sabay na ako sayo libre kita." At sumabay sa lakad ko palabas ng library.

Dahil tamad na akong umayaw at wala rin akong pera um-oo na lang ako hehe wag tanggihan ang grasya.

Malapit lang naman Munsteric's sa school kaya di kami tumagal sa paglalakad. Pumasok na kami sa Munsteric's at pumila sa counter.

"Ano sayo? Masarap yang hamburger nila."Sabay turo ko sa cheese hamburger.

"Ikaw manglilibre?"at sinulyapan ako.

"Kaya kong bayaran kinain ko no."sabi ko. Aba pulubi man ako sa inyong paningin. Di naman sa ganun pero ganun narin hehe.

"Oo na isang hamburger. Humanap ka na ng table."

"Atsaka caramel milk tea narin ples hehe" sabay senyas ng 'isa' gamit ng daliri ko.

"Oo na. Dali an mo na dumadami na tao oh baka wala na tayong maupuan."taboy niya sakin.

Nang nakakita na ako ng mesa,kinuha ko yung pinaka malapit sa aircon. Halata bang wala kaming ganto sa bahay?

Kinuha ko muna ang cellphone ko tsaka chineck ang messages nito.

Demi:
Saw you with mr.transferee kanina. Something between you two?

Aba di naman halatang stalker ko to diba? Pero ang conyo talaga ni Demi HAHAHAHA lumaki sa aircon eh.

Nagtype na ako ng pang reply. Sinabi kong dumiretso ako sa bahay at wala akong kasama. Ang haba haba pa ng text ko tas sending failed pa. naalala kong wala pala akong load#pulubiproblems

"Ano yan? Tumama si flappy bird sa tubo?" Tanong niya at linapag ang tray na may mga pagkain sa harap ko.

"Flappy bird? Uso pa yun? Tsaka wala akong load may itetext sana ako."saka ko ininum ang milk tea. KYAAAA SARAP TALAGA. WALA PARING TATALO SA MILK TEA. *insert tono ng commercial ng alaska*

"Oh may load pa yan"tsaka dinukot niya ang cellphone.wao aypown bes retsked.di naman pala masamang magpalibre basta sa mga rich.

"Pwedeng pa pasa load na lang?kahit limang piso lang oh hehe." Di naman siguro masamang nanghiram ng load...diba?

Tumawa lang siya at nagtype sa cellphone. Ano?sinasama lang siguro ako neto para makatawa eh.

Nabigla ako ng ibigay niya sakin ang cellphone niya.

"Yan lagay mo number mo." ay type mo ko? Nahalata niya siguro ang expression ng mukha ko. "Para mapasa yung load." Ay yun pala. Linagay ko na dun at katching may load na ko galing. Nagpasalamat ako shempre.

To:Demi
Diretso ako bahay. Wala akong kasama. Dami kong gagawin wag kang magtext.

"Sino tinetext mo?"biglang tanong ni Tres.

"Sila ni Demi. Ikaw pala ba't moko sinabayan dito?" onga naman ba't kaya?

"Diba nga transferee ako,kaya wala akong masyadong kakilala at kaclose. At since ikaw naman una kong nakaclose dito sayo na lang ako didikit."explain niya at kinain ang lasagna niya.

"Hmmm marami namang gustong makipagkaibigan sayo ah. Marami kaya akong narinig tungkol sayo famous ka tol." tukso ko naman sa kanya na tinignan ako ng gago-hindi-naman-slight-lang look.

"Ewan ko ba. Para kasi silang nangangagat at parang delikado. Ang iba naman parang lalandiin lang ako. Baka itake advantage lang ako,mahirap na" at medyo natawa siya sa mismong sinabi niya.

"lumakas ata yung aircon? ramdam mo?" sabay akto kong kunwaring nilalamig.

"hindi yun aircon. ako yun. lakas yun ng dating ko." Sinabi niya yun sabay pogi pose at tumawa kami ng sabay.

"Ahh Mikay. Pwede ba tayong maging friends?" at tinignan niya ako sa mata at seryoso. Ramdam ko yun bes. Mas gumagwapo talaga siya kapag nagiging seryoso ang mukha.

"Oo naman. Hindi pa ba? Basta pakainin mo lang ako no probs." At nag okay sign ako.

"Yes naman. Salamat"at ngumiti na sakin.

Sana pala humindi ako para seryoso lang mukha niya. I mean,gwapo siya kapag nakasmile kasi ang cute ng mata niya at lumalabas ang hanay ng perpekto niyang ngipin.

Pero mas nakakahakot ng chix kapag magseryoso siya. Tas lumalabas pa lalo ang jawline niya.

"So yung Dos pala,yung kapatid mo? Diba sabi mo sa St.Ezekiel din yun nag aaral?" Pag iiba ko ng usapan kasi baka matunaw na siya sa titig ko.

"Ah si Dos. Di pa siya dun nag aaral,baka next month pa yun magtatransfer dito. Sa states yun lumaki eh. Inaasikaso pa siguro nila mga papeles papunta dito."sagot niya habang hindi nakatingin at nakafocus sa pagkain.

"States naman pala eh. Ba't pa siya tatransfer dito? Sigurado naman akong mas bongga mga schools dun." saka naman ako uminom at hindi na inalis ang straw sa bibig ko.

"Mas gusto kasi ni dad na sabay kaming gumraduate para mas magka idea kami sa course." habang nagsasalita siya ay mas nadedepina ang jaw line niya at ang pula niyang labi.

Di pa ako natatapos sa pag appreciate sa mukha niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Na agad ko namang iniwasan at di nalunok ng mabuti ang milk tea kaya umubo ako.

"Na apektohan ka na ng #TreSyndrome HAHAHAHA ayos ba? TreSyndrome? " sabay pogi sign.

"Heh *ubo* *ubo* di ko tuloy malunok mabuti *ubo*" sabi ko sa gitna ng mga ubo.

"Bakit gusto mo ba makilala si Dos?"seryoso niya tanong.

Between Him and HimWhere stories live. Discover now