*Dos-7Mikay's POV
Di naman sa natatakot ako sa kanya di ko lang talaga gustong makaharap siya ulit baka masuksuk ko sa ano niya mga alaga ni papang bonsai amppppp. Buti na lang talaga tumalikod siya kaagad at mukhang di niya ako nakita.
Dali dali rin akong tumalikod sa kanya hmp. Dito din pala nag aaral ang booknapper na yun pero parang di ko naman siya nakikita dito dumarami ata ang mga transferee dito.
"Miks! " naputol ang pagnanarrate ko dahil sa pagtawag sakin ni Tres.
"Anooooo? " sabay tingin ko sa kanya.
"Oh minamahal mong libro" sabi niya habang inaabot sakin ng may karahasan ang libro.
"Literal na mahal to no tangek. Salamat parin. " tanggap ko sa libro.
Sakto naman tumunog na ang school bells hudyat ng uwian omg salamat namennnn sumasakit natin puson ko pero niyaya ako ni Tres kumain at sino naman ako para tumanggi sa grasya kaya gora.
Magiging worth it rin siguro to since sa Pizzahut niya ako ililibre hehe
NOTE: GAWING KAIBIGAN ANG MGA MAYAYAMAN,SA BIGAYAN NG GRASYA DI KA MAIIWAN."Ikaw na pumila jan at ikaw narin umorder" sabi ni Tres at tumalikod na sakin para maghanap ng table.
Pero wait. AKO OORDER?! SO AKO MAGBABAYAD?! HALAAAA Pang burger steak lang sa jollibee pera ko.
Pero ng umorder ako nalaman kong ihahatid din pala yung bill pagkatapos kumain kaya madami dami ang inorder ko hehe meron ako eh bakit ba.
Hinanap ko nalang si Tres para makakain makakain na kami. At di naman ako nahirapang hanapin siya pero may kausap siyang lalake. Nakatalikod sakin. Pake ko ba? basta nagugutom nako shet.
Malapit na ako sa table nung bumaling ang tingin ni Tres sakin at ngumiti habang nag uusap parin sila ng lalake. Biglang tumayo ang lalake at humarap sakin.
owshet.
Tres POV
Di ko inaasahan na andito din pala si Dos kaya umupo narin ako sa table niya.
Nakapag usap rin naman kami kanina sa school at ako pa ang napagbuntunan niya ng inis sa babaeng kinwento niya na kumuha ng libro ni Twaine. Yung pareho mismo kay Michaela. Naisip ko nga na baka si Mikay talaga yun pag nagkataon baka hindi magiging maganda ang araw nato hahaha.
Sakto naman na naaninag ko na si Mikay na medyo malapit na sa table namin at mukhang gutom na talaga mukha siyang marshmallow na tinusta kapag gustom.
"Tol una na ako, dad's calling"Tumayo narin si Dos kasi pauwi narin pala siya.
"May papakilala pa sana ako sayo." shempre si Mikay.
"Well maybe next time. I'm sure makikita naman tayo sa school. I'll be going" sabi niya at tinapik ang balikat ko at umalis narin.
Nang maka alis na si Dos kitang kita ang pamumutla niya. Pero kumain narin siya.
"Ahmm tresh *nom* *nom* shino yung kanina *lunok*" tanong niya habang nilalamutyak ang pizza.
"Bakit? intresado ka?" wag naman sana.
"Ha?! t@ng1n4 lang pag nagkagusto ka *nom* dun" sabat niya. "Pero shino *lunok* nga yun"
"Si Dos bakit ba?"
*kroo* *kroo*
"Uwi nako hehe"sabi niya sabay kamot ulo.
"Ha? tapos ka ng kuma--NAUBOS MO YUNG PIZZA TSAKA LASAGNA NG GANUN LANG? NAKAKA ISANG SLICE PA LANG AKO SA PIZZA AH?" halos pasigaw kong sabi. kasi naman di ba siya pinapakain ng mga magulang niya.
"Oo na. patay gutom na ako pinapahaba mo pa eh. pero alis nako late na rin. Wag mo na akong ihatid baiii" atsaka siya tumayo paalis. ewan ko ba dun narinig kang pangalan ni Dos parang hinahabol ng multo.
Mikay POV
Halahalahalahalaaaaa. So kapatid pala ni Tres yung lalake omggg waaaa. Baka hindi na ako librehin ni Tres pagnagkataon halaaaaaaa.
Sa mga sumunod na araw ay tinatry ko talaga lahat lahat para maiwasan lang si Dos mga 3days rin akong pumasok sa school na parang bibitayin. Nakakastress nga eh pero feeling ko di pa naman niya siguro ako nakikita ahe im so bright thinker.
At dahil nga nakakatamad na magnarrate at gutom na ako dumiretso nanaman ako sa canteen alangan sa hardware diba? so eto na nga.Tinignan ko yung mga nakahilerang nga cupcake hihihi nakakatakam. Pero ang pinakatatakam tignan ay yung chocolate cupcake. Kumikinang kinang yung frosting tas feeling ko tinatawag niya ako omggggg.
Kaya tinuro ko yun mula sa glass shelves ng canteen pero biglang tumayo lahat... ng balahibo ko nung may daliri rin na tumuro sa cupcake.
Tinignan ko siya. Actually tumingala ako.kapre bes.
"You again huh? " wtfwtfwtfwtfwtf.
"M-manang kukunin ko po to p-paki balot na l-lang." shet ba't ba ako nagvivibrate.
"No I'll get it." angal ni Dos. Pero mukhang hindi na yun narinig ni manang kasi binalot na niya yun at dumiretso sa counter at medyo oldies narin si manang.
Dinukot ko agad ang wallet ko para mabayaran ang cupcake pero di pa ako nakakuha ng wallet ay nabayaran na ito ni Dos.
"Not this time." sabi niya habang umiiling sakin saka siya lumabas sa canteen.
uh-oh.

YOU ARE READING
Between Him and Him
Dla nastolatkówfor all of the nouns. who will be "you" and who will stay as "him"