*Attention-3
Mikay's POV
Naglakad ako papuntang room para kunin ang bag ko. Mag ti-time narin kasi para sa second period kaya dinalian ko na ayaw ko na maging late no.
Nadaanan ko sina Quiren at Demi pababa sa hagdan na dala dala ang bag ko.
Quiren De La Pena (ki-ren)- n.* isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Classmate ko mula first year sa collage hanggang ngayong third year. Maluwag turnilyo neto sa utak kaya mag ingat.
Demi Alonzo (demi)- n.* isa din sa pinakamatalik kong friend. Mas maliit nga lang siya samin hehe shh lang. Richkid to wag kayong ano.
"Limang piso labor" utos ni Quiren habang binibigay sakin ang backpack ko.
Halata talaga sa tao kapag gipit eh no.
Tas eto naman si Demi patuloy lang sa pag tutok sa cellphone niya at mula dito nakikita ko na ang mga ugat niya sa mata jok.
"I heard guys ha may transferee daw sa fourth year. And not just transferee gwapo daw hihihi" yes namern gurl halata din sa tao kapag lumaki sa aircon.
Patuloy lang sa pag dakdak sina qui at si demi habang papunta kami sa next class namin. Eto nanaman tayo. Values namin.
Di naman sa sinasabi kong boring ang values,depende yun sa teacher. Either may values kang matututunan o one hour ka lang mabobore. Three years ng ganto kaya wag ano. Buti nalang 2days a week lang values namin.
Well as usual pina upo niya muna kami sa ginawa niyang seat plan. Importante ang role ng seatmate mo no. Macocopyahan. Mahingian ng papel. Mahiraman ng ballpen. And many more bwahehe.
Seatmate ko si Kevin. kras ni Quiren since last year odiva.lumalandi din lola nyue. gipit na nga sa pera sa lablayf pa rin ba? ahehe.
Si Quiren naman nasa likod ko. Liningon ko siya at bigla niya naman akong tinignan. Tinaas baba ko ang kilay ko sa kanya sabay panuksong tingin kay Kevin. Nag make face lang siya at pramis ang pangit niya kapag ginagawa niya yun HAHAHAHAHAHA.
Pero seryoso shiniship ko talaga ang QuiKe labtem hehe.
"Quir group na lang tayo ditong apat nila Mikay at Rhenz" biglang sabi ni Kevin kay Quiren. Di ko namalayan na pinapadala pala kami ni maam ng mga cleaning materials para sa room by four daw kasi.
"Yiiii kabakla~" tukso ni Rhenz sakanila.
"Hoy may ibabakla ka pa ba?tahimik ka nga." saway no Quiren kay Rhenz.
Nasanay nako sa bibig ni Quir. Parang ihi yang bibig niya eh. Kapag may lumabas na hindi mo na mapipigilan.
"Okay na kayo na tayong apat?" Tanong samin ni Kevin. Tumango lang ako.
"Duhh shempre okay lang. Aayaw pa ba ako?diba crush kita?" Pabiro na sabi ni Quiren.
Actually,pabiro lang talaga si Quiren sa mga ganyan. Na crush niya si ganito ganyan. Minsan nagtatapat siya ng nararamdaman niya pero pabiro. Minsan totoo talaga yun minsan joke lang. Ikaw bahala.
Natapos na values.sa wakas.
Buti na lang vaccant namin next subject kaya makakakain na ako. Nararamdaman kong nagvovolleyball na mga alaga ko sa tiyan.
Kaya dumiretso agad kami sa canteen. Baka ano pa gawin ng mga alaga ko.
"Oy Viv!"sigaw ni Demi.
Kasama ko sila kahit saan kaya klus na klus kami hehe.
Napatingin naman ako dun sa tinawag ni Demi. Si Vivid pala late nanaman haysss.
Vivid Maestrado (Vivid)- n.* isa rin sa mga pinakaclose kong kaibigan. Siya pinaka may utak samin. Pinakamatalino saming apat. At specialty niya? May common sense siya bes,na wala tayo HAHAHAHA. Late nga lang palagi as in palagi. Tig 1-3 hours pa yan late.
"Oh Viv, may plano ka pa palang pumasok?"tanong ni Quiren.
Umupo kami sa table kung saan siya umuupo. At nagdahilan bakit siya late. At limang sagot na palaging dahilan? Traffic.Di nakagising ng maaga. Late natulog. Walang tubig. Naiwan ID.
"By the way,kilala mo na ba yung transferee?"tanong sa kanya ni Demi.
Kanina pa nila ni Quiren pinag-uusapan yang transferee. Tas wala parin akong clue,baka siguro si Tristan Marquez. Siya pa lang naman naencounter kong transferee ngayong year.
"Yeye,fourth year daw?tas gwapo omg"sabay pa silang kinilig.
Sana kung shinare nila sakin edi sana makarelate din ako tas kinilig din ako diba?DIBA?!PIGILAN NYOKO MAKAKASAPAK AKO EH jok.
Pumasok na kami sa susunod na subject. At sa susunod. At sa susunod. Hanggang uwian na. Nagpaalam na ako at umuwi.
Agad ko tinapon ang sarili ko sa sofa ng nakarating ako sa bahay. Kapagod mag aral jok hehe.
"Oh aga natin ah?"tanong ni papa mula sa kusina.
"Pa may pagkain jan?tomguts anak mo"sagot ko pabalik.
Kinaumagahan.(A/N: ang bilis diba)
Dumiretso ako sa canteen vacant naman kasi first subject. Nakita ko naman ang tatlo nagtutumpukan. Feeling pinag uusapan nanaman nila tungkol dun sa transferee at kung pano nila gagayumahin.
Umupo ako sa table nila.
Tatanungin ko na sana yung tungkol sa transferee. Pero biglang may natapon na gulaman sa harap namin. Arggggg pati ba naman dito?
"Hi dumbys" giit nito.
Nako pigilan nyo ko. Maabot ko na ang nailcutter babalatan ko talaga to nako talaga.
"Uh girls may nasasagap ang cellphone ko na kulang sa pansin. Sino kaya yun?" Sabat ni Demi with full of sarcasm.
Hindi naman nagpatinag tong nagbuhos ng gulaman sa table namin. Pero shet nabasa ako ng slight at naiirita na ako sakanya.
"O Daisy, ano hindi ba halatang ikaw yung kulang sa pansin?" pagsulpot ko.
Daisy Abueva (deysi)- n.* manananggal na ang hati ay nasa leeg. Hipon. Kain katawan tapon ulo. Pwede rin tapon mo both. Basta sarap siyang gawing adobong hipon.
Ayoko sana siyang barahin pero nakakairita lahat tungkol sa kanya. Mula sa ingrown niya sa kuko sa paa hanggang sa mga baby hair niya kaya nakakaputa eh.
Sa kasamaang palad naman ay si Demi ang pinaka pinupuntirya niya. Seatmates kasi sila since first year at nag aaway sila sa loob ng three years at walang nangangahas pumagitna.
"Well,its something like that. But hindi naman attensyon niyo ang gusto ko like meron gusto ng attensyon niyo. " Sabi niya sa nakakairitang tono.
"As if naman kapansin-pansin ka. Maybe yes. Pinapansin ka lang naman ng tao dahil may kailangan sayo nothing more." Sambit naman ni Demi na nakatayo at hinaharap si Daisy.
Hala eto nanaman sila bes red alert na dis.
"Pwede ba Daisy canteen to hindi seafood restaurant. Kaya pwede ba alis.chupi.shoo." pangtataboy ni Quiren.
"I'm into getting Tres' attention." Sabi niya. At tinignan ako. "Don't even try to be on my way." saad niya.

YOU ARE READING
Between Him and Him
Ficção Adolescentefor all of the nouns. who will be "you" and who will stay as "him"