chapter 1

88 2 0
                                    

“ Uy guys, may sabi ako”, maingay na pambungad ni Karina sa umagang iyon. Okay naman ang pagiging maingay niya pero paminsan-minsan, may pagkakataong nakakairita.

Patapos na ng Second semester. Ilang tulog nalang, summer vacation na rin. Nakakatuwa pero malinaw na malinaw pa rin sa kukuti ko ang kagagahang nagawa ko isang taon na ang nakakaraan.

“ Anong sabi mo?”, tanong ni Pia kahit busy sa ginagawang draft para sa aming project ay nakuha pa rin siyang pag aksayahan ng oras.

“ Sabi ni Prof. A, ngayong Friday na ipapasa ang gagawin nating libro”.

“ ANOOOOOOO????!” Halos matanggal lahat ng tutuli ni Karina sa tenga. Aba! Hindi ko siya masisisi. Pati nga ako nabingi sa mga reaction ng mga classmates ko eh. Halos lahat ata kami dalawang araw nang walang tulog. At siyempre dahil walang tulog, malamang hindi naligo.

Parang gusto ko nang maiyak sa sobrang pagod. Hindi ko akalaing ganito pala kahirap maging estudyante sa State U. Kung sa simula ng pasukan mukha ka pang tao, naku, ipagdasal mong sa pagtatapos ng pasukan ay tao ka pa rin tingnan.

BOGSH! Parang may nag landing na UFO sa ulo ko. Sino kayang mokong ang nagtapon ng kinusot-kusot na basurang papel na ito? Loko! Mukha ba akong basurahan? Dalawang araw lnag naman akong hindi naliligo at maayos pa naman ang itsura ko. Pinulot ko ang papel. Parang mabigat. Letchon! Kaya pala masakit kasi ibinalot ito sa bato.

MAGKITA TAYO MAMAYANG HAPON. 5 PM SHARP. DATING TAGPUAN. PUMUNTA KA!

Tss. Kilala ko ang penmanship na ‘to ah. Humanda kang mokong ka.

Nagpapasalamat ako at maagang natapos ang klase ko ngayon. Marami akong time para iprepare ang sarili ko para sa aming 11-7 ( Gawain ito ng mga taong mahilig sa procrastination. Mabuhay ang mga procrastinator na kagaya ko!)

tanong ko lang, ilang litro ba ng kape angnakamamatay?

10:00 pm Miyerkules

Matapos ang mahabang biyahe mula sa bahay naming malayo sa kabihasnan, nakarating na rin ako sa tagpuan. Kung tutuusin, malapit lang naman talaga ang 143 Naligaw Street. Pero ewan, namaligno ata ako at naligaw rin.

“ Oh bakla! Mabuti naman at pinayagan kang sumama sa amin magbabad sa radiation,” nakangiting sabi ni Lu. Hindi ko maiwasang ma pressure sa suot niya. Para siyang pupunta ng mall sa suot niyang shorts and loose shirt/ blouse na may ribbon design sa may bandang upper right samantalang ako, naka t-shirt at pedal lang.

“Waaw!Aba Lu! Mabuti naman at pinalabas ka ng bahay niyo na nakaganyan lang? Nahiya naman ako sa outfit mo. Ikaw naka costume na pang boutique tapos ako naka ukay-ukay lang.”, pabiro kong pangbara sa kanya. Halos nagtawanan lahat ng mga kaibigan ko. Parang natural na sa kanila ang ukrayan naming dalawa. Kahit sawi man ako sa pag-ibig, hindi naman ako sawi sa pamilya at kaibigan. Siyam kami sa grupo. May iba’t ibang personality pero nagki-click pa rin.

Una kong nakilala si Vanessa. Classmates kami nung 2nd year high school. Nessa ang palayaw niya. Sa aming lahat, siya ang pinaka positive. Ang motto niya sa buhay ay ang golden rule. Astig no?

Sunod kong nakilala sina Lu, Elle at Lyn. Schoolmates ko sila dati. Take note, happily taken sila. No doubt, mga inlove. Sila ang mga taong willing magtiis at pagpasensyahan ang mga lalaking kung minsan ay nagiging utak abnormal.

Si Anna naman ang pinaka weirdo sa amin. Mahilig siya sa scream genre ng music. Yung mga kantang halos lumuluwa na ang vocal cords ng singer sa kasisigaw. Yung tipong pag pumikit ka ay parang tunog ng kinatay na baboy ang maririnig mo. Ewan ko ha pero feeling ko nakakatanggal ng tutuli ang mga kantang tulad ng pinakikinggan niya. Pero katulad ko, mahilig rin siyang magsulat. Siguro yun ang dahilan kung bakit kaming tatlo ni Pia ang pinaka close sa grupo.

Ang Love Story ni ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon