"Hoy Ehra!" sigaw ni Pia sabay hampas sa akin habang tinitingnan ko na naman ang profile ng kauna-unahang boyfriend ko na ex ko na ngayon.
"Pwede ba friend tigilan mo na yan? Tingnan mo nga. Friends nga kayo sa Fb pero blocked ka naman sa wall nya. Alam mo, kung ice cream yang mukha ng pangit mong ex; malamang matagal na yang natunaw." tulo-tuloy niyang sabi.
Feeling ko napipikon na ako kaya naman tinigilan ko na rin ang katangahang ginagawa ko. Actually, nag-iisip ako ng iba naman. Hahaha. Joke lang. Bumalik ako sa home page ko. Hindi ko inaasahang mas masakit pala ang makikita kong post doon. Parang tinusok ng sabay-sabay ang puso ko ng wala man lang shield. Alam nyo yung kasabihang straight from the heart? Oo, yun! Ang kaibahan lang, tinusok ako "straight TO the heart." Ang sakit-sakit pare. Grabe! Naguguluhan ka ba? Ewan. Ako nga rin eh. Naguguluhan na rin. Mahigit isang buwan na kaming magkahiwalay pero affected pa rin ako. Ouch! Gaga lang no?
Kinalabit ko si Pia sa gawing kaliwa na nagpipigil ng luha habang tinitingnan ko ang tag picture nya kasama ang isang babae sa facebook.
"Pia, ang sakit" hindi ko na napigilan. Tumulo na talaga. Ang ilong ko, bumabara na rin. Malas!
"Bakit? Anong masakit sayo? Kinagat ka ba ng katabi mong naglalaro ng dota?" pabirong tanong nya habang nakatitig pa rin sa monitor ng computer nya.
"Ang sakit-sakit talaga. Ang puso ko, Bakla! Tinusok-tusok ng sabay-sabay. Pare, ang sakit talaga." tuloy-tuloy na sabi ko habang pinupunasan ang mga mata kong nag-iinit.
"ha? bakit pala?" natataratang tanong nya.
"Ayoko na. Tapusin mo na yang ginagawa mo. Gusto ko nang umuwi." napayuko na lang ako para hindi mahalata ng ibang estudyanteng nag-iinternet ang kagagahan ko. Nakakahiya na talaga ako. Grabe na ang sakit ko sa utak. Kailangan ko na atang magpatingin sa ibang doktor. Para kasing tinatraydor ako ng sarili kong doktor na si Kupido.
Hindi ko na pinakinggan si Pia. Humikbi na talaga ako. Feeling ko ang kapal-kapal na ng mukha ko. Wala akong pakialam kung maririnig ba nila ako o hindi. Who cares? Joiners lang? Engot ako? Tss. Nagsalita ang mga epal.
"Ay putik yang pangit mong ex ha. Nagawa pa talaga nyang magpost ng kalandian nya. Machat nga," naiinis na sabi ni Pia.
"Hi ku-ya. Si-no yang ka-sa-ma mo? Girl-pren mo?" <click enter>
<reply sound> Hindi. Pinsan ko yan Pia. ^^
"Ta-la-ga? Gan-yan pa-la ka-yo mag-pose ng pin-san mong ba-ba-e? kai-la-ngan ta-la-gang na-ka-pa-tong ang pa-a nya sa i-yo? Ang sweet na-man." <click enter>
<reply sound> ^^
"A-no yan?" <click enter>
<reply sound> "Pasensya na. Busy kasi ako". <offline mode>
Bumuhos lalo ang luha ko habang tinitingnan ang chat box ni Pia. Parang gusto ko nang gumuho ang mundo. OA ba? Ang author kasi, biT.Ter!
"Tara na. Gusto ko ng umuwi." dire-diretso na ako sa pagkakatayo.
"Ehra, may 30 minutes pa." nagsusumamong sagot ni Pia.
"Paki ko? Uuwi na talaga ako. Kasama ka man o hindi."
"Uy, ito naman. Matmpuhin. Wait lang naman pare." paghahabol ni Pia habang palabas kami ng net cafe.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay patila na ang ulan pero may mga paambon-ambon pa rin. Hindi ko tuloy maiwasang magpasalamat sa Dakilang Maykapal sapagkat pingpapala nya talaga ang mga katulad kong sawi sa pag-ibig. Dinadamayan ako ng panahon. Nagluluksa din ito sa namatay kong puso. Wala sa utak kong tumakbo papalayo sa lugar. Hinabol ako ni Pia na nakapatong ang dalwang kamay sa bunbunan.
"Hoy, Ehra! kaOAhan na to ha? Hindi mo man lang naisip ang ang kawawa mong bestpren. Naman! Naghihikahos na tong sapatos ko. Nagpoprotesta sa kadramahan mo."
Nayayamot na reklamo ni Pia habang inaayos ang sapatos nyang nasira na sa katandaan ngpanahon.
Pero tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad. Ang gusto ko lang talagang gawin ay ang makauwi para mailabas ko na lahat itong nakakainis kong nararamdaman.
"Ehra, hintay naman. Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Nabibingi ka na ba?" sabay-sabay na tanong ni Pia na nababasa na rin ng ulan.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. Hindi ko na namalayang tumatawid na pala ako sa kalsada na may paparating na sasakyan. Muntik na akong masagasaan. Sayang lang talaga at nahila pa ako ni Pia na galit na galit.
"Ehra naman! Ano ba pare! Tama na nga. Hindi ka na nakakatuwa. Tanggap ko namang matagal ng namatay yang puso mo. Pero pati ba naman kaluluwa mo gusto mo pang mawala sa katawan mo? Magtira ka naman. MANHID KA BA? Isipin mo rin naman kaming nagmamahal sayo." Feeling ko, naging kulay violet na sya sa sobrang galit.
"Sana nga no? How I wish namanhid na lang lahat para hindi ko na maramdaman ang ganitong klaseng sakit. Para hindi ko na lang maramdaman lahat ng to! Alam mo, kung may nabebentang pagkain na nakaka-amnesia; malamang suki ako nun. Hay. Sana nga no? SANA NGA PIA. Kasi, ang sakit-sakit na."
Hindi ko na alam kung matino pa ba ako. Feeling ko, mas basa ang mukha ko ng luha at sipon kaysa sa ulo kong naambunan. Umiyak na talaga ako ng umiyak ng walang tigil na kahit pinagtitinginan na ako ng lahat ng taong kasabay ko sa jeep ay go pa rin ng go sa pagbuhos ang mga luha ko. May bagyo ata sa loob ko na kailangan mailabas at maflush sa toilet. Nakakainis! Pero talo na naman ako. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mapag-iwanan sa kawalan. Malay ko ba? First timer lang ako. Dito sa magulong mundo ni Kupido na sya lang ang panalo...
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi readers! leave a comment, okay? pasensya na. kylangan ko pa kasing maglunch eh.
mahal ko kau, <3
Jell L.
![](https://img.wattpad.com/cover/1103687-288-k115348.jpg)