“ Ehra naman, pwede bang mamaya na? Mall muna tayo”, pagmamakaawa ni Pia.
“ Pia, huwag ngayon please? May exam pa tayo bukas.”
Walang nagawa si Pia at bumalik sa kanyang kinauupuan. I’m not really into strolling right now. Feeling ko kasi may mangyayaring hindi maganda pag pumunta ako sa mall.
Para sa araw na ito, pag-aaralan namin ang Literature 1: reading and Appreciating Philippine Literature. Sa subject na ito, na realize ko kung gaano kagaling ang mga Pilipino sa sining ng pagsusulat. Ang teacher ko, idolo s i Nick Joaquin. Kunsabagay, magaling talaga siya.
Tumayo si Anna at pasimpleng tumabi sa akin. Paminsan-minsan hindi ko talaga feel ang negative aura niya. Dapat masanay na ako pero ewan. Matagal lang talaga siguro yung adjustment period ko.
“ Ano?”, wala sa utak kong tanong sa kanya.
“ Wala, gusto ko lang tumabi sa ‘yo.”
Para talaga siyang si Sunako Nakahara pero di hamak na mas maganda yung Sunako. Pumapangit lang yun pag naging chibi na. ^_^V
Busy ang lahat sa pag-aaral. Kulang na lang lumuwa ang mga mata sa kakatitig sa aklat. Hindi ko tuloy maiwasang ma pressure. Shaks! Ngayon pa talaga ako nawalan ng gana. Naman oh..
Mabilis na dumaan ang oras. Uwian na pala. Kanya-kanya na kaming hablot ng mga gamit namin at sina Elly naman ay abala na sa pagpapa ganda. Ritwal nila talaga yan tuwing uwian. Suklay, tingin sa salamin,pulbo,tingin sa salamin, lagay ng lipstick, tingin sa salamin. Kulang na lang mabasag yung salamin sa kakatingin nila. Abala talaga ang lahat nang biglang magsalita si Jamie.
“ Guys, pwede magpasama sa mall? Mag wi-withdraw kasi ako sa pension ng lolo ko eh.”
Akalain mo yun? Pagtripan ba naman ako ng tadhana? Dalawang beses pa talaga akong niyayang mag mall. Tumingin si Pia sa akin na nakangiti ng sobrang laki halos mapunit na ang labi.
“ Huwag ka nag umangal Ehra. Talo ka na.”
“ Ayoko!”
“ Sayang manlilibre pa naman sana ako ng fries at sundae.”
Sundae? Fries? Yum!! Ang sarap kaya nun!! ^___^
“ Talaga? Yung totoo? Baka niloloko mo lang ako ha para sumama ako.”
Tiningnan nila akong lahat. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagtawanan kami. Haaaayy. May magagawa pa ba ako? Sige na nga. Kung hindi ko lang talaga mga kaibigan tong mga bruhang to.
Habang nasa pedicab kami ay kanya-kanyang kwento ang mga tao. Si Karina, Jamie, Elly, Pia at ako lang ang nakasama. Silang apat maliban kay Nessa ay makikipagkita sa kani-kanilang mga boylet. Mabuti na lang at single ako. HAHAHAHA. < bitter laugh>
Dumiretso ako sa National Bookstore. Hindi man halata pero mahilig talga ako sa mga libro. Halos kaming lahat. Kuminang ang mga mata ko at naghugis bituin nang makita ko ang mga salitang parang hulog ng langit. SALE!!!!!
“ Bakla! Nakikita mo ba ang nakikita ko?”
“ Oo bakla! Afford na natin to! Halika na at rambulan na!”
Nag-unahan kami sa mga tambak ng libro.May maninipis, may makakapal. Meron ding katamtaman lang.
“ Ehra, Pia, babalikan lang namin kayo. Magpapasama lang ako kay Elly at Karina.”
Hindi ko na sila pinansin dahil abala na ako sa paghahalughog. Nag coconcentrate din si Pia habang namimili ng aklat. Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagsalita si Pia.
