Naayos na namin lahat ng aming gamit. Nakakainis dahil di parin ako tapos sa libro ko. Bakit naman kasi masyadong echusero tong si Prof. A. Hindi kaya madaling gumawa ng Remediation Book.
“ Girls, 50 lahat ang babayran natin”, paalala ni Elly na nauna na sa cashier.
“Teka lang. Bakit 50?”, pagkaklaro ni Lu na pinaka kuripot sa amin.
“Eh kasi, nag extend tayon ng one hour”, sabat ni Nessa.
Pumila na kaming lahat sa cashier ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Toooot..toooot...toooot…toooooot.
Wala ka kahapon. Hinintay pa naman kita. T_T
SENDER: T. Anton
Parang tanga akong nakatitig sa cellphone ko. Marahil epekto ito ng walang tulog. Hindi ko namalayan na naki usyoso pala si Pia. Nabasa niya ang tinext ni Anton.
“ Uy! Si Anton! Nagtext. Uyyyyyy…..”, sabay hablot sa cp kong sira-sira.
“ Hindi yan si Anton no.”
“ Sinungaling ka talagang bitter ka.”, pambabara ni Pia.
“ pathetic ka talaga no? Sabing hindi nga ako bitter eh. Look who’s talking, mas bitter ka kaya sa akin!” , naiinis kong sagot.
“ alam mo Ehra, ma rerealize din ng Will na yan na AKO talaga ang para sa kanya”, pagmamalaking sagot ni Pia.
“ Eh kailan naman? Sa katapusan ng walang hanggan?”, pang-ookray ko sakanya.
Nagtawanan kami sa mukha ni Pia na nakakaawa.
Natapos na rin kaming magbayad. Bago umuwi, nag almusal kami kina Elly na malapit lang ang bahay sa 143 NAligaw Street. Finally, nakapamulbo na rin ako. Kahit papaano, mukha na ulit akong tao. Mabuti na lang at 1:30 pa magsisismula ang klase namin. May time pa ako para makaidlip kahit isang oras lang. Okay na rin yun. Kahit papaano, makakabawi na rin ako ng lakas. Sigro masyado lang akong pre-occupied kahapon. Ngayon ko lang naalala si Anton. Si Anton.. Si Anton.. Hmmm. Anong meron kay Anton? Ay tanga! Patay ako nito ngayon!
*flashback*
MAGKITA TAYO MAMAYANG HAPON. DATING GAWI. DATING TAGPUAN. PUMUNTA KA!
Tama nga pala. Isang buwan na akong hindi nakapunta sa Taekwondo Club. Marami na rin akong absences. Hindi naman siguro magagalit si Anton kung isang buwan na akong hindi nagpapakita. Tss. Priority ko kaya ang academics ko.
“ Ang tax ay binabayaran ng mga taong may trabaho Sapagkat ito rin ay para welfare ng mga tao…… blah blah blah blah.” . . . Parang lumulutang ang utak ko. Ang gusto ko lang gawin ay matulog. Gosh! Kadiri much talaga ako. Parang tumutulo na ata ang laway ko. Layered na ang eyebags ko. Mukha na akong naglalakad na zombie.
“ O, Ms. Fernandez, what are the different kinds of taxes? “, narinig kong sabi ni Mrs. Valderama.
Tiningnan ko si Pia sa gawing likuran. Natulog siyang nakanganga. Makikita mo talaga sa mukha na pagod na pagod siya. Hindi ko siya masisisi. Ganyan na ganyan rin ang nararamadaman ko ngayon. Kinalabit siya ng isa kong kaklase.
“ Ha? Ma’am?”, natatrantang tanong ni Pia na kakagising lang.
“ Ms. Fernandez? Are you sleeping in my class?”, sarkastikong tanong ni Mrs. V.
Patay! Ang malas naman ni Pia. Siya pa talaga ang napagdiskitahan. Ano kaya ang isasagot ng loka-lokang ito. Ilang minute ang lumipas at bigla kaming nagulat sa ginawa niya. Bigla siyang umiyak. Loka-loka talaga tong babaeng to.