Chapter 3

40 1 0
                                        

Hindi ko maiwasang matawa sa mga nangyari sa akin sa gabing ito. Kahit matagal akong nakauwi, napagalitan pa ako at ngayon pa lang makakatulog ay okey lang. Ngayon ko lang nakita at nakilala ng lubusan ang totoong Anton. Yung mokong na yun. Tss. May pagka abnormal din pala.

Hay naku, matatawa ka talaga sa kanya. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya ang may pinakamapalinlang na mukha.

*flashback*

Natapos na rin akong magbihis. Pero pagkalabas ng pagkalabas ko ay wala akong nakitang Anton o kahit anino niya. Yung mokong na yun! Iwan ba naman ako! Tss.. Akala ko pa naman gentleman siya. Tss. Makaalis na nga.

PSSSSSSSSSSST!!

Ano yun? May naririninig akong sumusutsot. Lumingon ako.

“ Anton? Ikaw ba yan?”

Walang sumasagot. Ang creepy naman dito. Natatakot na ako.

PSSSSSSSSSSST!!

Ay letchon! Ginugood time talaga ako!

“ Hoy! Wag mo akong sutsutan! Hindi ako aso!”

PSSSSSSSSSSST!!

Aaaaarrrgggh. Nakakainis na!! NATATAKOT NA TALAGA AKO!!!! Badtrip! Pinagpapwisan na ang kili-kili ko. Sana lang talaga hindi ako mangangamoy nito. Pero pinilit ko pa ring hindi magmukhang takot.

“HOY! Sino ka? Lumabas ka dya kung saan ka man! Duwag ka pala eh. Halika, suntukan na lang tsong para magkaalaman na!”, pag-aasta ko kahit takot na takot na talaga ako.

Wala pa ring sumasagot. Malapit na ako sa main door ng gym. Ilang lakad na lang. Makakalabas na rin ako sa nakakatakot na gym na ito. Ganito pala ang feeling ng mga bida sa mga horror movies. Tuloy lang sa paglakad Ehra. Malapit ka na sa pinto. Sabi ko saking sarili para kumalma naman ako kahit papano. Nasa may basketball court na ako. Konti na lang talaga at makakalabas na ako.

Tiningnan ko ang relos ko. 8:30 pm. Hindi pa naman siguro ito ang oras ng labasan ng mga kriminal at rapist no? Grrr. Yung Anton na yun! Humanda siya sa akin!

BANG!

Anong ingay yun?  Yun ba yung pinto sa likod ng gym?

“ May tao ba dyan? Sumagot ka! Hindi na talaga ako natutuwa!”, naiiyak na talaga ako.

<CLICK>

AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!! Inay ko po!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Namatay lahat ng ilaw!! Napatili na talaga ako sa sobrang takot. Wala akong makita. Wala akong marinig kundi tunog lang ng spike ng sapatos na paparating sa akin.

“ Ssshhhh, nandito lang ako”,yun lang yung narinig ko sa kaliwang tenga ko at niyakap na ako ng isang anino.

“ Natatakot na ako. Please wag mo akong iwan.” Humagulgol na ako at niyakap ko nang napakahigpit ang anino. Feeling ko siya si Keity, ang kauna-unahang teddy bear na bigay sa akin ng admirer ko nung high school.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may spotlight na nagbigay ng liwanag sa amin. Para kaming nasa theater play at pinapanood ng maraming tao.

“Anong ginagawa niyo dyan?”, narinig kong sabi ng isang mama habang nakayakap pa rin ako sa anino.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng ilaw. Security guard  ng university at nag roroving pala.

“ Ah, wala po. Natatakot lang yung girlfriend ko kasi po namatay lahat ng ilaw”, palusot nung anino.

Teka lang. Parang familiar ang boses ah. Pero hindi ko makita ang mukha. Masyadong madilim. Anong girlfriend ba ang pinagsasabi niya? Ang presko naman ng aninong to.

Ang Love Story ni ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon