Chapter 4

26 1 0
                                    

( Narrator’s POV)

“ Good morning class!”, pagbati ni Yugin sa kanyang mga estudyante.

“ Good morning Mr. Sarbasa.”

“ Okay class, malapit na ang summer vacation. Patapos na rin ang summer vacation. Pero hindi ibig sabihin nun magiging ganun na kayo kasaya sapagkat meron pa tayong final grading examination. Inaasahan ko na kayo’ mag-aaral nang mabuti para makapasa. Alam ko naman matatalino ang mga Grade 5 students ko. Diba class?”

 Tumango lang ang mga estudyante niyang tila natutulog pa ang mga utak.

Tumalikod siya saglit para kunin lahat ang mga test papers sa kanilang seatwork for the preparation ng papalapit nang exam. Tumawag siya ng dalawang estudyante para i-distribute ang mga ito. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsalita.

“ Class, answer that for 45 minutes. We will check the papers after that. Is that clear?”

“ Yes sir”, sagot ng mga kaawa-awang nilalang.

Umupo siya sa kanyang trono at doo’y naghahari-harian. Joke. Umupo siya para itext ng mga walang kwentang bagay sa kanyang Katrina.

Hi Katrina. Kumusta na? < Click send>

Seryosong-seryoso siya sa pagkakatitig sa kanyang cellphone.

Makaraan ang ilang sandali, hindi pa rin nag rereply si Katrina. KAya inaliw na lang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbibilang kung ilang butiki ang namamahay sa kisame ng classroom niya.

Isa... Bulong niya sa sarili habang tinuturo ang butiking nakikita.

Dalawa... Tatlo.. Apat..

TOOOT.TOOOT.

 Napatingin lahat ang mga estudyante sa kanya. Mukha silang natatawa na naiinis.

“ Sorry class, emergency lang”, palusot niya.

Tss. Emergency daw. Lokohin mo lelang mo.

“ To all teachers, we will have a meeting this afternoon. Agenda is for the coming graduation. Attendance is a MUST. “

-Principal.

Aba at emergency nga. Akalain mo yun? Attendance is a must. EMERGENCY talaga ang mangyayari pag hindi siya pupunta.

Nalungkot siya at nakakaawa ang mukha niya. Pero dapat hindi siya dapat nag po project ng ganyang face. Pumapangit siya lalo. Akala siguro niya si Katrina ang nagtext. Pero busy din yun sa buhay niya. Nagtataka ba kayo kung bakit alam ko? Siyempre, ako yung author eh.

Natapos ang buong araw na walang reply mula kay Katrina.

“ Uy, Yugin,” tawag sa kanya ng pinsan niyang teacher rin sa paaralang yun.

“ Oy, ikaw pala, tapos na ba ang klase mo?”, walang gana niyang tanong.

“ Oo. Papunta na nga ako sa Principal’s office para sa meeting”, nakangiti niyang sagot.” “Ikaw? Doon ka rin ba pupunta?”

“Ah, oo. . “

“ Talaga? Sabay na tayo”, masayang sabi ni Rico sabay akbay kay Yugin.

Waw naman, ang sweet naman ng magpinsang ito. Magkaakbay pa talaga kung maglakad. Actually, scary na siya iimagine. Kaya wag niyo na isipin.

"BLAH BLAH BLAH.. We need your cooperation. Blah. Go for the goal.. We should keep our excellence. Blah blah blah..” satsat ng principal na feeling ko tumatalsik na ang laway. Ang swerte naman nung nasa unahan. May free hilamos.

Makalipas ang isang oras na pakikinig sa animo’y announcer sa radyo ay natapos na rin ang pagpupulong ng mga taong nasa kataas-taasan. Isa-isa silang naglabasan sa office at as usual, nakaakbay na naman si Rico sa kanya. Kung hindi lang talaga sila magpinsan, iisipin ko talagang isa sa kanila ang may berdeng dugo at kasapi sa federasyon ng lumulobong populasyon ng mga babaeng nakulong sa katawan ni Adan.

“ O pare, kumusta na ang pangingisda natin?”, tanong ni Rico.

Teka lang. Akala ko ba na mga elementary teachers to? Bakit nangingisda? Marami palang isda sa paaralan? Ang alam ko kasi marami lang estudyante ang utak isda. Pero anyway, paki ko naman sa malansang buhay nila.

“ May date bang nagaganap?”, tuloy niyang usisa.

Napabuntong-hininga ng malakas si Yugin na pasimpleng nagsabing wala. As in WALA.

“ Bakit pare? Umayaw ba siya?”, tanong ni Rico habang naglalakad sila palabas ng school.

“ Wala naman. Hindi lang siya nag reply”,sagot niya.

“ Eh, hindi naman pala umayaw. May pag-asa ka pa bro.”

“ Hindi nga umayaw, hindi naman nagrereply.Ano yan? Malabo lang talaga?”

“ Siguro. Alam mo naman yang mga babae, pakipot. Maraming gusto, marami ring ayaw. Minsan, hindi mo na maintindihan”, sagot ni Rico.

“ Yun na nga, nawawaln na ako ng pag-asa. Tigilan ko na kaya? Hindi naman sa duwag ako. Pero tingin ko wala na tong patutunguhan tong mga efforts ko.”

Hindi na nakasagot si Rico. Naubusan na ata siya ng palusot. O hindi naman kaya’y nag iiisip at nag muni muni pa.

Ilang hakbang din ang nilakad nila para makarating sa sakayan ng jeep. At ilang sandali pa’y nakasakay na rin sila.

Girl: Hwag mo nga akong hawakan.

Boy: Sorry na babe, please. (naiiyak na ang mukha)

Girl: Kainin mo yang sorry mo. On diet ako. Ipakain mo na lang yan sa babae mong mukhang       suman. (sabay baba ng jeep )

“ Pare, nakita mo yung nakita ko?”, basag ni Rico sa katahimikan.

“ Oo naman. Grabe talaga yang mga babae. Hindi mo maintindihan.”

“Yun na nga pare. Talaga bang ayaw mo na? Ganun na lang? Susuko Ka na talaga kay Kathy at hindi mo man lang pinaglalaban ang nararamdaman mo sa kanya?”

“Nandun na ako, pero may magagawa pa ba ako?”

“ Meron.”

“Ano?”

“ Kain muna tayo Yugin. Nagugutom na kasi ako eh.”                                                                

Ang Love Story ni ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon