Sixth Serving = The Proposal

137K 1.2K 128
                                    

AN:

Paunawa po sa lahat ng mambabasa. I am against Live-Ins, Pre-Marital Sex and the like and this story is not for you to follow. Huwag niyo pong gagayanin ang kalandian ni Alex at katangahan ni Charity. Ito po ay non-teen fiction at lahat po ng mga eksena nito ay bunga ng mahalay o malaswang kaisipan ng author.

Maraming salamat po. ^U^


<<Dedicated sa'yo -- sa mahaba mong comment! nyahahaha! salamat~~!


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Sixth Serving = The Proposal

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Galing ako sa CR nang paglabas ko, nakita ko siyang naghuhugas ng pinagkainan namin. Naka-apron siya, at kumakanta ng tonong hindi ko alam kung saang bangketa galing.

"Baby you light up my world like nobody else... The way that you flip your hair gets me overwhelmed.. The way you smile at the ground it ain't hard to tell, you don't know, who-oh, that's what makes you beautiful.." Naghahum na siya ng kantang yan nang lumapit ako sa kanya at yumakap sa likod niya. Napapitlag siya.

"Hey! Kakagulat ka ha." Sabi niya.

Napahagikhik ako.

"Ang baho mo," sabi ko sabay kunot ng ilong na parang nakikita niya ako.

"Sinong mas mabaho sa ating dalawa, ha?" Humarap siya sa akin at pinilantikan ako ng sabon sa mukha. Tumawa siya nang tumawa habang hawak pa din ng isa niyang kamay ang bewang ko.

"ALEX!" Sigaw ko sa kanya habang ipinapahid niya sa damit ko at braso ang sabon sa kamay niya.

"Bakit??!" Tatawa-tawa at inosente niyang tanong.

"Stop it! Tigi--lan mo na a--ko!" Saway ko habang iniiwas ko ang labi ko sa paghalik niya. Kalandi ga ng lalaking are?

Tumigil na siya sa pagpahid.

"Ang dumi mo na.." Puna niya sabay palatak.

"Eh ano?" Insecure kong sabi. Feeling ko ba ang dumi ko na para.. magustuhan niya.

Sa gulat ko, yumakap siya sa akin. Kumalas din siya pagkatapos.

"Yan! Madumi na din ako!" Maktol niya.

"Sinong engot?" Tatawa tawa kong sabi.

"Madumi na tayong dalawa." Sabi niya sabay pulupot sa bewang ko ng kamay niya. "Kailangan na nating maligo!" Deklara niya at binuhat na niya akong parang sako ng NFA at dinala sa may pinto ng CR.

&lt;UNDER REVISIONS&gt;Served On A Sizzling Plate [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon