>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Eighteenth Serving = Farce
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Naiinis ako kaya pinatay ko na ang cellphone. Ano 'yon? Sa isang iglap lang magpapatawaran na kaming dalawa? Ano ako, hilo?
Tumingin na ako kina Jessica, Jessie at Louie.
"Guys? May kanta ba tayo mamaya?" Tanong ko sa kanila sabay hakbang papunta sa kanila pero parang umikot ang paningin ko kaya tumigil ako. Napatungo ako sapo ang ulo ko.
"Meron naman. Bakit--uy! Anong nangyari sayo?" Tanong naman sa akin ni Louie.
Tumingin ako sa kanila. "Wala. Okay lang ako. Pagod lang."
Lumapit sa akin si Jessie at nagtanong, "Sure ka?"
"Yup." Tumangu-tango pa ako at tumingala. "Uwi na ako ha. Baka hanapin na ako ni Papa."
"Cha! Wait lang! Hindi nila ako naiintindihan!" Ungot sa akin ni Jessica.
Lumapit ako kay Jessica. "Jess.. ganyan ka na ba katanga sa pag-ibig?"
"Kailangan talaga lahat kayo magsabi sa aking tanga ako?!" Maktol pa niya. Sabay sabay kaming lumingon sa kanya at sabay-sabay ding nagsabing, "Oo!"
She pouted then burst to tears. "Alam ko namang tanga ako eh! Tanga ako kasi mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya kahit two years na sa kama lang kami halos nag-uusap!" At nag-iiyak naman siya. Sa totoo lang gusto ko pang mag-stay pero masama na talaga ang lasa ko. Gusto ko pang damayan si Jessica.
Lumapit ulit ako sa kanya. "Akin na ang address. Pupuntahan ko bukas. Susugudin ko na."
"Hay nako Cha wag na! Katangahan niya yan ayusin niya!" Sabi ni Louie. Tiningnan ko naman si Jessie at umiling siya.
Sabi naman niya "Ginusto niya yan eh.."
"Eh masarap siya eh! Anong gagawin ko? Leche! Palibhasa..."
"Palibhasa ano?" Singhal ulit ni Louie sa kanya. Kuu. Wag niyong umpisahan si Louie ng Palibhasa at sadyang magkakapatayan kayo.
Kumaway na ako sa kanila at umalis ng bar.
Pag-uwi ng bahay dumiretso na lang ako sa kama ko. Matutulog muna ako.
--------------------------
BINABASA MO ANG
<UNDER REVISIONS>Served On A Sizzling Plate [SPG]
General FictionIf there's one word that could describe Tori's life, then "miserable" is a perfect highlight. Hindi lang miserable ang nararamdaman niya, even her way of releasing her memories out, oh, "miserable" couldn't even justify sex and alcohol.. She's a tea...