>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Eleventh Serving = Truth [Part 2]
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Kahit hilom sa luha ang mga mata ko, nakikita ko pa rin ang pagnanasa sa mga mata niya. Isa siyang masamang tao. Lahat ng pagtatanggol niya sa akin, may kapalit. Lahat ng bagay, meron.
Naiinis ako. Nanghihina ako sa mga nangyayari.
Bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, napapaigtad ako sa pandidiri. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Na isa na akong masamang babae. Babaeng mababa ang lipad.
Nagpupumiglas ako at sampal ang napapala ko. Binitawan ng isa kong kamay ang laylayan ng tuwalya ko at buong pwersa ko siyang sinampal sa mukha.
"putang ina mo....." sa halip na sigaw ay nasabi ko yan sabay dura sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niya.
At nag-apoy ang mga mata niya.
Pinahid niya ang laway sa mukha niya at ipinahid ito sa braso ko.
Nagtaasan ang balahibo ko sa ginawa niya. Para na siyang isang demonyo.
"Ikaw.." dinuro niya ako. "Ampon ka lang." sabay sampal sa mukha ko. Ang bigat ng kamay niya. Pero hindi ko ininda ito. "Anak ka ng nanay mong puta. Sa libog ba naman niya edi namatay siya habang tinitira ko siya, ha." Sinampal ulit niya ako. At doon na ako tuluyang nagalit. Alam nila ang tungkol sa kanya. At ang pinakamasakit pa, siya ang dahilan ng pagkamatay niya.
Alam kong distracted siya kaya dalawa kong kamay na itinulak siya at napahiga siya sa sahig. Bumangon ako sa pagkakahiga at babangon na siya nang sipain ko ang ari niya. Napahiga at napahiyaw siya sa sakit.
"Demonyo!" Tili ko.
Sinipa ko pa siya sa mukha. At lalo pa siyang humiyaw.
Hindi pa ako nakuntento, pinagsisipa ko pa siya sa ari niya hanggang sa hindi ko namalayang nalaglag na pala ang tuwalya ko.
Na siya namang mabilis na pagbukas ng pinto.
Napatda ako sa nangyari pero mabilis kong nakuha ang tuwalya kong nalaglag sa sahig.
Nasa likod ni Mama sina Leslie at Lovely at pinuntahan ng dalawa ang papa nila.
"MAKATI KA!" Sigaw sa akin ni Mama sabay hagip sa buhok kong medyo basa pa.
BINABASA MO ANG
<UNDER REVISIONS>Served On A Sizzling Plate [SPG]
General FictionIf there's one word that could describe Tori's life, then "miserable" is a perfect highlight. Hindi lang miserable ang nararamdaman niya, even her way of releasing her memories out, oh, "miserable" couldn't even justify sex and alcohol.. She's a tea...