Chapter 4

5 0 0
                                    

Walang kumikilos sa kinatatayuan ng mga sandaling iyon lahat ay sa gawi nila nakatingin .Ang bilis ng mga pangyayari para kay james wala siyang nagawa dahil hindi niya pa maisip kung anu ba talaga ang nangyari parang isang napakalakas na bagyong bigla nalang dumaan at sinira ang lahat. Para siyang na tuod sa kaniyang kinatatayuan habang pinag mamasdan  ang dapat ay mag cucutt ng ribbon .
Sa naging behavior ni chazzy naiintindihan niya na ang lahat itong fiancee ng modelo ay ang kaniyang kasintahan at ngayon isang rebelasyon ang mag tagpo ang dalawa sa hindi inaasahang pag kakataon.

Sinaktan niya si chazzy, dapat ba ay pag bayarin ko siya pero hindi muna ngayon kailangan ko pang sundan si chazzy !
Sa isip ni james.
Agad itong nag lakad ng mabilis para masundan ang dalaga hiniram nito ang kotse ni Mackie at agad itong pinaharurot.
Hindi niya alam kung saan hahanapin ang dalaga dahil ang tangi lang nitong alam ay ang apartment nito .
Sa kaniyang pag daan sa isang bar nakita niya ang isang pamilyar na kotse ito ang sasakyan niya agad siyang bumaba at pumasok sa bar .
Mabilis niyang nakita sa bar counter ang dalaga nag papaka lango sa alak ,Kahit naman siguro sino ang nasa kalagayan nito ay gagawin iyon .Lumapit ito sa bar counter at umorder ng isang zombie gaya ng iniinum nito

"Chazzy tama na!" awat ni james kay chazzy dahil pang apat na bote na nito ang nasa harapan kitang kita sa muka ni chazzy ang labis na hinanakit ,ang ilang galong luha na lumabas dulot ng sakit na binigay ng kasintahan nito.

"Sino kaba huh!!" Lasing na talaga ang dalaga kayat pati siya ay hindi na nito mamukaan dahil sa namamaga nitong mga mata

"Chazzy ang aga pa para mag pakalasing tama na yan halika na iuuwi na kita mag pahinga kana muna"

"Bakit ganon kasalanan ba ang minahal ko siya, hinintay, pano niya to nagawa sakin " muling umiyak ang dalaga yumakap ito sa binata at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob siya naman ay walang magawa kundi himasin ang likod nito .

"ssshh tama na huh tama na chazz" patuloy na pang aalo ni james malungkot siya para sa dalaga dahil ang buong akala niya ay masaya ito sa kasintahan at anu mang oras ay mag propropose ito sa babae.
Ilang sandali ay nakatulog na si chazzy sa kaniyang balikat kaya pag tapos niyang bayaran ang lahat ng nainom nito ay inihatid niya na ito sa apartment ,Inilapag niya ang dalaga sa kama nito.
Pinag masdan niya ang natutulog na si chazzy bakat parin sa muka nito ang sakit mag isa lang itong nakatira sa apartment kaya  hindi niya ito maaaring iwan mag isa matapos niyang kumutan si chazzy ay lumabas na siya sa kwarto nito at siya ay nahiga nalamang pansamantala sa sofa dahil napalakas rin ang tama niya sa zombie kahit isang bote lang ang nainom niya.

Alas singko na nang hapon  nagising si chazzy ,
Matinding sakit ng ulo ang naramdaman niya ng mag mulat kaya bumangon siya upang kumuha ng tubig Nang mapadaan siya sa sofa ay napansin niya ang pamilyar na lalaki si james na mahimbing na natutulog sa sofa napa kunot ang noo niya dahil hindi niya maalala kung pano siya nakarating sa apartment niya at bakit nasa sofa niya ngayon ang lalaki .
Ilang minuto niya ring pinag masdan ang mahimbing na lalaki sa kaniyang harap ng walang anu ano'y  bigla itong mag mulat at nakitang tinititigan niya ito,bigla siyang umiwas ng tingin dito

"Ahhhhhh gising kana pala" sabi ni james habang pinapanood si chazzy na patungo na ngayon sa kusina nito.
bumalik ang babaeng may dalang dalawang basong  orange juice "kamusta na pakiramdam mo?" tanong ng binata .

"ahhh masakit ang ulo ko"

"Marami ka kasing nainom na zombie kanina "

"Ahmm ibig sabihin ba ikaw ang nag hatid sakin dito "tanong ni chazzy

The Love Behind The Past By:khuletz_dozeWhere stories live. Discover now