Mag isa nalang si james ng balikan ito ng mga kaibigan nito sa restaurant ."Nasan na siya?"tanong ni mackie
Biglang tumayo si james at mabilis na umalis walang nagawa sina josh ,mackie at mikel kundi sundan ito.
Hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang bar at nakita nilang pumasok roon ang kaibigan sa bar counter nila ito naabutan .Nakauwi na si chazzy sa bahay nag deretso siya sa kaniyang kwarto nang maabutan niya roon si jana na pinapatulog si baby jesrackel kaya nakita siya nitong umiiyak .
"Chazz anung nangyari sayo?"Pag aalala nito sa kaniya
pero siya ay patuloy lang ang pag agos ng luha sa mga mata at matamlay parang walang gana at hindi kumain ng isang buwan .
Tulala siyang naupo sa may paanan ng kama nilapita siya ni jana at niyakap"Chazz bat kasi sinasaktan mo pa ang sarili mo"sermon ng kaibigan sa kaniya.
"Pwede naman kasi kayong mag usap ni james ng maayos at kung hanggang ngayon ay hinihintay kaparin niya wala namang masama kung tanggapin mo at maging kayo ulet diba?""Pero pano? Sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang mga oang gagagong ginawa niya sakin simula noong una palang !"
Lumakas na ang pag iyak niya sa balikat ng kaibigan ngayon kumpara kanina."Shhhhhhh,Dapat matutunan mo ring mag patawad at kalimutan ang nakaraan chazzy"
"Hindi ko kaya!"Sagot niya sa gitna ng pag iyak.
"Kaya mo yan ,Para kay jesrackel kayanin mo"
"Sobra sobra na ang sakit na naramdaman mo noon dadagdagan mo paba ngayon hindi mo na ba hahayaang sumaya ka ,mabubuhay kana lang sa sakit ng nakaraan ganon ba?"Patuloy nitong ipinamumuka sa kaniya na kailangan niya nang kausapin ang lalaki at makipag ayos rito
"Dont worry chazz tutulungan kita."
"Sa--salamat jana!" sa wakas ay tumigil narin siya sa pag iyak dahil kung hindi pa ay dinaig niya pa ang water station sa dami ng iniluha niya."Tama na huh .kita mo para na tayong nag shower"biro ng kaibigan ,napatawa naman siya nito.
Masaya na siya ngayon dahil sa tulong nito ay gumaan ang pakiramdam niya at nabuksan na ang kaniyang pusot isipan ng kasalukuyan at isasarado na ang pinto nang nakaraan .
Two days later tumawag si josh kay jana ang lalaking nakabunggo last time kinuha nga pala nito ang cell no# niya .
"Hello "Sagot niya sa kabilang linya
"Hi napatawag ka?"
"ahh wala manganga musta lang hehe"sagot nito sa kaniya
"Ahhh ok lang naman ikaw?"
"Im always fine!" sagot anito
"Nga pala may pabor lang sana akong hihingin ? ku--kung ok lang "Nag dadalwang isip pang sabi nito"Ohh sure anu yon?" sagot niya sa kabilang linya
"Ahmm gusto kasing makausap ng kaibigan ko si chazzy kung ok lang sana"Kung hindi siya nag kakamali ay nahihiya pa ang binata sa kaniya.
"Ahaha yun lang ba sige, Chazzy .... Chazz!!!" rinig nang lalaking tawag ng kausap rito
Nasa kusina kasi noon si chazzy at siya naman ay nasa kwarto
"Ohhh bakit anung nangyari"pag aalala ni chazzy
"Wala naman masamang nangyari pero magandang mangyayari meron "sagot nito nang makapasok siya sa kwarto
ay nakita niya itong hawak ang cellphone at ibinibigay sa kaniya."Sino toh?"tanong niya pa sa kaibigan
"Basta kausapin mo!" sagot nito
"Ipapakausap mo nanaman ako sa mga tinataguan mong man liligaw " pag bibiro nya rito
"Hindi no haha"sagot nito .
"Hello?"
Walang nag sasalita sa kabilang linya ."Hello?"ulit pa niya sinenyasan niya si jana na wala namang nag sasalita.
"Cha--chazzy!!" Pamilyar na boses sa kabilang linya ang narinig niya kaya pinanlakihan niya ng mata si jana .
"Ah--hhh james" tanging nasambit lang niya ang pangalan nito .
"Ahmm Chazzy ,bago mo ko pag patayan ng cellphone gu-gusto ko sanang malaman mo na nag sisisi na ko ! walang katotohanan ang mga narinig mo sa soccer field noon at Hanggang ngayon ay mahal na mahal parin kita."sabi ng nasa kabilang linya.
Maiinis nanaman sana siya dahil sa mga sinasabi nito pero pinilit niyang huminahon.
"Ahmm ,Pwede mo naman ipaliwanag sakin ng maayos"Mahinahon niyang sagot sa kausap na halatang ikingulat nito
"ta-talaga? papakingan mo ko?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaki
"Oo kung ayaw mo edi---"
"Hindi ,hindi!!! siyempre gusto kong mag kausap tayo ."agap nito"Yun naman pala eehh,Sige kita tayo sa seafood restaurant bukas Lunch time!" sabi niya
"Sige sige ..salamat chazzy ..salamat!!" masaya na nitong sagot
"Ok bye!"
"Bye!"
Ibinalik na niya ang cellphone kay jana at naupo sa tabi nito."Tama ba ang gagawin ko jana?"nag aalalang tanong niya
"Chazzy kahit saang anggulo mo tignan walang mali ang makipag ayos ka sa daddy ni baby jesrackel" sagot nito sa tanong niya
"Sana nga!" sagot niya rito
"Pero yang utak mo kahit saan
ang Gulo!!" dugtong pa nito kaya kinurot niya ito sa tagiliran"Ouch masakit huh!"
Tumayo na siya at hindi initindi ang sinabi ng kaibigan at masayang bumalik sa kusina."Ayiiieee happy now ang freind ko !!" tukso ni jana
"che! chismosa!"
"Haha cute naman "
"No cares"pag bibiro niya rito
"Yieeee tumataray teh purkit makikipag kita kay james?"
"Pano mo nalaman aber?"
"Sige kita tayo sa seafood restaurant bukas Lunch time!"inulit nito sa sinabi niya kanina sa kausap
"Chismosa ka talaga!"nakangiting sabi niya sa kaibigan at inirapan.
Pag katapos niya mag luto ay sabay sabay na silang kumain sa hapag kainan,habang kumakain ay ikinuwento niya narin sa kanyang mga magulang ang deisiyon at masaya ang mga ito para sa kaniya.
YOU ARE READING
The Love Behind The Past By:khuletz_doze
Teen FictionTama ba ang narinig ko mula sa kaniya o nag kamali lang ako , Sana kasing liwanag ng buwan ang pag asang maging akin muli si chazzy !!!sa ulong sa ulo niya ang bawat katagang narinig kanina ngunit hindi niya lang ito pinaalam sa lalaki