Chapter 6

5 0 0
                                    


Kakatapos lang mag hapunan ng lahat sa labas ng cottage nag paapoy sila sa labas at doon paikot na naupo ang mga ito,nabusog ang mga ito sa niluto ni chazzy
"Mahusay ka palang mag luto sis" papuri ni jackielyn sa kaniya habang tumutulong sa pag liligpit ng kinainan
"Hindi naman no natutunan ko lang yon sa mama ko"
"Kahit saan mo pa natutunan yon ay masarap ka parin mag luto" pag sabat naman ng isang babae na si zoe
"Salamat at nagustuhan niyo"masayang saad ng dalaga sa mga kasama.
Tinapos lang nila ang pag aayos ng kinainan at sabay sabay ng pumasok sa cottage.
"Lahat ng girls ay doon sa nag iisang kwarto rito at kaming mga lalaki ay dito nalang sa labas"utos ni black  .Sa loob ng kwarto ay mayroong katamtaman ang laki na papag at banig na nakasapin mayroon ring dalawang unan .
Pumasok na sina jackielyn,zoe at chazzy sa kwarto at naiwan ang apat na lalaki sa pinaka sala ng cottage na May papag rin nahiga ang mga ito ng mag kakatabi at mag kakasalo sa tatlong unan at dalawang kumot na inihanda ng care taker para sa overnight ng mga ito.

Alas nuwebe na nang gabi nahihimbing na ang lahat sa maliit na cottage maliban kay james kahit anung gawin niyang pag iisip ay hinding hindi siya dalawin ng antok
Ilang tupa na ba ang nabilang ko ?
Ilang sandali paba ang nanakawin ko sa oras ni chazzy?
Ilang oras pa kong mag iisip?

Yan ang mga walang ka kwenta kwentang bagay na mga naiisip ni james dahil hindi siya makatulog.
Sa pag ka inip ng binata ay lumabas muna ito sa cottage .
Malamig at masarap ang simoy ng hangin napaka fresh sa pakiramdam hindi nakaka takot ang tanawin kahit pa nga puro puno ang nakapaligid sa kanila tanging huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig ngayong gabi maliwanag ang buwan at maraming bituin sa kalangitan .
Sana kasing liwanag ng buwan ang pag asang maging akin muli si chazzy !!! Tanging ang mga salitang iyon ang pumasok sa isip ng binata at lumabas mula sa kaniyang mga labi habang nakatanaw sa mga bituin at maliwanag na buwan.

"James?? " pamilyar na boses mula sa likod ang narinig niya matapos sabihin ang mga salitang tumakas sa kaniyang isipan.

"Ba-bakit ka nandito? ka-kanina kapa ba diyan ?"
kabadong tanong ni james sa bagong dating

"Ahh-hh hi-hindi kakalabas ko lang ikaw bakit nandito ka?"balik na tanong ng dalaga
"Hindi kasi ako makatulog"

"Parehas pala tayo"Lumapit sa kaniya si chazzy at naupo sa tabi niya .

Tama ba ang narinig ko mula sa kaniya o nag kamali lang ako , Sana kasing liwanag ng buwan ang pag asang maging akin muli si chazzy !!!sa ulong sa ulo niya ang bawat katagang narinig kanina ngunit hindi niya lang ito pinaalam sa lalaki.

The Love Behind The Past By:khuletz_dozeWhere stories live. Discover now