TELL YOUR FRIENDS
KIM ROBERT's•
"Ang bilis 'no? Pasko na naman."
"Kaya nga," sang-ayon ko kay Gwenita.
"Anong plano niyo sa Christmas? Kami baka...dun kami sa Palawan magcelebrate."
"Good for you. Kami...wala namang bago, ganon pa rin," kibit-balikat na sagot ko. Hindi boring pero hindi rin naman ganon kasaya ang pagsalubong namin sa bawat pasko at bagong taon. Sundalo si papa kaya madalas ay wala siya sa ganoong pagdiriwang, kami lang ni mama at ng grandparents ko ang magkakasama sa bahay. Nakakalungkot kasi kaarawan ko rin 'yon pero...ganon talaga. "Pero h'wag ka namang excited, patapusin mo muna ang November. At saka huwag kang mag-expect na invited ka sa birthday ko," pagsusungit ko sa kanya dahil may sama ng loob pa rin ako. "Hindi mo nga kami ininvite nung nagbirthday ka kasabay ang mga patay eh."
"Kingina ka. Ba't mo ba laging dinadamay ang mga patay?!" Asik niya naman sa'kin. "Hindi mo kailangang ipamukha sa'kin na undas ang birthday ko! At saka pumunta ka naman kahit hindi ka invited ah. Sinabi nang wala kaming handa eh. May naabutan ka bang bisita? Wala 'di ba?!"
"Pumunta kami ni Sky because tita invited us! Nagluto siya for us kasi alam niyang sisipot kami!" Sagot ko naman. Ayaw kong magpatalo sa pagiging maldita niya kausap. "Buti pa nga ang parents mo may puso, samantalang ikaw...atay lang yata ang meron ka eh. Baka ampon ka lang ah," pang-aasar ko pa. "Try mo i-verify."
"Ikaw kaya i-verify ko?!" Singhal nito. Pikon agad siya eh. "At saka walang masama sa ampon 'no!" Inirapan niya ako at gumanti naman agad ako. Ganito talaga kaming dalawa. This is how our friendship works. "Chat mo kaya si ulap. Pucha! Ang tagal niya ah! Baka nakalimutan na nun na naghihintay tayo rito!"
"Chinat ko na pero 'di niya pa nababasa." Hindi nagbabasa ng chat namin si Skylie. Kung mababasa niya man, magr'reply 'yon mala-refund process, two to three days. Mas mainam i-text siya o tawagan kaso wala akong load. "Sinabi ko nang mauna kanang kumain eh. Tignan mo nga ang mukha mo, manalamin ka, para kang kakain ng tao!"
"Nagugutom na nga kasi ako eehh!" She whined and started lightly slamming her head against the table. "Gutom na ako."
"Mauna kana ngang kumain. Kulit mo!"
"Ayaw ko nga! Hindi tayo kakain nang wala siya!"
"Edi magtiis ka diyan! Reklamo nang reklamo, ayaw namang maunang kumain," pagalit ko sa kanya.
Ganito kami kapag magkakasama para kumain, gusto namin sabay-sabay kami at walang maiiwan. Nakagawian na namin kaya naman kahit ang tagal ni Skylie dumating, hindi pa rin namin ginagalaw ang pagkain naming parang ilong na ng pusa sa lamig.
Nandito kami ngayon sa karinderya na nasa likuran lang ng aming paaralan. Dito kami kumakain kapag tagtipid at paubos na ang allowance. Today is one of those days. Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko naman talagang kumain dito kaysa sa cafeteria ng school. Nako dzai, yung food nila parang last week pa niluto tapos feeling ko pinakuluan lang ulit. Anong akala nila sa'min? Baboy? Anyway, over thirty minutes na naming hinihintay si Sky na ang sabi sa'min 'susunod daw agad, magc'cr lang sandali'. Girl, her sandali means an hour! Hindi na namin alam ang iisipin. Nag-aalala na nga ako baka naflush na niya ang sarili niya sa inidoro. Minsan may pagkaclumsy pa naman 'yon.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)
Teen FictionSi crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLETE, BUT is currently being revised. Other chapters are presently not posted and will be published ag...