Chapter 21

61.9K 1.9K 3.5K
                                    

WE'RE OFFICIAL



December 21



GWEN CHLOE's•



"Gwenita, hindi ka namin makita!" Rob



"Besh, ano ba 'yan maghanap ka ng signal. Para kang robot magsalita." Sky.



"Gago pala kayo eh. Nasa bundok na nga ako!" Balik ko sa kanila. "Nandito ako sa Mount Tapyas! Ayan oh!" Sabay ikot sa camera para makita nila. "Puro kayo reklamo!"



Dahil pare-pareho kaming boryong na tatlo, mga bored at walang magawa, nag-facetime kami. Pero pota, hindi maintindihan nitong dalawang ungas na mabagal nga ang service dito sa Coron kaya burado ang mukha ko sa screen nila, at kaya rin para akong si boy uutal-utal.



"Nasa bundok daw...nasa baba ka lang naman eh," wika ni ulap na gusto yata ay sumabit ako roon sa pinakatuktok ng bundok.



"Kaya nga. Paano ka magkakasignal niyan?" Sang-ayon naman ni bading. "Baka gusto mong umakyat, teh? 'Di ba may mga hagdan naman diyan? May rayuma kana ba't 'di mo na kaya?"



"Tang-ina niyo. Sandali! Ang dami niyong gusto!" Nagtawanan naman sila. Nakasimangot akong pumanhik, paakyat sa matarik na bundok ng Tapyas. "Potek na cell site 'to. Itutumba ko talaga 'to mamayang gabi! Kung kailan magpapasko, doon pa nawawala ang signal. Hayop!" daing ko pa.



"Di ba may wifi sa mga cottages niyo?" Skylie.



"Wala rin! Mas mabilis pa ang data ko!"



"Paakyat kana ba?" Rob.



"Oo nga! Ito na nga! H'wag niyo akong minamadali ah. Kapag ako nalaglag dito sa bundok..." at h'wag naman po sana.



"Yan talaga ang hinihintay namin, ang malaglag ka." Si ulap na bastos din talaga minsan ang bunganga. "Mag-aaya ng facetime, mahina naman pala ang signal."



Huminto ako at tumitig sa screen—kay ulap mismo. "Sorry na, Skylie. Patawarin mo ako ah," may sarkasmong wika ko sabay irap, at pagkatapos ay nagpatuloy muli sa pag-akyat. "Ang yabang mo. Porket finallow back ka ni Monteclaro? Sus. Wala kang pag-asa ro'n; may jowa pa rin 'yon! Sabing agawin mo eh. Ang hina mo naman!"



"Gaga ka! Wala kana ro'n kung 'di niya ako gusto!" Singhal niya. "Hindi kita tutularan sa mga ideya mong 'yan. Happy ako kahit walang chance. At least...ginawan niya ako ng math tutorial," at saka siya mayabang na ngumiti. "Alam niyo ba..." Napaismid ako. Ayan na naman siya sa alam niyo ba~ Ipagmamalaki na naman niya ang babaeng 'yon. "sobrang galing niyang mag-explain. Walang duda sa pagiging top notcher niya overall. Kinilig nga ako eh, and super bilib talaga ako sa kanya. Alam niyo kasi, iba ang marunong magturo sa magaling magturo. May mga tao na alam nila ang itinuturo nila pero hindi nila alam kung paano ito ituro. Gets? Nagtuturo lang sila ngunit hindi nila maipaintindi ng maayos sa kanilang tinuturuan." Ayaw lang sabihin ni ulap pero in short, ganon ang iba naming guro. Bira lang nang bira tapos kapag 'di namin naintindihan, kami 'yong may problema, hindi raw kami nakikinig, at hindi nagbabasa ng libro. Mga boang. "Pero si monster...she knows the technique. Alam niyang hindi ko maintindihan kaya she used a different approach. She used a layman's term. Ang galing 'di ba? On top of that, ang ganda ng boses niya!" At kinilig pa.



Ang Girlfriend Ni Crush(UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon