Fallen Yuzon

438 10 0
                                    

Family Ball na naman.

Everyone is expected to be here. Every Yuzon are expected to join this biggest night for the Yuzons family.

Habang mahigpit na hinahawakan ang gown ay kinakabahan kong inilinga ang paningin sa paligid. Lahat nakangiti habang binabati ang isa't isa. May nagtatawanan at may nagpaplastikan lang din.

Nang idako ko ang paningin sa isang sulok ay kusa nalang akong nanlamig. There he was again, staring my face blankly.

He who possessed an aristrocatic physique and a very well known bachelor in the country stare me again like I am the only person in this hall.

Si Red Gael Yuzon.

Laki sa Britanya at nag aral sa isa sa pinakakilalang university sa States. At ngayon ay isa sa pinakakilalang tao sa bansa.

Sya ang isa sa pinagmamalaki ng angkan. Isa sa mga hinahangaan ng mga Yuzon. At isa sa pinaka ini-inggitan ko.

Diba hindi naman masama ang mainggit lalo pa't nakikita natin ang nais natin sa kanya.

I wished I could be an intelligent and talented as he was.

Pero sing lupit yata ng karma ang kapalaran ko. I always became the lowest in my class. I even struggle so hard in my academics.

Ang lupet.

Ano bang meron sya na wala ako? ' gusto ko tuloy batukan ang sarili habang iniisip ito.

Obvious ba Blu?

Kahit ang physical na anyo nya sumisigaw ng walang hanggang na perpeksyon. Mapa artista, modelo o kahit mga kaklase ko pinagpapantasyahan sya.

Nang mapansin ko na ilang minuto na akong nakatingin sa kanya ay marahan akong yumuko upang hindi ko uli masalubong ang malamig nyang tingin.

Napatigil nalang ang lahat sa pagsasalita ng dumating ang buong pamilya ng panganay ng mga Yuzon. Kasama ang kanilang mga anak na kinabibilangan nina kuya Kiel at ng magkambal.

" Blu here you go..nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap nina Tita Jes. " sambit sa akin ni Karen upang ngumiti ako ng malapad. Ipinasada ko rin ang paningin kay Fern.

" Your kuya Lucas will be here sooner. So halika ka na. Bakit ba ang hilig mong magtago sa sulok?

" pagbibiro nila sa akin upang lumunok ako. My cheeks heated. Sanay kasi ako na nasa sulok lang at nagmamasid. Ayaw kong makipag usap ng matagal kasi nahihiya ako.

" Oo sige susunod ako. Mag wawash room lang muna ako. " pagdadahilan ko upang tumango sila at nagpaalam sa akin.

Hindi man kami ganun kaclose pero lahat ng pinsan ko mabait sa akin maliban na lamang sa kanya.

Maliban na lamang kay Red.

Habang nagmamadali akong lumabas patungo sa washroom ay napahandusay nalang ako ng may nabangga akong isang matigas na bagay.

Na naman !

Nang idako ko ang mga mata sa nabangga ay kusa akong nanlamig. Tumambad sa akin ang matipunong pangangatawan si Red Gael.

My heart beat drummed inside my chest abnormally.

Kunot noo syang nakatingin sa akin. Kahit 'yong titig lang nya para na akong natutunaw sa kinababagsakan.

Kaya agad akong tumayo at yumuko.

Nakakahiya ka Blu!

Nagkalat ka na naman and the worst is..sa harap pa talaga nya!

" P-asensya na. Hindi ko sinasadya. " nauutal kong paghingi ng tawad. I don't know why I always hesitated to talk to him. Ni hindi ko mabanggit banggit ang pangalan nya.

The barrier or gap that separated us seems getting bigger as the years passed.
 
Napalunok nalang ako ng mapansin ang pagkuyom nya sa kamao upang kagatin ko ang labi.

I can't clearly see his expression but the way he balled his fists..I can figure out how mad he was.

" Tanga ka talaga kahit kailan. Hindi ko alam kung sa'n mo namana 'yang katangahan mo Blu. " matigas nyang saad kasabay ng pag alis nya sa harap ko.

Blu. The way he spoke my name brings shiver in my whole system.

Kusang namuo ang mga luha sa mata ko.

The same as usual.

Tulad pa rin ng dati palagi nya akong iniinsulto.

Bakit ba kasi ayaw na ayaw nya sa akin?







Date Started: Dec. 2018

Date Finished: ??

@Kareese03

¤¤¤¤¤¤¤

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon