Fallen 5

97 4 0
                                    

" Being rare doesn't always mean different. Sometimes, its simply means you're gifted. "

Pakiramdam ko pasan pasan ko na talaga ang mundo habang nakatingin sa orihinal na kopya ng report card.

Habang tinitingnan itong mabuti ay dinadasal ko na sana matunaw nalang ito bigla o di kaya magiging abo. Jusko ang fail ng report card na ito! Sa loob ng apat na taon ko dito sa kolehiyo ngayon lang ako bumagsak sa halos lahat ng units ko!

Napatigil nalang ako sa pag eemote ng lumundag bigla ang mukhang palaka sa harap ko. Narinig ko pa ang pamilyar na halakhak upang singkitan ko 'to ng mata.

" Aaaaliiiciaa!! " sigaw ko sabay baling kay Alice na kulang nalang mahimatay sa kakatawa.

" Oh shit..I'm sorry Blu nabigla ba kita. God Blu ang epic mong tingnan sa reaksyon mo. " halos mangiyak ngiyak nyang sabi upang inis na inis ko syang tingnan. Napansin ko nalang ang totoong palaka na lumundag sa may kamay ko upang magkakaroon ako ng bright idea.

Walang takot-takot ngayon!

Kaya dahan dahan ay agad akong tumayo habang tinatago sa likod ang palaka. Pasimple agad akong naglakad sa pwesto ni Alice at ngumiti ng matamis.

" Blu galit ka na nyan. " saad nya upang umiling ako at hinawakan ang isang kamay.

" Siyempre naman hindi. Bakit naman ako magagalit sa pinakamamahal kong kaibigan? Diba Alice. " mapaglaro kong sabi upang nagdududa syang tumingin sa akin.

" Blu sorry na..katuwaan lang. " mukhang nabatid na nito na may masama akong binabalak kaya mas hinigpitan ko lang ang pagkakawak sa kanya.

Run Alice!! Run..

" Ano ka ba Alice okay lang 'yon. Sa katunayan may regalo ako sa'yo. "  kasabay nito ang pagbukas ko sa mga daliri nya. At mabilis na inilagay ang palaka sa kamay nya upang mapatingin sya dito. Nakita ko pa ang halos pamumuti ng mukha nito ng lumundag ang palaka sa damit nya upang mapalundag rin sya ng wala sa oras habang pinaghahampas ang damit.

Kaya ako naman ang humalakhak ng malakas.

" Its my gift bestfriend. " nakatawa kong sabi sa kanya.

" Fvck the hell of you Blu..get this fvcking frog. "

Ayan na! Lumalabas na ang pagiging palamura nya!!! Kaya mas lalo akong natawa.

This is how we throw pranks with each other. Ang unang maasar talo!

Kaya agad akong nagcross arms sa harap nya.

" Baby Alice.. Blu- 1 point, Alice-0 " saad ko habang nakakapit pa rin ang palaka sa kanya.

Ngunit nawala nalang ang tawa kong 'yon ng dumating si Kerr with the gangs.

Daming back up!

Nakita ko pa ang pagkuha ni Kerr sa palaka mula sa damit ni Alice.

Tsskk.

" May problema ba dito Gomez, Yuzon? " saad nya sabay pakawala sa palaka. Masama pa akong tiningnan ni Alice kaya ngumiti ako ng matagumpay.

" Nagkatuwaan lang kaming magkaibigan Kerr Peñafranca. " sagot ko upang malamig nya akong tingnan.

An icy stare that could probably froze his victim. Pero hindi ako..

" Katuwaan? " nagdududa nyang tanong sabay dako ng paningin sa laruang palaka sa mesa. Kaya lumunok ako.

Pakengshet naman! S'an naman kaya 'to nakuha ni Alice?

" Pagnanakaw. Do you know what will be the consequences of stealing school property Yuzon? " giit nya upang mapalunok ako ng ilang beses habang pinaparadahan ng tingin si Alice na parang mahihimatay na kinatatayuan.

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon