Fallen 4

106 5 0
                                    

           " No one is perfect.. everyone has its own flaws, so don't compare yourself to anyone. "

" What's with this report card Blu? Ano bang pinagagawa mo habang nag aaral ka? " Inis na sambit ni Daddy sabay tapon ng ilang pirasong sulat na ipinadala ng university. Ito ay naglalaman ng " pagbagsak " ko sa ilang units.

Kaya pinanatili ko lang ang mga mata sa mga paa.

" Hon tama na..ano ka ba? Makakagraduate rin si Blu. Hindi naman tatakbo 'yang paaralan eh. "

" Ano? Kaya lumaki 'yang ganyan ang anak mo Tessie eh dahil kinukunsinti mo! " inis na sabi ni Daddy upang mapilitan akong iangat ang paningin sa kanila.

" Now, ano ang gagawin mo? Malapit na ang pagtitipon nang lahat. Para pag usapan ang susunod na hakbang sa pagbibigay sa posisyon ng karapat dapat ilagay bilang Presidente ng Yuzon Logistics Main Office. Pa'nu mo makukuha 'yon kung ganyan ka ka---"

" Kabobo Dad? " walang emosyon kong dagdag upang mas lalo nya akong tingnan ng masama.

Kahit sa uri ng mga titig nya nagpapahiwatig ito kung gaano sya namuhi sa akin.

Now, I can't excuse myself anymore. Bobo naman talaga ako. Tamad akong mag aral ng may kinalaman sa matematika. Tama. I can't reach their expectations for me so whats the use of shutting my mouth everytime he talked about Yuzons Logistics Main Office.

" I'm sorry Dad but Yuzons Logistics is not for --." hindi ko agad natapos ang sasabihin ng maramdaman ko ang malutong na sampal ni Daddy sa kanang pisngi ko. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Mommy upang ikuyom ko ang kamao.

" Did I..did I heard it right Blu? Yuzons Logistics is not for you. O gumagawa ka ng paraan para hindi mapunta dito? " galit na saad ni Daddy upang idako ko ang mga mata kay Mommy na umiiyak na.

" Hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng anak na sing tamad at iresponsable mo Blu. " sa pagkakasabing 'yon ni Daddy ay tuluyang nanghina ang tuhod ko. Kahit pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko ay hindi ko maitatanggi ang sakit na dulot nito sa kaloob looban ko.

Every words from him slowly tore my heart into pieces.

Kung bakit ba kasi hindi ako naging sing talino ni Red? Kung bakit sa tuwing nakakikita ako ng numero ay kusang pipikit 'tong mga talukap ko.

" Hindi ko aakalain na babagsak nalang ng ganito ang pamilya natin. Alam mo ba kung gaano kaimportante sa atin ang Yuzon Logistics Blu? Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ko na mapunta ka dito? " matigas na saad ni Daddy sa harap ko upang kagatin ko ang labi.

I know. Alam na alam ko since wala kang ibang bukambibig sa tuwing uuwi ka ng bansa.

" Yuzons Logistics the only company that your late Mom want to give you Blu. Ito ang natatanging kompanya kung saan nais nyang pamahalaan mo. Why is it very hard for you to follow your Mom's will. " nang sabihin ito ni Daddy ay tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

My real Mom. My mom who died because of me.

Habang inaalala ang kamatayan nya ay tuluyan nang nablanko ang pag-iisip ko.

¤¤¤¤¤

Habang nanonood ng tv at kumakain ng popcorn ay napatigil nalang ako sa pagsubo ng makita ang pamilyar na mukha sa na nakaflash sa tv.

Nang tingnan ko ang ibaba ng tv ay tuluyan kong nabitawan ang popcorn na hawak-hawak.

Youngest Bachelor in Country awarded as One of the Most Trusted Businessman in the World.

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon