Fallen 8

98 6 0
                                    

" Escaping was never been that easy. "

It's late in the morning.. Wala akong ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain ng kumain.

Dapat talaga akong kumain.

First, I got a flat 4 for almost half of my subjects.

Ikalawa, Dad will be home on Friday.

Pangatlo, nandito sa tabi ko si Lucas at bugbog sarado.

Grabeng parusa 'to! Ako na! Ako na ang pinagpala ng kamalasan!!

Habang kumakain ay nabigla nalang ng kalabitin nya ako. Pero binalewala ko sya. Basagulero! Pagbugbog sarado naman sa akin tatakbo!

" Ui Asul! " nagpapaawang boses nya. Pero hindi ko pa rin sya pinansin.

" Blu. Hindi ka ba naawa sa akin? " kinalabit pa uli nya ako.

" Ui Asul ng buhay ko. " kaya inis ko syang binalingan.

" Ba't ka ba nandito sa amin Lucas! Alis ka nga badtrip ako. Badtrip na badtrip ako ngayon. " pagpapalayas ko sa kanya pero mas sumiksik lang ito sa gilid ko.

Mas naawa ako lalo sa kanya ng maparadahan ko ng tingin ang duguan nyang kamay.

" Sino ba kasing nambugbog sa'yo? Sa university nyo ba o di kaya sumali ka na naman sa drag racing at may napagtripan. Or the worst Lucas may binully ka na naman? " usisa ko. Pero bigla nalang syang natahimik kaya agad akong tumayo.

Iniisip ko pa kung magsa-summer class nalang ako o para makagraduate na ako sa october. Tapos magmamasters degree pa ako. Bigla nalang sumagi sa isip ko si Red. Mabuti pa sya last three years pa syang nakagraduate kahit magka edad lang kami. Kung tutuusin abnormal ang utak n'un. Genius kaya nakagraduate ng maaga.

Habang dinadala ang medicine kit sa harap ni Lucas ay nagmamasid lang ito sa akin. Dahan dahan ay inabot ko ang kamay nya at nilinis ang sugat.

" Bakit ba kasi ang hilig mong pumasok sa gulo? "

" Eh sa nakakainis yong kateamate ko kaya sinuntok ko. " Para syang batang nagsusumbong. Kaya idiniin ko ang bulak sa kamay nya. Napangiwi naman sya.

" Dahan dahan naman Blu. Ano bang plano mo palalain 'yan? " Reklamo nya upang asar ko syang balingan. Pati 'yong mukha nya ang daming pasa.

" Eh bakit mo pinatulan. Gagraduate ka na oh bakit kailangan mo silang patulan. Isip bata. " Giit ko upang pilyo nya akong tingnan at idiniin sa noo ko ang hintuturo nya saka tumawa.

" Isip bata? Sa tingin mo sino ba sa atin ang isip bata? " reklamo nya kaya masama ko syang tiningnan.

" Naisip ko lang kasi kung p'anu ka paghihigantihan ni Red pagkatapos mo syang sipain sa paa at batukan. " Sa pagkakasabing 'to ni Lucas ay kusa akong napanganga at tumalikod sa kanya.

Oo nga pala! Baka ipapatapon na ako ng Red na 'yon sa Antarctic Ocean at ipakain sa naglalakihang sea monster na nand'un!

Kaya agad kong iniwan si Lucas at umakyat sa hagdan.

" Hoy! S'an ka pupunta!? " sigaw sa akin ni Lucas habang mas mabilis pa sa kabayo ang pagtakbo ko sa kwarto.

" Pag dumating si Red wag mong sabihin na nandito ako ha! " Sigaw ko kay Lucas at mabilis na pumasok sa kwarto.

Habang nagpapalit ng damit ay napatingin nalang ako sa parking lot. At kusa nalang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pulang kotse dito.

Humanda ka ngayon Blu! Kani-kanina lang iniisip mo kung paano ka nya totorturin pero ngayon. Nandyan na sya sa ibaba!

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon