Fallen 9

97 4 0
                                    

" If fate sometimes becomes destiny. A heart also find ways to create that destiny. "

Habang mahigpit na nakahawak sa backpack at nakatingin sa labas ay tahimik lang si Red na nagdadrive. Napakaraming senaryo ang naglalaro ngayon sa utak ko. Senaryo kung paano sya maghihiganti sa akin ngayon.

Question: Paano ba pinatay ni Red si Blu?

a) Sinakal sa pamamagitan ng kamay nya.

b) Sinakal sa pamamagitan ng backpack ni Blu.

c) Hinampas ng manibela

d) Dinala sa kagubatan at pinalapa sa mga tigre o di kaya pinabugbog sa oranggutan at sa mga anak nito.

Waah ang fail ng kamatayan ko!

" S-an tayo pupunta? " nangiginig kong tanong habang nakamasid sa kanya. Palihim ko namang inilabas na ang ballpen mula sa backpack ko.

Sabi d'un sa pinanood ko ay malaki itong tulong pagself- defense. Pangsaksak yata.

" Sa lugar kung saan nababalot ng pula at asul. " saad nya upang natatakot akong mapatingin ako sa kanya

S'an naman yon? Asul na langit at pula na dugo. Confirmed! Papatayin nya ako.

" Sabi ko na eh! Ngayon na ang huling araw ni Blu sa mundo.
Nakakalungkot hindi man lang ako nakakapagpaalam ng maayos kay Mommy. Sana pala sinungitan ko si King at Prince para hindi nila ako makalimutan. At si Lucas. Sana pala sinabi ko sa kanyang crush ko sya kahit magpinsan kami. Kasi hindi ko naman sya makikita. " natatakot na ako. Lord ito na ba' yon. Hanggang sa kamay nalang ba talaga ako sa nagngangalang Red Gael Yuzon?

Ngunit nakita ko nalang kung paano nya ako tingnan ng hindi kapani-paniwala.

" Seriously Blu. San bang lumapalop sa ulo mo nakalagay 'yang utak mo! " sakit naman nyang magsalita. Mamatay na nga lang ako sinasaktan pa nya pati ego ko!

" Eh palibhasa kasi sumusobra 'yang IQ mo kaya wala ng kalagyan. Tss. Makapang insulto wagas lang. " bulong ko upang mas pihitin ng mas mabilis ang manebela.

Bakit wala sa choice ko ang car accident? Para kunwaring naaksidente kaming dalawa. At sya lang ang nakaligtas. Pero ang totoo sasakalin pa nya ako!

Kaya ipinikit ko ang mata ng mas madiin.

Pero nabigla nalang ako ng agad nya akong pinitik sa noo.

" Isip-bata! " saad nya upang masama ko syang binalingan.

Isip bata na naman?

" Wag mo nga akong pinipitik! Kung papatayin mo ako edi patayin mo na ako. Wag mo lang akong pitikin. Si Lucas lang ang may karapatan n'un. " mabilis kong sabi at naramdaman ko nalang paglagay nya ng chewing gum sa bibig ko.

" Tss. Ingay mo. Diba pwedeng pagpapahingahin mo yang bibig  mo kahit isang minuto lang. " sabi nya upang wala sa sarili akong ngumuya ang chewing gum.

" May pasok ako kaya wag mo na akong kaladkarin kung s'an mang lugar yan na may kulay asul at pula. " saad ko upang mapatingin sya sa akin.

" Edi pumunta muna tayo sa school mo. "

" Matagal matapos ang klase namin. " pag iiwas ko sa kanya.

" Edi maghihintay ako. " Namimilit pa talaga!

" May gagawin kami sa photography club hanggang gabi. "

" Edi maghintay pa rin ako. " Tssk. Atat na atat na ba syang bawian ako ng buhay?

" Eh. Kasama ko ang-- " nabigla nalang ako nang mabilis nyang pinihit sa gilid ang kotse upang medyo mayanig ang mundo ko dahil sa lakas ng impact nito sa katawan ko.

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon