Fallen 3

119 6 0
                                    

" Sometimes being 'disliked' by someone has a deeper reasons that we don't know..."

Habang inis na nakasunod kay Red ay pansin ko pa ang tinginan ng mga schoolmate ko sa akin at kay Red.

Tahimik lang sya. Pero kulang nalang paglawayan na sya ng mga babae.

Edi sya na! Sya na ang gwapo, matalino at matagumpay..

Tssk madapa ka sana!

Sa dami ng iniisip ko ay napatigil nalang ako sa paglalakad ng makita ko ang pagkabangga nya sa isang babae at pagkatapon ng dala-dala nitong juice sa kanya.

"Naku! Naku sorry po! " paghingi pa nang tawad ng isang pamilyar na boses upang silipin ko ng kaunti ang mukha nito.

At nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita ang isa sa pinakamaganda dito sa university.

Si Thalia.

Maigi ko lang pinagmasdan ang gagawin ni Red. Kilala sya sa pagiging arrogante at malamig makitungo sa iba kaya sobrang naiintriga ako sa magiging reaksyon nya.

" Masyado bang maliit 'tong hallway nyo para sadyain mong banggain ako. " prangkang saad ni Red. At napatigil nalang si Thalia mula sana sa paghawak sa damit ni Red na natapunan.

Nanlaki pa ang mata nito habang nakatingin kay Red.

"A-ano ako sinadyang banggain ka?" takang tanong ni Thalia na halatang hindi makapaniwala na may lalaking nag aakusa sa kanya.

Napansin ko nalang ang pagkunot ng noo ni Thalia habang tumingin sa mukha ni Red kasabay ng paglingon nito sa akin.

" Move faster Blu. I'm too busy to wait for you. " utos nya habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.

Kaya agad akong sumunod sa kanya na dinaanan lang na parang hangin si Thalia.

" Seriously? " naririnig ko pang bulong ni Thalia sa sarili.

Nang medyo nakalayo kami ay napansin ko pa ang pagpahid nya sa natapunang long sleeve habang mabilis pa rin na naglalakad.

Ang sama talaga ng ugali. Naalala ko pa kung paano nya nilapastangan sa harap ng guidance.

Kainis! Abnormal!!

" Bakit hindi ko alam na premature ako at nagkatipus ako n'ung bata? At kailan pa ako nagkadengue at muntikang nakalunok ng piso!? " reklamo ko habang mabilis lang nakasunod sa kanya.

Ang hahaba pa ng legs nya! Edi sya na rin ang matangkad at ako na rin ang mukhang bata!

Napansin ko nalang ang pagbagal ng paghakbang nya upang magbagal bagalan rin ako. Talaga naman oh!

" Sige nga! Bigyan mo nga ako ng petsa kung kailan ako nagkasakit ng ganun.." singhal ko.

Pangahas talaga! Bigyan ba naman ako ng katakut-takot na sakit! Walang modo talaga. Pa'nu nga kung nakalunok pala talaga ako ng piso?!

" Kanina lang. " malamig nyang tugon upang takbuhin ko ang harap at hinarangan sya.

Batid ko agad ang malamig nyang tingin sa akin habang inilalagay ang kamay sa bulsa.

" Talaga! Kanina mo lang ako binigyan ng mga sakit na 'yan? Bakit hindi mo nalang sinabi na patay na ako at nabuhay nalang bigla para hindi masyadong obvious! "

" Come to think of it kid..kung hindi ko ba sinabi 'yon makakalabas ka ba d'un ng basta basta? Do you think after deceiving your co-students, running away from the guards and climbing the tree just to escape, do you really think that you can go home as lucky as this brat!? "

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon