Fallen 2

157 5 0
                                    

Kahit pigain ko pa ang isip ko ay hindi ko talaga maalala kung kailan kami nagsayaw ni Red. Ni hindi ko maaatim na tanggapin sa sarili na nagsayaw kami!

As in! 'Yong magkaharap kami at malapit sa isa't isa? Di nga?

Napahilamos nalang ako sa mukha dahil sa pagkalito.

" Hoy! Anong problema mo! " Rinig kong bulong ni Alice.

Aakma ko na sana syang sasagutin ng lagyan nya ng mukhang ahas ang harap ko. 

" Jusko naman Alice oh gusto mo bang mamatay ako ng maaga! Pektusan kaya kita dyan! " Singhal ko upang lumawak ang ngiti nya sa labi.

" Hahaha sumusobra ka sa pagkakatakutin Blu! Ito oh regalo ko sa'yo. " Dagdag pa nya sabay lagay ng ipis sa harap ko upang mapalundag ako ng wala sa oras.

Juskopoo!!!

Napalunok pa ako ng paulit ulit!

" A-lice we're not playing here! Alisin mo 'yan sa harap ko. " nauutal kong sabi upang tingnan lang nya ako ng matagumpay.

Nang mapansing hindi gumagalaw ang ipis ay agad ko itong hinawakan. At nanlaki nalang ang mga mata ko ng mapansing napakatigas nito. Kaya masama kong binalingan si Alice na halos mangiyak-ngiyak na siyas sa kakatawa.

Aba! Sa tingin ko nakalimutan na naman nya na may Professor sa harap!

" Ms. YUZON and Ms. Gomez! " sa pagkakasigaw 'yon ng Professor ay agad kong naitapon ng biglaan ang laruang ahas at ipis mula sa kamay ko. Nakita ko nalang kung pa'nu ito natapon sa pwesto ng Professor namin upang mapasigaw ito nang napakalakas.

Nagsitawanan naman lahat ng kaklase ko at nang balingan ko uli ang Professor ay halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa galit habang tumitingin sa amin!

Oh..Patay!

" Takbo Blu!! " Awtomatikong kumilos ang mga paa ko papalabas ng classroom.

Danger zone Blu!!

" Bilisan mo Blu! " Sigaw pa ni  Alice nang mapansing pati gwardya nakikipaghabulan na rin sa amin.

Habang papalabas ng building ay sa kamalas malasan ko ay bigla pa akong nakabangga ng isang estudyante upang tuluyan kaming magkahiwalay ni Alice.

Kahit medyo masakit ang katawan ko ay agad akong nagtago sa isang sulok. At ng masigurong walang nakakita sa akin ay agad kong hinubad ang skirt na uniporme ng unibersidad at ibinaba hanggang binti ang jogging pants na lagi kong suot suot. Pati pang itaas na uniform ay agad ko ring hinubad at inayos ang p.e uniform na nagkagusot gusot.

Mabuti nalang at girl scout ako!

At aakma na sana akong lalabas ng may nagsalita. Parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang boses nito..

Nakakayamot. The oh-so-good Mr.President! Baka isumbong ako nito sa gwardya!

" Hindi naman pala kataka-taka kung bakit ka bumabagsak Bluer than Violet.  " dahan dahan ay inilingon ko ang ulo at nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita si Kerr Peñafranca.

Bluer than violet!! Atsaka bakit kilala nya ako?

Sige na ako na ang peymus. Peymus na laging bumabagsak na kahit simpleng elementary algebra na isang buong green board ang haba ay kailangan ko pang paulit ulit na kunin ang unit!

Dahil sa takot na baka isumbong nya ako ay agad akong naghand gesture na tahimik pero mas lumapit lang ito sa akin. Tigas rin! Hindi talaga mapakiusapan!

Kaya ang ginawa ko ay itinapon ko sa mukha nya ang uniporme ko at dali-daling lumabas.

Run Blu..run.. Run like this is the last day of your life!!

Fallen Yuzon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon