MLE: 3

22 1 0
                                    

1 week after that embarrassing moment with him e todo iwas na ako sa kanya, kapag lab time ay iba ang ginawa ko sa kanya dahil nahihiya pa rin ako aba siya palang ang nasasabihan ko nang gwapo in person noh tsk

Buti nalang kamo at Tuesday and Thursday lang ang chemistry class ko kundi araw araw na akong mao-awkward sa kanya

Nalaman ko rin kay Yannie na Section 1 daw siya kaya di kami ka block mates at kami naman ni Yannie ay section 2 pero may mga subject kasi siyang na advance nung summer kaya may mga subjects na di kami pareho although block mates kami, advance lang talaga siya ng mga dalawang subjects and speaking of Yannie, naging close friends kami ewan ko din e bukod sa napakaingay niya e mapakisama rin siya which is i like the most about her

"Besh nga pala ano nga yung assignment natin sa chem para sa bukas? Yung mole mole bla bla ba yun? Si Mr. Seat mate ang binigyan ng copy nun diba?"

Tanong niya habang kumakain kami sa may bench malapit sa quadrangle

"I dont know, kaklase mo naman siya mamaya sa economics 2 hindi ba? ikaw nalang mag tanong"

Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya

"Besh seat in ka nalang kaya? Hmm magugustuhan mo naman dun e dahil nandon si---- aray besh mashaket ha?"

"Ayan sarap noh? Kita mong iniiwasan ko yung tao dahil sa nahihiya ako sa kanya pagkatapos ipapa-seat in mo ako sa klase niyo mamaya?"

Hibang ba tong si Yannie? Tss

"Suggestion lang naman noh kung maka batok naman to oh" pag hihimas niya pa sa batok niya hahahaha natawa naman ako

"Tatawa tawa ka ngayon? Iba ka rin noh besh?" Tawa rin niyang sagot

"Sige na nga, mag siseat in na ak---"

"SABI KO NA NGA BA E, CRUSH MO RIN SI MR--- Araaaaay besh nakakadami kana ha?" Paghihimas niya uli sa batok niya

"Bat naman yan ang nasa utak mo ha? Sinasamahan ka na nga e noh" pag irap ko pa sa kanya

"Fine shut up na ang beshyy mong pretty" pag tawa niya pa

--

2 pm na at economics class na ni Yannie kaya heto ako nakaupo sa tabi habang nag mamasid sa presence ni Mr. lab seat mate haaays buti nalang wala pa siya

"Oh Mr. Gonzalo, you are late"

napatingin ang lahat sa pag bukas ng pintuan ng silid at naroong nakatayo si Mr. lab mate (well i dont know his name, last name lang dahil kakabanggit lang ng prof nila Yannie)

"Im sorry professor Domingo" cold niyang sabi

"Go and sit"

Tik

Tok

Tik

Tok

Tik

Tok

Parang iyan lang ang maririnig mo dahil sa boring ng klase nato, ano nalang kaya pag kami na ang may ganito huuuu stress is not enough to define me ang peg ko

Pano nakatulala lang sila sa libro nila at yung si prof Domingo ay kapwa nag babasa rin, no one even dares to speak dahil rin siguro sa ambiance ng room

--

An hour passed by at Thank the Almighty God at tapos na, ngayon ako lubos na nag sisi kung bat ako nag seat in sa klase na ito

Nagulat ako at biglang nag salita si Yannie

"Excuse me, diba ikaw yung kaklase namin sa chem, na sayo yung questions ng assignment hindi ba? Pwede ba naming makuha?"

Mr. Lab ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon