MLE: 4

11 1 0
                                    


Sasha

Haaaaays sa wakas natapos ko na ring kopyahin sa notebook ko yung exercise 3 na assignment namin para bukas

Pano ba naman di ko na picture yung sa phone ko dahil dead battery na kung kailan ba naman kailangan na kailangan

Kaya no choice ako na naisulat ko nalang sa notebook ko, tapos eto pa problema ko

Patay!! Ginabi ako kina Z baka hanapin na ako nina mama, lowbat pa naman ang phone ko

Anong oras na oh? 9:14 pm halaaaa.

Watdamalas daaaay!!

Yung masungit pa na Z na yun tinulugan ako, matapos kumain kanina na di man lang ako pinasabay (di naman sa pg ako ha?) Tsk heartless talaga ang isang yon

Inayos ko na yung mga notes ni Z at ready nang kunin ang bag ko nang...

"Ija? Why are you here in the middle of night?"

Ani ng isang napakagandang babae na nanggaling sa kakabukas lang na pinto nina Z

Nahiya tuloy ako!! Af.

"Im sorry po mam, may ki-nopy lang po ako na notes kay Z actually po pauwi na din po ako" sabi ko pa sakanya

"Uhm, pinasama ka ni Z dito kaya dapat samahan ka rin niya pau--"

"Nako po mam, malamang pong tulog na iyon dahil kanina pa po siya umakyat, wag na po natin siyang abalahin dahil ako naman po ang nag pumilit na sumama rito"

"Roger" pag tawag niya sa lalaking nasa likuran niya

"Yes, Madam?"

"Call for my Zandyy"

Tumango naman ang lalaking ito sa kanya

Di ko maintindihan kung sino iyong pinapatawag niya pero dapat na siguro akong mag paalam na akoy uuwi na

"Mam, ako'y tutoloy na po baka po hinahanap na ako sami--"

"Mom, what brings you here? I thought you're going home next week?"

Sabi nung lalaking kakababa lang at papunas punas pa ng mata halatang kakagising lang

Nang mabaling naman ang tingin nito sa akin ay pirmi itong nagulat

"Why are you st--"

"My dear Zandyy, maatim mo bang may mangyare sa kanyang masama kapag mapag isa siya sa daan pauwi?"

"But mom it's already late"

"Exactly, it's late already, bring her home. And obey me my son"

"Ako na po mag isa ang uuwi, kaya ko naman po"

"Tama yan, you may go" baling niya sa akin

Tingnan mo to, gwapo sana kaso ugh!!

Mayabang!

Mahangin!

Arogante!

At

Walang puso!

Crush ko pa man din!!

Ayt. What did i just said?

Erase erase erase!!

"Don't make me feel disappointed at this time my son, i am so tired. Please obey my order"

"Fine. Go and rest my mom. I love you"

Sabay lapit sa ina at halik sa noo

"Thank you Zandyy. Go ahead its getting late. Roger, give my key to Zandy"

"Yes Madam"

Sabay bigay ng susi kay Z.

Nang kami nalang ang naiwan sa sala, napatingin siya sa akin ng masama

"Why are you still standing there? Inaantok na ako"

Kaya karakaraka naman akong sumunod sa kanya tapos sinabi ko ang address namin

"Tsk. Bat ba kasi ginabi ka ng ganito?"

"E kasi naman, dahil hindi ko mapicture yung assignment sa phone ko, sinulat ko nalang lahat sa notebook ko"

"What a noob"

Bulong niya na halatang ipinaparinig naman niya iyon sa akin

"Uhm bakit Zandy ang tawag sayo ng mommy mo?" Tanong ko, curious lang mga be

"Its non of your business"

Sabi ko na nga ba e wala akong mapapala sa lalaking to, kaya shut up nalang ako

Habang nasa kalagitnaan na kami ng daan bigla naman nag paramdam itong tyan ko, ugh wala pa pala akong kain, kaya napatingin naman ako agad sa katabi ko na halatang nag pipigil ng tawa

Yung kumakalam na sikmura ko ay napalitan ng hindi maipaliwanag na nagliliparang mga paru paru

Ang cute pala niya pag may konteng smile e hahahaha

"Hindi ka mabubusog sa pagtitig sa akin, gusto mo bang kumain?"

Wait. What? Reallyyyy? He just ask mo kung gusto kong kumain? May sapi ba tong katabi ko? Huu

"Answer me. "

"Ay. Uhm. Sa bahay nalang tutal malapit nalang naman e, atsaka baka gabihin ka na masyado"

"If you say so"

Nang makarating naman kami sa bahay ay agad akong bumaba at nakita ko naman itong napatingin sa bahay namin

"Sige papasok na ako at baka sobra kang gabihin sa daan, at salamat nga pala sa notes mo"

Tumango lang ito at umalis din ka agad at ako naman ay agad na pumasok na sa bahay

"Ginabi ka anak?" Si mama

"Sorry po ma, may kinopya lang po akong notes sa kaklase ko

"Ganun ba anak, kumain kana ba? Pang dalawahan lang yung linuto ko sa dahil akala ko'y kakain kana kung saan ka man"

"Okay lang po ma, di din naman po ako masyadong gutom"

Mark the sarcasm in the hindi masyado. Hahahahaha

"Osige mag pahinga kana"

"Sige po ma, goodnight"

Pag akyat na pag akyat ko sa taas e deretso ko namang sinagutan ang mga assignments ko at ipapakopya ko na lamang ito kay Yannie

--

Kinaumagahan ay 7 na akong nagising dahil sa late na din akong nakatulog kagabi at mabuti nalang 8 pa ang klase ko

Madaliang paghahanda naman ang ginawa ko para matapos ako ng mabilis at makaalis na ako

Pagbaba ko nadatnan kong nag lilinis ng pinagkainan

"Mama, alis na po ako at dun nalang kakain"

"Osya heto ang baon mo, mag iingat ka anak"

"Opo ma"

Pagkadating na pagkadating ko sa school ay mabibilis na hakbang ang ginawa ko, pano ba naman 10 mins nalang at magsisimula na ang aming klase na dahilan naman ng....

"Im sorry, nag mamadali kasi ako"

"Do you think its a valid reason? I guess its not"

Napatingin naman ako doon sa nabangga ko. Wait, he's familiar..

To be continued..

Mr. Lab ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon