“Tae! Ipasa mo na sakin!” sigaw ko sa kagrupo ko.
“Bwisit! Panira naman oh. Open na open ako.” Maktol ko habang nag-aabang na ipasa sa akin ang bola.
Paano ba naman, kanina pa ako dito lakad takbo, bantay liko, di man pinahawak ng bola. Kung ganyan man lang, edi sana binangko nalang ako dito. Taena, ayun matatalo na kami ng mga ungas. Nakakainis, di ko pa napapakita ang best moves ko na mag-aala – Stephen Curry, para naman magpasikat ako sa crush kong si Laiza. Nanonood pa naman yun ngayon sa bleachers. Ang ganda ganda pa naman nya sa suot nyang maigsing palda at pink ng t-shirt na may print pang “I Love you!” na alam kong para sakin ang mga salitang yun. Tae, kinikilig ako. Wahahaha!
“Mico!” nagulat naman ako sa pagsigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako kaagad.
Boooooogssssshhh!!!!
Parang may sumapak sa mukha ko kaya bigla nalang akong napahiga sa court at ginawang trampoline ito. TAE! Ang sakit nun ahh. Para akong tinalupan ng mukha! Hutaena, umiikot ang mundo. Sarap patayin ang may gawa nito.
“Tol! Ayos ka lang! Sorry! Sabi mo kasi pasahan kita.”
“Angyare sayo tol? Muntanga ka kanina?”
“Mga gago kayo! Tae! Sakit nun ah! Ikaw kayang hampasin ko ng bola para malaman mo kung ok lang. Gago! Sakit puta!” inis kong sabi. Bwisit, sira ata face ko.
“Sorry naman tol, di sinasadya. Bakit ka ba tulala kanina?”
“Paanong di ako matutulala, eh kanina pa ako nagboboy-water sa game! Tae! Ano? Kanya kanya kayo ganun?” galit kong sabi sa mga kolokoy na nasa harapan ko habang himas himas ang kawawa kong mukha.
Pero ng magawi ang tingin ko sa kinauupuan ni Laiza, ayun nakatingin sa akin at tumatawa. TAE! Tumawatawa si Laiza dahil sa akin. Sarap lang sa feeling. Na ang babaeng crush na crush ko, tumatawa na akong dahilan. Heaven na heaven! Tae, ganda ng ngiti at tawa nya, parang nawala yung sakit sa mukha ko. At eto pa, nag-thumbs up pa sya sakin. Tae lang talaga! Ughhh!
“Tol! Isa pa!” bigla kong seryosong sabi sa mga kasama ko.
“Huh?”
“Sabi ko isa pa! Hampasin nyo pa ako ng bola!” excited kong sabi.
“Tol? Nakalas ba turnilyo ng utak mo kanina? Para kang tanga?”
“Wala akong pake! Basta hampasin nyo pa ako ng isa!” grabe, kahit na siguro bola ng bowling isasapak sa mukha ko ayos lang. Mapatawa ko lang si myloves ko. Iba ang saya!
“Tol, natuluyan na ata ito?” tanong ng kasama ko sa katabi nya.
“Ano pang aasahan nyo dyan? Eh baliw na talaga yan. Gunggong!” biglang sabi ng nasa tabi namin na biglang ikinalaki ng tenga ko. Tumayo ako ng matuwid at hinarap ang napakalaking kuto sa buhay ko na kay sarap tirisin.
“Gunggong ba kamo? Eh kung gunggungin ko mukha mo ditong tae ka! Ano palag kang gago ka? ANO?” gigil kong sabi habang pinipigilan ako ng mga kasama kong makalapit sa hayop na ito.
“Wag kang magsalita dyan. Bakit di nalang natin tapusin ang laban ng magkaalaman kung sino ang talunan. Ahh…oo nga pala, tambak ng kayo kaya paano nalang?” ang mayabang na sabi ng unggoy na to.
“Yabang mo! 8 puntos lang lamang ninyo, kumakain ka ng tropeyo. Eh kung ilusot kita sa ring kung natalo kita.” Galit kong hamon sa kanya.
“Whoaahh…relax lang. Oh game na? Sayang oras.” Pa confident nya pang sabi. Mukhang gago lang.
“Tae….GAME!” padabog kung sabi sabay harap sa mga kateam mates ko.
Hutaena. Magdildil sya ng asin pagkatapos nito. Kinausap ko na ang mga alagad ko para sa resbak namin. Pagkatapos ng set up, sugod na kami ng may malakas na fighting spirit, syempre nag super sayans kami at dudurugin namin ang mga ito lalo na yung kamukha ni Freeza. Tae…kakasuka mukha nya.
Mga ilang minuto ang nakalipas, todo laro kami. Kulang nalang at mag zone kami sa court at mag-ala – Taiga ako sa dunk ko na labas pa ang dila. Ayos! 3 puntos nalang! Pero tae, lumalaban ang kabila, score ang halimaw. Kainis, lumalamang talaga sila. Pshh…ayos lang yan dahil nagpaulan yung isang kasama ko ng mga 3points! Wahaha! At eto na, ang kinahihintay nyo. Ako na ang titira, syempre sulyap muna kay Laiza my crush bago i-dunk yung bola, pampaswerte kumbaga. Isang minuto nalang at mananalo na kami dahil lalamang kami ng puntos. Pero di na ako magkwekwento ng mahaba at baka mag-aala – Boy Labo ako na isang linggong series bago na shoot ang bola. Ang bottom line nai-dunk ko yung….teka….nasan yung bola? Tae! Natapal pala ng hayop yung bola, at nakatakbo na patawid sa kabila!
“Mico! Habulin mo!” sigaw ng mga kasama ko na ngayon ay humahabol narin. Pero ako, eto tulala sa mga pangyayari. At ang ending, naka-score sya. Tae, talo kami! Sigawan yung mga taong nanunood! At eto ako, katawa tawa sa harap ng tao.
“Mico, ayos lang yan. Practice match lang naman yan. Bawi nalang tayo sa totoong laban.” Pagpapagaan ng kasama ko sakin.
“Oo nga naman tol, next time, tayo ang maglalampaso sa kanila.” Sabay tapik sa balikat ko.
“Salamat mga tol! Kaso kakahiya, ang yabang ko pa kanina…kaso eto naman.” Hiyang hiya kong sabi habang nakayuko.
“Ano nga bang aasahan nila sayo? Eh gunggong ka naman talaga?” biglang sabi sa likod ko na ikinainit ng ulo ko ulit.
“Vrylle! Tama na!” sita ng kasama ko.
“Oh? Bakit? Hindi ba totoo?” ngising demonyo nyang sabi.
“Sumosobra ka na tol. Walang ganyanan.” pagtatanggol ng kasama ko. Pero tinapik ko lang ito at hinarap ang gago.
“Oo, natalo kami. Pero di pa dito natatapos ang laban. Tandaan mo, sa susunod, kami naman ang mananalo sayo!” seryoso kong sabi.
“Hmmm…aasahan ko yan.” Sabi nya nang may pang-aasar.
“LOVES!” sigaw ng nasa likod namin.
Nang igawi ko yung tingin ko sa likod. Gulat kong makita si Laiza na tumatakbo sa akin. May dala dala pa itong bimpo at tumbler na malamang ay para sa akin. Lahat ng inis at pagod ko nawala, masilayan ko lang ang malapad na ngiti nito na papalapit sa kinakatayuan ko.
“Lo…loves?” sasalubungin ko sana ito ng lampasan lang ako nito.
Ng sundan ko ito ng tingin, para akong pinanghinaan lalo ng loob, ng ibigay ni Liza ang tumbler kay Vrylle at pinunasan ito ng mukha gamit ang bimpong dala-dala.
“Labs, pawis na pawis ka oh. Inom ka oh, fresh lemon juice yan. Ako may gawa.” Ngiting sabi ni Liza na sinagot lang ng poker face ni Vrylle. Sa mga ngiti ni Laiza, kitang kita ko kung ano ang nasa niloob nito. Ibang ngiti ang nakikita ko kasama ng mga ningning na mga mata nito.
Akala ko ako na yun. Akala ko, ako ang makakatanggap nun. Akala ko, ako ang makakakuha ng mga ngiti nya. Akala ko, ako ang my loves nya. Akala ko, ako yung mananalo sa match kanina. Akala ko, may pagtingin din sa akin si Laiza. Panay akala lang pala.
Namalayan ko nalang na lumabas sa gym ng di pinapansin ang mga tawag ng mga kasama ko. Bagsak ang balikat dahil sa pagod at lungkot. Di ko alam kung malungkot ako dahil natalo ako sa laro o dahil hindi ako ang tunay na nagpapasiya kay Laiza at nilalaman ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
To Broke His Iron Heart
RomanceGagawin ko ang lahat, mapataob lang kitang hambog na suplado ka. Wala kang karapatang paiyakin ang mga babae lalong lalo na ang crush ko. Yabang mong gago ka, mas gwapo naman ako kesa sayo, di nga lang pansinin. Tingnan nalang natin ang itsura mo sa...