Chapter 4

12 1 0
                                    

Umuwi ako sa bahay na pagod, dahil sa praktis ng basketball. Kung matanong ninyo. Tinanggihan ko si Laiza sa gusto nya, dahil sa isang dahilan. Pag ginawa ko yun, para ko na ring ibinibigay si Laiza kay Vrylle matapos ko itong alagain. Tskk...neknek nya.



Hayyysss...di ko lubos maisip ang araw na nagdaan. Daming prinoproblema na di ko naman problema. Sabay mo pa sa init ng ulo ko ang panahon ngayon. Makaligo na nga!



Matapos kong maligo, nakalimutan ko palang dumaan kina Aling Simang para bumili ng hapunan. Tuloy, wala akong makain ngayon.



Dali dali akong nagboxer short at t-shirt para bumili nalang sa 7-eleven ng madaliang hapunan. Nagbisekleta nalang ako para mabilis. Total, sa labas lang naman yun ng subdivision namin.



Habang namimili ako kung hotdod in buns o kaya siopao ang kakainin ko, biglang may nagsalita sa likuran ko.



"Miss, masarap yung hotdog in buns nila. Lalo na yung spicy!" biglang sabi ng nasa likod ko. Liningon ko naman ito at tinaasan ng kilay. Pero ng malaman kong ako yung kinakausap nya, naasiwa naman ako sa sarili ko. Miss? Ako?



"Miss? Wag mo ako ma-miss miss! Tae toh! Lakas maka-trip." inis kong bulyaw sa kanya.



Dali-dali kong kinuha ang buns at nilagyan ko ito ng spicy hotdog. Well, di naman sigurong masamang i-try. Pumunta ako sa counter at nagbayad. Paglabas ko, bigla bigla na namang humarang yung lalake kanina.



"Ahhh...ganda? Eto coke in can para sayo. Pampalamig ng ulo mo. Sorry naman kanina, kung may kasalanan man ako. Sige ganda! Bye!" dali dali itong umalis sakay ang motor nito pagkatapos ilagay sa kamay ko ang lata ng coke.



"Hoy! Tang-ina mo bumalik ka dito! At ipapakain ko sayo itong coke mo! Gago! Ganda mo mukha mo!" bwisit yun. Ano akala nya sa akin? Bakla? Tarantado yun. Pag nakita ko ulit yun, babangasan ko yun sa mukha ng makita nya kung sino ang sinasabi nyang ganda.



Umuwi na ako sa bahay ng badtrip at kumain. Pagpasok ko sa kwarto ko, dun ko lang napansin sa salamin na nakalimutan ko palang pusudin ang buhok ko na bagsak na bagsak ngayon. Narealized ko na lampas balikat ko na pala ito. Kaya dapat bukas na bukas, kailangan ko na itong pabawasan kay Atche Maymay, ang baklang parlolista sa bayan.



Tsk! Makatulog na nga para maaga bukas.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


Nagising ako kinabukasan na hingal na hingal sa higaan. Kung di pa tumunog ang alarm ko, malamang di pa ako magigising sa masamang panaginip ko.



Hinahabol daw ako ng mga damit at sapatos na pambabae sa department store. Ang mas nakakatakot pa ay yung higanteng lipstick na dadagan sana sakin. Buti nalang at nagising ako bago ako natuluyan dun. Tae talaga. Ang weird lang.



Pagkapasok ko sa school, ayun ang iingay sa paligid, lalong lalo na ang mga babae. Usap usapan pala sa buong campus ang usapan namin ni Vrylle nung isang linggo. Lalong lalo na sa kung paano mabibingwit ang puso ng bakulaw - ang matalo sya sa basketball match.



Kaya bawat sulok ng school, makikita mong nag-eensayo ang mga babae ( at mga beki?) ng basketball. May nagwa-warm up, may nagpapaturo sa ibang lalake, o kaya pinag-aaralan muna ang mga basics. Tsk! Kala mo naman, may pinaghahandaang giyera. Full gear na full gear ang mga ayos!

To Broke His Iron HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon