Chapter 3

5 1 0
                                    

Kinabukasan, eto, upo upo ulit sa room. Nababagot ako ngayon dahil quiz namin sa Math, di pa naman ako nakapagreview. Dahil pagdating palang sa bahay, natulog na ako ng di kumakain. Late pa ako nagising kaya ayun, nagmamadali pumasok.

Nawalan na rin ako ng interes pumasok, dahil wala na ang inspiration ko. Hindi ko muna iisipin si Laiza, sasakit lang ang loob ko. Para akong galing sa break up kahit walang kami. Sakit lang talaga sa damdamin. Hahaha…hutaena! May heartbreak din pala kahit crush lang. Pshhh….

Ang iniisip ko ngayon ay kung paano mapapabagsak yang Vrylle na yan. Bwisit talaga sa buhay ko yan. Pasikat amputa. Tinalo na nga nya ako sa Sports, pati ba naman kay Laiza, eeksena sya. Lintik lang ang walang ganti.

Oo nga pala, malapit na ang Intrams. Baka nagtataka kayo, kung bakit kami magkalaban ng team ni kulugo kahit magkaklase kami. Kasi naman si Manong Principal, hinati hati ang lower year hanggang higher year. Apat kaming team na jumble ang mga members. Para naman daw fair sa laban, walang angat. Di pa namin naiisip kung ano ang ipapangalan sa team namin. Bahala na! Ang importante, malampaso ko yang Vrylle sa laban namin sa Intrams.

Balita ko, lalaban din ang ungas sa chess. Edi sya na. Bwakaw kamo. Kung gusto nya, salihan nya na lahat pati na singing, dancing at art contest. Total dyan naman sya magaling. Ang magpapansin sa mga babae. Kala nya ikinasikat na nya yung tinitilian ng mga babae at mga beki. Lalaos ka din taena mo.

“Bhe, balita ko type ni Vrylle yung mga babaeng mahahaba ang buhok.” Rinig kong sabi ng mga babae sa likod ng upuan ko.

“Talaga? Saan mo nakuha yang balitang yan?” tanong naman nung isa.

“Sa mga juniors. At eto pa, plus points daw kung matalino ka.”

‘Naku bhe, ok na ako sa mahabang buhok. Pero yung talino? Di ko ata kerry yun teh.”

“Ano ka ba, kaya nga nagrereview tayo ngayon, baka mapansin nya tayo.”

“Kung sabagay.”

“Pero baka ma Laiza-zone tayo? Kakahiya kaya yung kahapon kay Laiza. Masyadong matigas ang puso ni papa Vrylle pagdating sa pag-ibig.”

“Wag ka ngang nega! Di mo ba alam, na ang babae ay ang kahinaan ng lalake? Kaya laban kung laban! Baka malay mo, bumigay di ba?”

“Naku! Tama ka dyan bhe! Bongga!”

Jusko, kahit anong gawin ninyo, di kayo papansinin nyan. Kung si Laiza nga di pinansin, kayo pa kaya? Kung nag-aral nalang kayo para sa sarili nyo, edi natuwa pa nanay ninyo. Kababaeng mga tao….tsssss.

Teka? Pake ko ba? Bahala sila sa buhay nilang inaaksaya sa mga walang kwenta. Ang i-focus ko ngayon ay kung paano mapapabagasak yang kumaw na yan. Siguro, bumawi ako sa laban namin. Tama! Yun!

Pero parang ambabaw lang naman ata. Then suddenly….wow hutaena! English! Pero seryoso. May idea na ako. Hayyyss….baka papalpak ako neto. Parang di ko kaya. Iba nalang.

Tiningnan ko si Vrylle sa likod na nagbabasa na naman ng libro. Edi sya na talaga. Tskk. Ano kayang pwedeng pang tapat ko sa bakulaw na ito. Halos sa lahat, magaling eh. Aaminin ko, magaling sya sa Achademic, pati na rin sa sports. Kaya di ako makaisip ng pwedeng ipangtapat sa kanya.

Teka, ngayon ko lang napansin na wala pa itong girlfriend. Wala man akonv nababalitaan tungkol sa love life nito. Di nga ito nagpapakita ng interes sa mga babae, kahit sya na yung nililigawan.

Hindi kaya bakla itong bakulaw na ito? Hahaha! Puta! Baka nga. Pero kung totoo man, sayang sya kamo kung magiging bekikang yang bakulaw na yan. Pero sana hindi. Dahil hindi ko matatanggap na isang bakla ang nakakatalo sa akin pagdating sa sports at kay Laiza.

Pero bakit ba wala pa itong gf? Mapili ba sya o pihikan pagdating sa babae? Pero tae lang! Perfect na babae si Laiza! Maganda, mabait at matalino pa! Kaya nakapagtataka lang kung bakit nya hinindian ito. Tanga din pala ito.

Sya rin na pinapagod ko ang utak ko sa bakulaw na ito. Mas maganda nalang siguro kung sa kanya ko mismo makukuha ang sagot. Matanong kaya ito kahit ngayon lang. Tae….

“Hoy bakulaw?”  tanong ko rito ng makalapit na ako.

“Hoy!” yugyog ko sa upuan nito pero di ako pinapansin. Tae talaga.

“Hoy! Vrylle!” sigaw ko sa tenga nya kaya ayun lumingon din.

“Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Bingi ka ba?”

“May pangalan naman kasi ako. Kung makatawag ka naman.” Poker face na sabi neto

“Dami mong arte! May tatanong lang kasi!” inis kong sabi. Bwisit tong kulugo na ito, daming alam.

“Ano na naman yun? Istorbo ka, alam mo ba yun?” sabi nito sabay balik sa binabasa nitong libro.

“Tsss….matanong ko lang. Bakit wala ka pang gf?” tanong ko sabay upo sa tabi nito.

“Kung yan lang ang itatanong mo, makakaalis ka na. Walang kwenta.” Kabwisit kausap talaga ito kahit kelan.

“Di nga? Baka naman kasi bakla ka?” ngisi kong sabi na ikinatingin nya sakin. O di ba? Tae nya, baka nga.

“Tsk! Kung walang gf, bakla agad? Patawa ka. Hindi ba pwedeng, ayaw ko lang ng distractions?” sagot nito sabay balik sa binabasa.

“Anong klaseng sagot yan. Pwede namang mag-aral kasabay na may gf ka ah. Inspiration, ganun. Maka-distraction ka naman.”

“Di mo kasi maintindihan kasi gunggong ka. Sa tulad kong malaki ang expectations ng mga magulang, di ko aaksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay. Marami pa akong plano bago yan. At isa pa, ayaw ko ng may makulit na inaasikaso na dapat pag-aaral ang inaatupag mo.” Habang sagot nya na ikinanganga ko. Maliban lang sa gunggong part. Medyo uminit ulo ko dun.

“Weh? Di ikaw na! Essay ang sagot mo brad! Nagtanong lang, kala mo nasa hukuman na.”

“Ipinaliwanag ko lang ng maayos para maintindihan ng mga gunggong na gaya mo.” Poker face ulit na sabi nya. Nakakailan na talaga ito, minsan pa talaga at sasamain ko na yan.

“Last na tanong ko na ito.” Huling hirit ko.

“Hayyyss…istorbo ka na!”

“Last na talaga. Kung  pwede lang, anong basehan mo para magustuhan mo ang isang babae. Imposible namang di ka pa nagka-crush nyan.” Pangalumbaba kong tanong. Curious lang kasi ako.

“Gaya ng sinabi ko, wala akong panahon dyan.”

“Kung pwede nga lang ehh. Kunyari, ganun. Tanga din neto.”

“Wala akong dapat isagot kasi di man lang pumasok yan sa isipan ko.” Sagot neto habang busy busy kababasa sa libro. Nakaka concentrate pa ba ito sa pagbabasa kahit kausap ako?

Dali-dali kong inagaw ang libro sa kanya at itinaas ito ng aking kamay para di nya maabot. Tumungtong pa talaga ako sa upuan. Kulit nya eh.

“Akin na yan! Istorbo ka talaga.” Pilit nyang kinukuha sa akin, pero inalalayo ko sya gamit ang isa kong kamay.

“Di mo makukuha ito kung di mo sasagutin ang tanong ko.” Pang-aasar ko sa kanya.

“Kakulit mo. Sinabi ko nang wala akong maisasagot.” Inis na sabi nito sabay tungtong din sa upuan para maabot ito. Pero mabilis ako at tumungo sa bintana. Akmang ihahagis ko sa labas ang libro, pero syempre, biro ko lang.

“Hep! Sige, kung di mo sasagutin ang tanong ko, ihuhulog ko ito sa labas na putikan. Mamili ka.” Pang-iinis ko lalo sa kanya. Kala nya ah. Matalino toh!

“Gunggong ka talaga! Sige para matahimik na ang kaluluwa mo at makarating ka na sa impyerno. Ito ang sagot ko sa walang kwenta mong tanong. Kung may isang babae na makatatalo sa akin sa basketball, I can be his boyfriend!” sagot nito sabay hablot sa librong hawak ko.

“Tanga! Ano kaya yun. Imposible naman ata yun. Babae? Tatalo sayo? Para lang maging gf mo.” Di ko makapaniwalang sabi.

“Gaya ng sabi mo, imposible! Kaya malabong mangyari na magkaka-gf ako.” Blunt na sabi nito sabay balik sa kauupuan at binasa ulit ang kaninang libro.

“Aaaaargggg! Wala ka talagang kakwenta kwenta kausap!” maktol ko sabay labas ng room.

Pero ang ikinagulat ko ay nanduon si Laiza sa labas na gulat na gulat ang mukha. Malamang narinig nya ang pinag-usapan namin ni bakulaw.

“Ummn…so yun pala yun. Kailangang talunin sya sa basketball. Kaya pala, wala syang magustuhan samin kasi kolelat kami sa larong gusto nya.” Lungkot nyang sabi.

“Laiza…”

“Mico….ummmm….pwede bang turuan mo akong maglaro ng basketball?”

Shit lang! Tae! Tae! Taeeeee!

To Broke His Iron HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon