Tatlong araw makalipas ang laban namin, na ikinatalo ko talaga, ay balik ulit kami sa klase. Parang hanggang ngayon, di pa rin ako makamove-on. Kahit malakas ang daldal ng mga prof namin, ay parang wala akong naririnig. Iniisip ko parin yung nanyari sa araw na yun, saklap lang talaga.Ok lang naman sana kung natalo kami, pero yung nakita ko yung ginagawa ni Laiza sa bakulaw na yun, para akong hinampas ng maraming beses sa dibdib. Kumbaga yung pagkapanalo ni Vrylle ay trophy si Laiza, plus, sa kanya pa yung consolation prizes na bimpo at fresh lemon juice ni Laiza kuno. Pshhh…tae lang.
Ayy…oo nga pala, ako si Mico Ravenna, 16 years old, fourth year high school. Medyo maputi, matangkad ng konti na baka nasa 5’8 o 5’9, lean naman ang katawan, may muscle konti, at ang pinakacute sakin ay yung dalawang dimples ko na sumasabay pag nagsasalita ako at ang singkit kong mata. Mahaba ang bukok ko na medyo lampas na ng balikat pero nakapusod ito at naka – buns style, kaya di halata ang haba ng buhok ko. Trip ko lang yan, dahil astig lang tingnan lalo na kung nakahikaw ako sa magkabilaan. Bad look kumbaga. May pilat ngalang sa pagitan ng kilay at patilya ko, dahil nung nakikibakbakan kami sa kabilang school ng mga katropa ko, pero ayos lang naman dahil parang guhit lang at dagdag angas narin. Basta gwapo ako, yun na yun. Hehe.
“Vrylle! OMG!” sigaw ng mga tao dito na ngayon ko lang napansin na lunch na pala.
Pshh…tae. Bakit di nalang ako ang pansinin nyo, eh mas gwapo naman ako dyan. Hindi ko na kailangang ilarawan ang bakulaw na yan. Basta mas gwapo ako dyan. Pramis!
Kita ko naman yung bakulaw na dinaanan lang yung mga babae at binabae, at pumasok sa room namin, umupo sa likod at nangalumbaba na parang walang pake. Tsss…kala mo kung sino. Oo nga pala, classmate ko din ang bakulaw na ito kasama si Laiza myloves. Ok lang sana si Laiza ang makasama ko sa room, kaso may paningit.
Lumingon naman ito sakin pero nginisian lang ako nito sabay buklat nalang ng libro na parang ewan. Kala nya ikinatalino nya yan. Oo aminin ko, matalino at pumapangalawa sa ranking ng year level namin pero wala akong bilib dyan. Ewan ko ba, mainit dugo ko sa taeng yan.
“Vrylle, pwedeng sabay tayong maglunch mamaya.” Gulat kong rinig kay Laiza na nasa harap ngayon ng bakulaw.
“Oo nga Vrylle, sabay ka na samin. May ginawa pa akong lunch mo na alam kong magugustuhan mo.” Ngiting sabi ng isa na ang pangalan ay Ynah.
“Ako rin, may gawang fruit cake para sa dessert mo.” Di papatalong sabi naman ni Laiza na ikinasimangot naman ng isa.
“May pera ako kaya di nyo na kailangang bigyan ako ng pagkain. Kaya kong bumili.” Walang emosyong sabi ni Vrylle na ikinapahiya ng dalawa. Kumuyom bigla ang kamay ko sa kapal ng mukha nito, pero pinigilan ko lang para kay Laiza na nasa tabi nito.
“Bakit di nalang ako ang yayain ninyo, di ko tatanggihan yan.” Pasingit ko nalang na sabi para aluhin sila. Napalingon naman sila sa gawi ko at ngumiting pilit sa akin si Laiza.
“Hindi ikaw ang niyayaya namin!” galit na sabi ni Ynah.
“Hoy! Nagsasabi lang naman. Para di naman masayang yang gawa nyo. As if naman masarap ang luto mo.” Pasabi ko kay Ynah na ikinasama ng mukha nito.
“ANONG SABI MO!!!” galit na sabi ni Ynah na akmang susugudin ako na pinigilan naman ni Laiza.
“Frend tama na. Baka di lang talaga gusto ni Vrylle na kumain kasabay tayo. Kaya tayo na.” ngiting pilit na sabi ni Laiza sabay hila kay Ynah na masamang nakatingin sakin na dinilatan ko lang. Kita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Laiza at pansin ko ang hawak nitong baunan na nakabalot pa ng pink na panyo. Lumabas nalang ang dalawa sa room.
“HOY! Bastos ka rin ano?” inis kong sabi kay Vrylle.
“Pake mo?” sagot naman sakin ng bakulaw habang nagbabasa.
“Pwede ka namang tumanggi, pero idaan mo sa magalang na paraan.”
“Kung bastos man ako sayo, wala na akong pakealam. Anong gusto mo? Pakitang tao ako kahit naiirita na ako. At ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung makukulit gaya mo.” Poker face na sabi nito na di man lang ako ginawaran ng tingin.
Nagtitimpi na talaga ako sa gagong ito. Nung isang araw pa. Pero di ko muna ito papatulan, dahil may araw din sya sakin.
Dahil sa inis ko, padabog akong tumayo sa upuan at lumabas ng room para kumain ng tanghalian. Bahala syang magutom sa loob na mag-isa. At kung anong mangyari sa kanya, wala ding akong pake kahit mamuti na ang kanyang mata.
Tsssss…..tae lang.
BINABASA MO ANG
To Broke His Iron Heart
RomanceGagawin ko ang lahat, mapataob lang kitang hambog na suplado ka. Wala kang karapatang paiyakin ang mga babae lalong lalo na ang crush ko. Yabang mong gago ka, mas gwapo naman ako kesa sayo, di nga lang pansinin. Tingnan nalang natin ang itsura mo sa...