.
.
.
.
.
Nakita ko kung paano tapalin ni Vrylle yung bola. Tumilapon ito na agad namang sinapo ng kasama nya.Gulat ang nakikita ko sa mukha ni Laiza. Alam nyang perfect ang lahat lahat pero mabilis na binuwag ni Vrylle ang lahat. Di parin nakakarecover ang mga babaeng kasama ni Laiza sa pagod at pangyayari. Pilit man nilang bawiin ang bola pero sa huli, nakascore na naman si bakulaw.
Hiyawan ang mga manonood. Panay sigaw sa pangalan ni Vrylle.
Tulala parin si Laiza na kanina pa naiwan sa kabilang court. Nilapitan na sya ng mga kasama nyang mga babae para aliwin. Pare-parehas silang malungkot sa pangyayari. Yung mga iba, tanggap na nila mula umpisa na talo na sila, pero iba ang kay Laiza. Alam nilang binuhos parin nila sa huli ang lahat ng makakaya nila, dahil na rin sa pagpapalakas ng loob ni Laiza sa kanila, pero wala pa rin. Yun ang nakakasira ng loob.
Ramdam ko din yun kay Laiza. Alam kong masakit matalo sa laban. Lalo na kung may dahilan ka kung bakit ka lumalaban.
"Sorry.." naiiyak na sabi ni Laiza.
Nakita ko na lang na humagulhol si Laiza at dali daling tumakbo palabas. Di alintana ang pagtawag sa kanya ng mga kasama.
Agad agad akong tumakbo upang habulin sya. Pero bago yun, sinulyapan ko muna si bakulaw ng masamang tingin. Ng mahagip ni Vrylle na nakatingin ako sa kanya, nginisian lang ako nito habang nagpupunas ng pawis gaya ng mga kasama nya.
Gusto ko sana itong sugudin at paulanan ng suntok, pero pinigilan ko muna ang sarili ko. Mas kailangan ako ngayon ni Laiza. Kaya bago ko pa upakan ang bakulaw na yun, umalis nalang ako upang hanapin si Laiza.
Linibot ko na ang buong campus, pero bigo kong hanapin siya. Mabibilang mo nalang ang mga estyudanteng gaya ko dahil kanina pa uwian. Pero hindi ito nakatulong upang mapadali ang paghahanap ko sa kanya. Alam kong kailangan nya ngayon ng karamay, pero di ko magawa. Tsk! ang hina mo talaga. Moves ko na yun eh! Hayyysss... Sana walang mangyaring masama sa kanya.
Mabigat man sa loob ko, ipagpapabukas ko nalang ang paglapit kay Laiza. Siguro, kailangan nya ng panahon para sa sarili nya. Tsaka kapagod ko kayang tumakbo takbo kanina.
Napadaan naman ako sa park, malapit sa subdivision namin. Dahil wala lang, trip ko lang. Gusto ko munang tumambay dito kahit gabi na. Total mailaw naman dito at maraming tao. Oo nga pala, malapit na ang pyesta ng bayan. Sana may peryahan na, para mambulabog ng mga rides.
"Ate, pwedeng makiupo?" Biglang tanong ng isang chinitong bata sa akin na ikinagulat ko. Tsk! Panira ng moment.
"Ikaw bata ka, kabata bata mo pa lang ang labo na ng mata mo. Liit na nga ng mata mo, bulag ka pa." Inis kong sabi. Pagkamalan ba naman akong babae. Jusko! Nung tiningnan ko naman ang paligid, maliwanag naman ah.
"Sungit nyo naman ate ganda. Makikiupo lang eh." Kamot na sabi ng bata.
"Kung di ka lang bata, kinatusan na kita. Ang daming upuan dun, dun ka umupo!" Grabe itong batang to. Kakainit ng ulo. Mukha ba akong babae sa kanya?
"Eh kakatakot po eh, wala po akong kasama."
"Edi dun ka sa dalawang yun!" Turo ko sa malapit sa amin na mukhang magshota.
"Eh ayaw ko po dun eh. Baka makaistorbo po ako sa date nila." Ngiting sabi nito. Aba, alam na ng batang ito ang salitang 'date'.
"Eh, ako? Di mo ba ako naiistorbo? Saan ba kasi magulang mo? Gabi na ah." Yamot kong sabi. Naku wala talaga akong tiyaga sa mga bata. Pramis.
"Kayo din po, saan ang mga magulang mo po? Gabi na din po." Sagot nitong pilyo sabay upo sa tabi ko. Nakakadalawa na itong batang toh ah. Ibalik ba naman sakin yung tanong.
BINABASA MO ANG
To Broke His Iron Heart
RomanceGagawin ko ang lahat, mapataob lang kitang hambog na suplado ka. Wala kang karapatang paiyakin ang mga babae lalong lalo na ang crush ko. Yabang mong gago ka, mas gwapo naman ako kesa sayo, di nga lang pansinin. Tingnan nalang natin ang itsura mo sa...