Pumunta ako sa Carinderya ni Aling Simang. Syempre madalas ako dito kumain, maliban sa masarap ang luto dito, mura lang kaya tipid tipid din. Miss ko na rin sila mama at kuya na ngayon ay nasa Amerika na at nagtratrabaho. Ako? Eto naiwan sa pinas, pero request ko na rin dahil mas gusto ko dito kaysa dun. At isa pa, dahil nandito si Laiza myloves. Hehehe!“Oh Mico! Anong sayo?” tanong ni Aling Simang sakin. Syempre kilala nya na ako dahil buhay ko na dito. Halos dito na ako bumili ng pagkain para ulam ko mag isa sa bahay. Kakatamad kasi magluto, at….di ako marunong magluto.
“Yung sisig po at tatlong rice. Isang coke na rin po.” Sagot ko naman.
“Oh sige iho. Hatid nalang ni Nora sa iyo.” Sabi nito habang ibinibigay ko ang bayad.
Grabe, kabusog ko dito. Humirit pa ako ng extra rice, na ikinadighay ko na malakas. Syempre rinig na rinig na buong barangay na ikinatingin nang ibang kumakain. Pake ba nila? Busog nga eh.
Pagkatapos kong magpahinga, diretso ako sa tambayan ko sa school. Sa puno ng akasya na nasa likod ng building namin. Ako lang ang umaakyat dito, dahil ewan ko, baka kulelat lang yung iba at di alam na presko dito sa taas ng puno. Habang umiidlip ako dito, rinig kong may nag- uusap sa baba.
“Tol, nabalitaan mo na ba?”
“Ano yun?”
“Si Laiza daw, umiiyak dahil napahiya daw ata ni Vrylle kanina sa canteen.”
“Hah? Si Laiza? Yung magandang fourth year? Bakit naman daw tol?”
“Oo pre! Ewan. Pero sa narinig ko, tinabig daw ni Vrylle yung binibigay ni Laiza na baon sa kanya. Kaya ayun, sabog ang laman. Kaso natapunan konti yung damit ni Vrylle, kaya mas lalong nagalit. Kaya sinigawan si Laiza bago umalis.”
“Grabe naman tol, kawawa naman si Laiza.”
“Sinabi mo pa. Kaya iyak ng iyak eh.”
“Iba din si Vrylle. Kung ako yung binigyan ng ganun tsaka maganda pa yung nagbibigay, jackpot na yun pre!”
“Kaya nga tol. Kaso malabong may gumawa sayo nun. Eh pwet ka lang ni Vrylle!”
“Gago! Kung ako naging kasing gwapo ni Vrylle, baka nalahian ko na lahat ng babae dito.”
“Putaena, lupet mo.” Sabay tawa ng mga nag-uusap at umalis sa pinagtatambayan ko.
Galit. Inis. At inggit ang nararamdaman ko ngayon. Galit, dahil sa ginawa ni Vrylle kay Laiza. Inis, dahil di ako napapansin ni Laiza kahit sinusuyo ko sya minsan. At inggit, dahil dapat ako yung nasa katayuan ni Vrylle na inaasikaso ni Laiza at pinaglalaanan nya ng panahon.
Dali dali akong bumaba sa puno. Kung kanina, nakapagtimpi pa ako. Pero ngayon, parang di na. Mabilis akong naglakad, at tinungo ang puntirya ko. Makikita saa mukha ko na parang gusto ko nang pumatay. Napapaiwas naman ng daan ang mga taong nakakasalubong ko, marahil alam nilang wala ako sa mood makipaglokohan. Nang makita ko ang puntirya ko, halos sasabog na ako. Prenteng prete pa itong nakaupo at nagbabasa ng libro. Agad ko itong nilapitan, tsaka kinewelyohan. Hindi pa ito nakakatanong ay binirahan ko na ito ng suntok sa mukha.
“Tang ina mong gago ka! Sino ka bang hayop ka na makaasta na kung sinong gago! Wala kang karapatan kang gago ka!” sunod sunod kong mura sa kanya habang nakahiga sya sa sahig.
“Ano bang problema mong gunggong ka!” inis na sabi nito habang pinupunasan ang dugo sa labi.
“IKAW! Ikaw ang problema kong hayop ka! Hutaena! Ikaw ang gunggong sa ating dalawa! Dahil hindi mo alam kung paano gumalang sa babae.”
“Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo. Sayang lang ang laway ko.” Ngising demonyo nyang sagot sakin na mas ikinainit ng ulo ko. Hahatawan ko pa sana ng isang suntok pero may humarang sakin.
“Mico tama na!” awat sa akin ni Laiza na syang ikinagulat ko. Mugto ang mata nito sa kaiiyak.
“Bakit mo ako pinipigilan, eh bagay lang yan sa pinaggagawa sayo. Kulang pa yan!” gigil kong sabi.
“Wag na Mico. Ayos lang ako. Ako naman ang may kasalanan. Ipinagpipilitan ko yung gusto ko kanina.” Malungkot na saad ni Laiza.
“Kahit na. Di dapat nya ginawa yun!”
“Salamat sa concern mo Mico. Ako nalang ang bahala dito.” Sagot ni Laiza na ikinatahimik ko. “Ayos ka lang ba?” gulat kong rinig mula kay Laiza habang inaalalayan si Vrylle na tumayo. Sarap lang burahin ang ngisi na ipinupukol sa akin ng bakulaw.
“Teka, bakit mo pa tinutulungan yan?” galit kong sabi na mas ikinalapad ng ngiti ng isa.
“It’s ok Mico. Gaya ng sinabi ko, ako naman ang may kasalanan kaya nangyari ito.” Di ko makapaniwalang sagot ni Laiza sa akin habang inaakay ang bakulaw sa labas.
Bakit ganun? Hindi ba nya nakikita na ginago sya kanina ng lalakeng yan? Bakit parang nakalimutan na nya. Binawian ko lamang sya, pero ipinagtanggol nya parin ang ugok na yun. Ganun na ba sya kabulag sa lalakeng yun, na kahit hindi sya gusto, eh pinagsisiksikan nya ang sarili nya dun. Nandito naman ako ah! Ako nga itong nag-eeffort sa kanya, hindi man nya pansin. Ano bang kulang sa akin?
Kumbaga ako habol ng habol sa kanya pero sya, iba ang habol nya. Kaya kahit anong habol ko, kung ang tinatakbo ko ay lumalayo, wala ring kwenta. Naghahabulan lang kami sa wala. Ewan ko lang sa bakulaw na yun kung sinong habol nya.
“Punta tayo sa clinic para magamot yang sugat mo. Baka kasi maimpeksyon.” Ang huli kong rinig mula kay Laiza bago ako mabilis na lumabas at palihim na siniko ang bakulaw. Rinig kong dumaing ito. Tsss…
Buti lang sa kanya yan. Tae sya….
BINABASA MO ANG
To Broke His Iron Heart
RomanceGagawin ko ang lahat, mapataob lang kitang hambog na suplado ka. Wala kang karapatang paiyakin ang mga babae lalong lalo na ang crush ko. Yabang mong gago ka, mas gwapo naman ako kesa sayo, di nga lang pansinin. Tingnan nalang natin ang itsura mo sa...