hello watters!:)eto na ako nag update na naman..katatapos palang ng isang whole day biochem session at talagang nakakatuyo ng utak pramis!:))
well tama na ang satsat hahaha
enjoy po kayo^_^
ROU'S P.O.V
Marahil nagtataka kayo kung bakit bigla nalang ako sumulpot sa mga pangyayari,well ako lang naman ang Unang Guardian na naitalaga para sa misyong kalabanin ang pwersa ng dilim.
Kagaya ni Levi ay di ko rin alam kung bakit ako ang pinili ng dating guardian na si Zeulle na maging kapalit niya at maging bagong Guardian na sisimulan ulit ang nahintong labanan sa pagitan ng Dilim at ng Liwanag.
Kung tutuusin matagal nang naglalaban ang dalawang pwersang ito pero sa pagkakataong ito ay iba na,
Mas lumalakas na ang pwersa ng Dilim at mas dumadami ang lahi ng mga ito,nangyayari ito dahil sa patuloy na paggawa ng kasamaan ng mga tao at mas pagpili nila sa maling landas.Maraming kaluluwa ang nakakamkam ng Demonyo,iba't ibang klaseng kasamaan ang nagaganap sa mundo at yun ang nagbibigay ng lakas sa kanila.
Mahirap man saakin na tanggapin ang responsibilidad na ito ay wala akong nagawa kundi tanggapin iyon dahil gusto ko ring ipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay,ayoko silang masaktan at malagay sa peligro..
..dahil isang malagim na panganib ang naghihintay sa buong sangkatauhan.
Galing mismo sa bibig ni Zeulle na muling babalik at aapak dito sa lupa ang pinakamasamang nilalang sa lahat:Si Luceirro,ang hari ng mga demonyo
..pero hanggang dun lang ang nalalaman ko,hindi na sinabi saakin ni Zeulle ang patungkol kay Luceirro,basta ang alam ko lang ay naibalik na nila ulit ito sa kailalim laliman ng impyerno ngunit nakasaad sa propesiya na darating ang panahon na babalik ito ulit sa mundo at lilipulin lahat ng tao at ipapasailalim sa kapangyarihan niya at marahil yun na nga ang magiging katapusan ng buhay dito sa mundo at pati na rin kaming mga Guardians.
Marami akong katanungan sa isip ko pero hanggang ngayon wala parin akong mahanap na mga kasagutan..pero ang pinaka importante ngayon ay gabayan at bantayan si Levi na siyang ikalawang guardian na napili at kailangan na naming hanapin ang ikatlong guardian.
Sana mahanap na namin siya sa lalong madaling panahon dahil nararamdaman kong malapit na ang pangyayaring kinatatakutan ko.
LEVI'S P.O.V.
kasama ko ngayon sa library si Rou habang gumagawa kami ng project namin sa Health Economy..kapartner ko siya dahil siya mismo ang pumili sakin na maging kapartner niya,.Si Zel na sana pipiliin ko ehh pero inunahan na ako ng isang to,kaya no choice ako kundi pumayag nalang,nagtampo nga si Zel pero ok na rin yun kasi naiintindihan niya naman haaisst..
"umm Levi free kaba this Saturday?"..pagbasag ni Rou sa katahimikan
"uhhm bakit naman?",pagtatanong ko naman sakanya
"basta,sagutin mo muna ako if free kaba this Saturday o hindi tss!"..aba aba kung makatanong to may halong katarayan pa tss!
"fine!,wala naman akong gagawin!oh?ngayon bakit ba?"..inis kong sabi sakanya ehh parang ganun lang magtataray na..tsk
"ahh ok..magtetraining kasi tayo"..sagot naman niya,,ano daw?magtetraining kami?
"teka?training?for what?"
"kailangan nating magsanay lalo kana..kailangan mong matutong gamitin yang kapangyarihan mo dahil alam ko na hindi mo pa yan kayang kontrolin ng mabuti"..sabi ni Rou saakin,
Oo nga pala di pa ako sanay gamitin ang kapangyarihan ko..minsan nga nung nagtry akong gamitin ang telekinesis ko..nung pinalutang ko ang mga furnitures sa condo ay agad naman akong nanghina at worse nahimatay pa kaya I think magandang ideya nga kung magsasanay ako.
BINABASA MO ANG
The Power Within[Fantasy BoyxBoy]
FantasySimpleng buhay lang ang kanyang kinalakihan..pero lahat ay magbabago sa iisang rebelasyong naglalaman ng isang katotohanang hindi niya kailanman matatakasan.. ..Isang responsibilidad na hindi niya kailanman aakalain. at isang pangyayaring hindi kail...