Ch.9.1-The Mentor

668 16 12
                                    

ROU'S P.O.V.

habang ako'y nakikipaglaban sa mga demonyo na kahit anong atakeng gawin namin ay hindi matalo talo at hindi maubos ubos..

ay napansin kong parang lumulutang silang lahat sa ere at hindi makagalaw..

kasabay nun ang pagkaramdam ko ng isang napakalakas na itim na enerhiya na bigla nalang pumalibot sa simbahan,

alam kong galing yun kay Levi,at kitang kita ko ang pagbago ng anyo niya,

dumidilim ang mukha at nagkukulay itim ang mga mata niya,..palatandaan na may gustong kumawalang itim na kapangyarihan..

bigla naman akong nakaramdam ng takot sa mga oras na yun,..takot para kay Levi..

"Isang napakalakas na enerhiya ang nararamdaman ko",seryosong usal ni Reivon saakin..

"Oo at masama to",sabi ko naman at mas lalong akong kinakabahan sa susunod na mangyayari.

Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang talagang ikinatatakot ko basta masama ang nangyayari ngayon kay Levi,

kailangan siyang mapigilan pero di ko alam kung pano..

pilit akong nagiisip ng paraan kung pano ko siya mapipigilan..

at isa lang ang pumasok sa isipan ko,

ang patamaan siya ng kidlat,nang sa gayon ay maputol ang pokus niya at baka sakaling kumalma na siya,bahala nat masaktan siya

kaya naghahanda na sana akong patamaan siya ng biglang may tumama kay Levi na isang puting enerhiya at sigurado akong kakaiba yun at malakas,

nakita ko ring tumilapon si Levi at bumagsak sa sahig,at nawalan ng malay,

nagsibagsakan na rin ang mga demonyo.

"Ako na ang tatapos sa gulong to"..baritonong tinig na sabi at lumingon kami sa pinanggalingan ng boses na yun..

nakita namin ang isang lalaking nakaputi,casual lang ang suot kagaya namin,nakamaong siya at puting tshirt,parang kasing edad nga lang namin ehh.

Nagliwanag na lang bigla ang kanyang mga mata at parang may inuusal siya na kakaibang linggwahe?basta di ko maintindihan ehh..

"A-anong ginagawa niya?",pagtatanong ko kay Reivon

"Di ko rin alam ehh,pero isa lang ang nasisiguro ko,..di siya kalaban",sabi niya

napabaling na lang kami nang biglang nagsisigaw ang mga demonyo..

nakakarinding sigaw!!na sobrang sakit,kaya napatakip kami ng tenga pero masakit parin sa pandinig,tumatagos talaga!

kitang kita ko naman na umuusok na ang mga demonyo hanggang sa tuluyang naglaho..

nawala na rin ang sigaw at tumahimik na ang paligid,..humarap ang lalaki samin..

"Ako si Mikaelo,ang magiging gabay niyo mga guardians",habang nakayuko ito saamin na parang nagbibigay galang??weird

"anong ginawa mo kay Levi?bat mo ginawa iyon?at saan ka galing?ano kaba talaga?",sunud sunod na tanong ko sakanya,sobrang napakamisteryoso niya ehh.

ngumiti lang ito samin,"Ipagpaumanhin niyo kung nagawa ko yun kay Ginoong Levi pero kinakailangan ko yung gawin kasi delikado kung hahayaan siyang magpakawala ng ganung kalakas na kapangyarihan na wala pa sa tamang panahon"..mahabang salaysay nito saamin

"anong ibig mong sabihin Mikaelo?",-Reivon

"Ipagpaumanhin po muna ninyo mga Guardians pero hindi tayo dapat mag usap dito,dadalhin ko kayo sa lugar kung saan dapat natin yan pagusapan",nakangiting sabi niya saamin at itinaas nito ang kanyang kamay at naglaho kaming bigla.

The Power Within[Fantasy BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon