Chapter 2 : The Customers

38.1K 747 32
                                    

GARRIE

Sa limang taong paninilbihan nya sa restaurant, masasabi nyang memorized na talaga nya ang kanyang mga gawain gabi-gabi,at mabuti nalang sa ganon dahil wala sa tinatrabaho nya ngayon ang kanyang isip. Occupied kasi ang kanyang mind sa kaiisip sa pagpunta ni Red sa bahay nya ngayong gabi. Pinagpapantasyahan na naman nya ito. Pero sa palagay nya hindi naman yon mangyayari ang nasa isip nya dahil alam naman nyang hindi talaga sila magkasundo ni Red. Maliban nalang kung mag-iba ang ihip ng hangin at mapaamo nya ang leon.

Bigla namang nabura sa kanyang isipan ang lahat na iniisip nya kay Red nang makita nya ang papasok na customer sa restaurant. Isa itong attractive man in his late thirties. Sinalubong nya ito ng napakatamis na ngiti at inalalayan pa nya ito hanggang sa makaupo ito sa kanyang pinareserved na table.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas matapos kumain ang nasabing customer. Agad naman nyang nilapitan iyon at tinanong.

"How about your favorite dessert,sir Brandon? Chocolate cheesecake and espresso."

Napansin nya na hindi man lang kumakain ang kasama nito, his job apparently only to take notes. Nagtataka sya kung paano ang isang demanding na tao na pinagtratrabaho pa rin nito ang isang empleyado sa dis oras ng gabi.

"Ahh, thank you Garrie. Did I get the last slice?"

"Yes sir, I saved it just for you. Alam ko naman na yon lang ang nag-iisang dessert  na nagugustohan mo."

"Mabuti kung ganon,atleast natatandaan mo pa."

"Syempre naman sir"

"Ikaw anong gusto mong dessert?" tanong ni Brandon sa kanya.

"Peach mango pie po sir" awkward na sagot nya.

As usual cheke na naman ang pinangbayad ni Brandon sa kinakain nito,at bago pa man sya makaalis ay hinawakan ni Brandon ang kamay nya.

"Ah by the way Garrie,gusto ko sanang magpa reserved ng VIP room bukas."

"Ok sir,sasabihin ko po kay Red" at tinalikuran na nya ito.

Brandon Harlem. Masasabi nyang perfect man ito. Katulad ni Red dark brown hair din ito at gwapo. Expressive ang mga mata nito,matangos ang ilong,matutulis ang cheekbones at macho. Halatang mayaman na negosyante kung ang pagbabasehan ay ang kasuotan nito. All in all,he was an elegant man. But not her type.

Natigil lang ang lahat na inisip nya tungkol ky Brandon ng makita nya si Red na nakaharang sa pintuan ng kitchen.

"Hey,ba't ba ang sama ng titig mo sakin?" tanong nya kay Red dahil namataan nya ang iritadong mukha nito.

"Eh ano naman kung titigan kita?"

You're Still My Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon