Chapter 4 : Deliveries

24.8K 547 11
                                    

GARRIE

Matapos nyang mabalot ang valentines gift para sa kanyang kapatid at ina, ang magazine article naman ngayon na kanyang sinusulat ang tinutokan nya ng pansin dahil sa katapusan na ng Marso ang deadline nito. Nag iintern kasi sya sa isang magazine publishing company as prerequisite para makagraduate sya sa kursong kinukuha nya. Kasalukuyan syang nasa third year college at kaya hindi sya kaagad nakatapos dahil sya na ang tumataguyod sa pamilya nya simula ng mamatay ang kanyang ama. Pinagpaaral din kasi nya ang isa pang kapatid na si Jastine na ngayon ay second year college na.

Binuksan nya ulit ang kanyang laptop at hinanap yong file na sinusulat nya tungkol sa mga babaeng career-oriented.

Nasa kalagitnaan sya ng kanyang pagtatype nang may biglang kumatok sa kanyang pintuan. Agad naman nya itong pinuntahan sa sala at tinanong.

"Sino yan?"

"Delivery po para kay Miss Javier"

Nang pagbuksan nya ang pinto,nakita nya ang isang binatilyo na bitbit ang isang malaking boquet of red roses.

"Napakaganda naman yan" natutuwang sabi nya habang inabot ito sa kanya ng binatilyo.

Hindi nya akalain na totohanin pala ni Red ang sinabi nito na interesado ito sa kanya.

Pagkasara agad nya sa pintuan ay tumalon-talon sya sa saya dahil sa natanggap nyang bulaklak galing kay Red. Nilapag nya ito sa kanyang center table at sinimulan nyang basahin ang nakasulat sa maliit na card na kalakip nito.

Kumakabog ang puso nya ng basahin nya ito.

I wanna lay you down in the bed of roses. - B.H.

B.H? hindi R.D. or hindi V.R.D? OMG! kung ganon hindi si Red kundi si Brandon ang nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak dahil nga sa nakasulat na initials nito.

Paano? Paano kaya nalaman ni Brandon kung saan ako nakatira,nagugulohang tanong nya sa sarili. Dahil sigurado naman sya na hindi nya ito nalaman sa restaurant dahil bawal kasi sa kanila na ipagbigay alam sa kahit kaninong guests ang tinitirahan nila.Pwera nalang kung sinusundan sya nito pauwi.Bigla namang nanginginig ang buong kalamnan nya sa naiisip.

Dahan-dahan syang lumapit sa bintana para silipin kung meron bang naka park na limousine doon o kaya tao sa harap ng boarding house nya. Pero wala. As in wala talaga.

Nagulat tuloy sya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at unregistered caller pa ito. Pero sinagot nya pa rin.

You're Still My Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon