Chapter 3 : Presents

29.8K 682 19
                                    

GARRIE

 

Kanina pa sya nakatutok sa orasan at umaasang darating nga si Red sa bahay nya. It was past twelve in the midnight pero wala pa ring Red na dumadating. Dapat sana twenty minutes ago ay nakarating na si Red sa boarding house nya.

Padabog syang umupo sa sofa at tila nawawalan na sya ng gana. Kailangang tanggapin nya ang katotohanan na hindi na talaga darating si Red.

Anyway,hindi na sya naninibago don kay Red. Hindi talaga. Ganon na kasi yon,parang ipinaglihi sa indian dahil mahilig mang indyan. Sigurado syang nagbago na ang isip non kaya hindi nalang ito tumuloy.

Bakit pa ba sya pag-aaksayahan ng panahon ni Red? gayong sa tuwing magkalapit sila ay palagi lang naman silang nag-aaway. Hindi talaga sila magkasundo ni Red kaya naisip nyang imposibleng may mamagitan sa kanilang dalawa.

What if kaya kung lalasingin nalang nya ito at pagkatapos ay pipikotin nya? Pero syempre hindi dito sa bahay nya. Dapat ayain nya ito sa ibang lugar, yong romantic na lugar na hinding-hindi nya malilimutan ang unang karanasan nya. Humagikhik lang sya sa kabaliwang naiisip nya.

Thinking like a woman of experience huh, Margarette Joy. Eh hindi pa nga sya nagkaroon ng seryosong relationship. Meron syang mga naging boyfriend noon sa past,pero ang kadalasan ay tatlong buwan lang ang itatagal ng relasyon nila.

Bago dumating si Red sa buhay nya marami na rin syang naka date na nirereto ng mga kaibigan nya,hoping na matagpuan na nya yong lifetime partner nya bago pa sya mag bente-singko anyos. Pero wala naman ni isa sa kanila ang nagustohan nya kahit nga yong iba ay pursigido sa kanya.

Twenty-five is her target age to get married kasi ayaw nyang matulad sa mga pinsan at tiyahin nya na hindi na nakapag-asawa pag lampas nila sa edad na bente-singko,para kasing nasa lahi na nila yon. Ngayong bente-kwatro na sya parang paliit na ng paliit ang chance nya na makapag-asawa. Kung hindi nya talaga gagawin ang lahat upang makapag-asawa ay tatanda talaga syang dalaga.

Napukaw ang kanyang malalim na pag-iisip nang marinig nya ang mahinang katok sa kanyang pintuan,at sya naman ay biglang nataranta. Huminga muna sya ng malalim at nagbilang muna ito hanggang sampu bago pa nya pinagbuksan ang pintuan.

It was Red,pero mas nangingibaw ang pagtatampo nya kaysa kasiyahang makita nya ito dahil pinaghintay na naman sya nito.

"Akala ko nagbago na ang isip mo" at nagkukuwanri syang inaantok sa pamamagitan ng paghikab nya sabay talikod kay Red.

"Pasensya na..Natagalan kasi ako dahil may..may ano kasi--ikaw ba ang nag decorate sa bahay mo Margarette?" Pag-iiba ng topic ni Red sa una nitong nasabi habang palakad-lakad ito sa sala nya as if surveying her living room.

"Sino pa ba? eh nag-iisa lang naman akong nakatira dito" sarkastikong sagot naman nya.

Inikot-ikot ni Red ang mga mata nito sa sala na pinuno nya ng iba't ibang klase ng decorations dahil yan naman talaga ang naging hilig nya.

"Napuno yata ng dekorasyon itong bahay mo"

You're Still My Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon