GARRIE
Halos matatanaw na nya ang kabuuan ng Manila ng makarating sila sa rooftop ng hotel. They were now at the elegant restaurant where Brandon had brought her. Na appreciate man nya ang lugar dahil sa romantic ambiance nito,pero mas gugustohin pa rin nyang makatakas sa lugar na yon.
"Garrie?"
"Garrie?"
Reluctantly,humarap sya kay Brandon na tila nawawalan ng gana. Sa nakikita naman nya kay Brandon parang malapit na rin itong mawalan ng pasensya sa kanya dahil nga sa kakulangan nya ng interest sa lalaking kaharap.
"Garrie,ibibigay ko sayo ang lahat na gustohin mo,patitirahin kita sa mansyon kung saan mamumuhay ka na parang isang prinsesa,at bibigyan rin kita ng unlimited access sa mga credit cards ko,kung papayag ka lang na maging asawa ko."
Natameme naman sya sa mga inaalok sa kanya ni Brandon lalong lalo na ang maging asawa nito. Oo nga,gusto nyang makapag-asawa pero hindi sa lalaking hindi nya mahal. Napatingin sya doon sa mga nagsi-served na mga waitress dahil nakikita nya sa mga ito ang sarili nya,wondering kung pano rin sila nakakakuha ng tips galing sa kanilang customers. Di man gaanong kalakihan ang nakukuha nyang sweldo sa pinagtratrabahoan na restaurant,pero kahit papano thankful pa rin sya dahil sa mga tips na binibigay sa kanya. Nakakatulong na rin ito sa pang araw-araw na gastusin nya. Pero kahit maghirap man sya hinding-hindi sya magpapakasal dahil lang sa pera.
"I don't usually make an offer so freely" dagdag na sabi ni Brandon sa kanya."You're exceptional in fact"
Was she supposed to feel flattered dahil sa dinamidami ng babae dyan sya pa ang nagugustohan ng isang sikat na businessman?
Kanina pang naka served ang pagkain nila,pero ni hindi man lang nya nakuhang galawin ito. Kailangan na talaga nyang diretsuhin si Brandon na ayaw nyang magpakasal sa kanya at kung pwede tigilan na sya nito. Magsasalita na sana sya ng bigla nyang mapansin ang kararating lang na babaeng familiar nya,nakasuot ito ng isang elegant red dress,capturing and holding everyone‘s eyes. Nakatalikod ito sa kanya dahil may kausap ito sa kabilang table,kaya hindi nya agad ito nakilala.
When the lady turned around bigla naman syang nabuhayan ng loob.
"Oh hello dear! What a surprise to see you here"
She smiled as Missy touched her shoulder and feel relieved for the first time that day.
"Hi Missy" masiglang bati nya.
"Brandon,Happy Valentines"
Brandon stood to shake Missy's hand. They exchanged pleasantries for a minute. Bakit hindi nalang kaya si Missy ang inaya ni Brandon na makipagdate? sa tingin kasi nya mas bagay silang dalawa.
"Garrie mydear,pupunta pala ako sa powder room samahan mo naman ako oh."
Dali-dali syang tumayo sa kinaupoan nya,not giving Brandon a second to stop her. Umangkla sya kay Missy at mabilis silang naglakad patungo sa restroom. Nang makarating sila sa harap ng restroom,agad naman nyang hinila si Missy papasok sa loob.
"Missy,meron akong malaking favor na hihingin sayo"
"What about?"
"Pwede mo ba akong tulongan na makalabas dito? It's a long story para ipaliwanag ko sayo ngayon, at alam ko rin na magagalit sakin si Brandon,but I'm willing to risk sneaking out, kahit na alam ko kung anong pwede nyang gawin sakin."
"Tama nga ang gagawin mo mydear. In the river of life,he's a crocodile and you're a tadpole." makahulugang pahayag sa kanya ni Missy.
Kinuha ni Missy ang kanyang iPhone mula sa kanyang purse at may tinawagan ito.
"Hello there, Jack. This is Missy Chavez....."
Nakikinig lang sya kay Missy kung pano ito gumawa ng arrangements para lang sya makalabas doon sa sky-high restaurant, then Missy ended the call and put her phone back into the purse.
"It's all set mydear. Jack will be right outside the door."
"Thanks Missy,utang ko to sayo"
"It's a lesson learned for you mydear. Just don't bite a man that you can‘t chew." ulit na pahayag sa kanya ni Missy.
"I did'nt bite this one Missy" sagot naman nya "Kailanman hindi ko to naranasan sa buong buhay ko. At sa totoo lang,tinuring ko si Mr. Harlem na isa sa mga mabuti at kagalang-galang namin na customer. Pero,ang hindi ko lang inaasahan ay ang makagawa syang ng bagay na labag sa kalooban mo..Kaya natatakot ako sa maaring gawin nya Missy. Alam ko na sa oras na makalabas ako dito magagalit sya at baka hindi na nya ako tatantanan."
"Natatakot rin ako para sayo Garrie. Trust me, this is not the man you're going to involved with."
Kumunot ang noo nya sa sinasabi ngayon sa kanya ni Missy."Kung ganon Missy,hindi kita pwedeng iwan dito hangga't nandidito sya,baka paghinalaan ka nyang ikaw ang nagpatakas sakin. Ayaw rin naman kitang madamay."
"Don't worry about me mydear, I already knew how to dealt men like him." said Missy while patted her arm.
"Pero Mis--" putol sa kanya ni Missy.
"Sshh..Just follow me out"
Huminga muna sya ng malalim bago nya sinundan palabas ng restroom si Missy. Sa itinagal ng pag-uusap nila sa loob ng restroom,nag expect na sya na sa kanilang paglabas ay naka antabay na roon si Brandon at ang mga bodyguards nito. Pero sa paglabas nila,isang matangkad na lalaki ang sumasalubong sa kanila na napag-alaman nyang si Jack,yumakap sya kay Missy at nagpaalam na sya. Jack guided her through the kitchen at itinuro sa kanya ang isang elevator.
"Mam iyan ho ang aming service elevator" sabi ni Jack sa kanya.
"Thank You Jack"
Tumango si Jack bilang tugon at umalis na ito.
Pipindotin na sana nya ang button ng elevator ng bigla itong bumukas.
"Hi Alice! kumusta ang adventure mo sa wonderland?"
"Vince! pano mo--,anong ginagawa mo dito?" takang tanong nya sa binata.
"Yan na nga ang sinasabi ko" sagot naman ni Red.
"Wag kang magsimula Vince dahil wala ako ngayon sa mood" naiiritang sabi nya.
Pumasok na sya sa elevator and pressed the button for ground floor,pero hindi ito gumagana kung kaya pinindot nya ito ng maraming beses.
"Oh come on! come on!" pikon na sabi nya.
"Kalma lang Margarette mas lalo mo yang sinisira..syangapala,wala ka bang dalang coat or kahit blazer man lang? maginaw ata yang suot mo eh."
"Naiwan ko sa bahay,bakit may problema ka ba sa suot ko?"at sinamaan nya ng tingin si Red."Tapatin mo nga ako Vince,sinusundan mo ba ako?imposible naman kasing nagkataon lang na nandito ka rin."
"Wag kang mainip. Sasabihin ko sayo mamaya"
Nanginginig naman ngayon ang buong katawan nya,hindi dahil sa ginaw kundi sa takot. After a moment,naramdaman nalang nyang ipinulupot sa kanya ni Red ang suot nitong leather jacket. It gives her warm and comfort plus pa sa nakakaadik na scent nito.
"Thank You" nahihiyang sabi nya dahil ang totoo giniginaw rin naman sya sa suot nitong backless.
Laking pasasalamat nalang nya ng mag function na ulit ang elevator at sabay pa sila ni Red na nakasakay nito pababa ng ground floor.
Naglalakad na sila ngayon patungo sa kotse ni Red habang kanina pa silang hindi nag-iimikan.
RED
Wala pa rin silang imikan ni Garrie hanggang sa maihatid nya ito sa kanyang boarding house. Pinapasok sya nito sa bahay at hindi nalang sya tumanggi. Pagkadaan nya sa may pintuan,meron naman syang napapansin na isang cracked.
"Anong nangyari dito?" tanong nya kay Garrie habang itinuturo nya ang cracked sa pintuan.
"Kagagawan yan ng tauhan ni Brandon"
He inspected the splintered wood at hinayaan nya muna ang sarili na kumalma. Kung naabotan lang sana nya ang mga tauhan ni Brandon na tumangay kay Garrie. Alam kasi nyang si Brandon lang ang may pakana nito,at base sa kanyang track record hindi ito basta-basta nalang susuko kung may magugustohan itong babae.
Kung alam nya lang sana na kailangan pala sya ni Garrie sa mga oras na yon.
"Hindi ka naman siguro magagawang saktan ni Mr. Harlem." sabi nya kay Garrie. Hindi kasi nya pwedeng ipakita nito na nag-alala sya para sa dalaga. Sa ngayon,kailangan nya munang pigilan ang kanyang temper sa lalaking yon,knowing that anger would defeat his purpose."Sa tingin ko kasi hindi ka naman nya sasaktan."
"Alam mo bang sapilitan akong pinapunta sa lugar na yon ni Mr. Harlem, at ngayon sasabihin mo lang sakin na hindi nya ako kayang saktan."
"Oo sige,sabihin na nating sapilitan ka ngang dinala don sa mga tauhan ni Brandon,pero wala naman syang ginawang masama sayo hindi ba?" hinawakan nya ang siko ni Garrie at pinaupo ito sa couch. They sat several feet apart.
"Wala nga,at hindi rin naman ako natatakot sa kanya. Hindi rin nya ako pwedeng kontrolin dahil hindi nya ako pag-aari noh. Weird lang talaga ang lalaking yon."
"Weird? bakit mo naman nasasabi yan?"
"Weird naman talaga sya. Hindi ko alam kung pano ko ipaliwanag ang kawerdohan nya. Basta para sakin ganon sya..Bakit ka nga ba nandoon sa hotel?"
"Inimbitahan kasi ako ni Jastine na pumunta sa bahay nyo, kaya pumunta kaagad ako dito sa boarding house mo para sana sunduin ka.” Mabilis na alibi nya. “Pero nang makarating ako,nakita ko nalang na sumakay ka sa isang SUV kasama ang dalawang lalaki,nagdududa ako kaya ko kayo sinundan."
"Kaya ba nandoon si Missy dahil sayo?"
"Hindi. Baka nagkataon lang na nandoon din si Missy."
"Pakiramdam ko tuloy na ang baba ng tingin ni Mr. Harlem sakin..tingin nya siguro na mabibili lang nya ako sa pamamagitan ng kanyang pera."
"Pasensya na kung nasasabi ko ang mga ito sayo. Maiwan muna kita dyan magbibihis lang ako"
"Take your time Margarette. Pwede ka ngang maligo para maalis yang tension sa katawan mo."
Nang marinig nya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo,tumayo agad sya upang matingnan ang kabuuan ng inuopahang bahay ni Garrie. Pumasok sya sa isang silid doon at nakita nya itong kalat na kalat. May mga nakikita rin syang mga naka hanger na damit doon,appreciating it as well as the proportion of Garrie wearing those dress. His willpower should be stretched to the limit especially in working beside her,makamandag kasi si Garrie at sa tingin nya wala talagang lalaking hindi ma a-attract sa kanya. May mga pagkakataon din na aakitin sya ng dalaga,pero hindi naman nya masasabi kung sinasadya ba yon ni Garrie or sinusubukan lang sya nito. Ayaw nyang patolan ito kaya dinadaan nlang nya ito sa panunukso at sa pang-aasar sa kanya. All he could offer to her is self-control,protection and respect.
Nandito sya ngayon sa Pilipinas dahil sa isang mahalagang mission and it should be came first. Unfortunately,nagkataon lang na naging parte si Garrie sa kanyang mission.
Nakita naman nya ang isang mesa doon na maraming nakakalat na papel,lalapitan nya na sana ito nang biglang lumabas si Garrie sa kanyang kwarto. Nakasuot ito ng pink na bathrobe at nakalugay ang basa nitong buhok. He wished he had the right to hold her.
"Pasensya na sa mga kalat dito. I'm redecorating the other room kasi"
"Nice home Margarette. Sa tingin ko nasabi ko na to sayo last time"
"Alam mo Vince kahit na inuopahan ko lang itong bahay,pero at home na at home talaga ako dito."
"Nananahi ka rin pala?" agad na tanong nya ng makita nya ang isang sewing machine na may nakapatong na mga tabas ng damit.
"Yeah my second love. Aside from writing"
"Ano nga pala ang kurso na kinuha mo Margarette?"
"Bachelor of Arts major in English,minor in fashion.. Alam kong it‘s a weird combination,pero meron akong plans for both."
"Syangapala,saan na ba yong necklace na binigay ko sayo?"
Nakita nyang nagulat si Garrie sa biglaang tanong nya. Tumikhim muna ito bago sumagot.
"Hindi kasi sya bagay sa suot ko kanina"
"Diba sinabi mo sakin na hindi mo huhubarin yon?"
"Fashion earrings kasi ang sinuot kong hikaw kanina,hindi naman ata match sa necklace na binigay mo."
"Ahh,I see. So fashion comes before sentiment"
"Hindi naman sa ganon Vince kaya lang--"
Tinakpan nya kaagad ang bibig ni Garrie para di na ito dumaldal pa.
"Never mind. Sabihin mo nalang sakin kung anong nangyari" sabi nya,sitting next to her.
Sinimulan na sana ni Garrie ang kanyang salaysay ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Kung si Brandon Harlem yan,hayaan mo akong makinig sa usapan nyo." sabi nya.
"Pero bakit?"
"Pinapatawa mo na naman ako Margarette. Sige na sagutin mo na yan"
"Hello?"
"Hello my little fox,you seemed enjoying the chase"
Pinindot ni Garrie ang loudspeaker option para marinig din nya ito.
"Sorry hindi na ako nakapagpaalam sayo pag-alis ko,dumiretso kasi ako sa bahay namin sa Naga.Napagpasyahan ko kasi na dapat unahin ang pamilya kaysa kanino man."
"Pero hindi ka naman umuwi sa Naga love."
"Ang totoo sumakit kasi ang ulo ko kaya. . kaya. .hindi nalang ako tumuloy doon."
"Palalampasin ko muna ang ginawa mo sa araw na to Garrie. Maybe, I underestimated how much you resented our arrangement this evening. But next time I'll ask,mark my words. I will get you by hook or by crook."
Mabilis nyang kinuha ang cellphone mula sa kamay ni Garrie at pinutol ang tawag.
"Kaya mo naman pala syang e-handle" sabi nya kay Garrie.
Nakita naman nya sa reaksyon ni Garrie ang pagkairita kay Brandon. Nag mimic pa nga ito sa sinasabi sa kanya ni Brandon.
"I will get you by hook or by crook..ha.ha..in his dreams"
"Siguro narinig mo na ang kasabihan na 'kung hindi raw makukuha sa santong dasalan,dadaanin nalang daw sa santong paspasan' lagot ka! baka yan ang paraan na gagamitin sayo ni Brandon,kaya ngayon palang Margarette mamili kana kung alin sa paraan na yan?"
"Parang pinapili mo na rin ako ng dead or alive?"
"Whoah! take it easy. Safe ka naman" sabi naman nya kay Garrie.
"Pero maimpluwensyang tao si Mr. Harlem at kaya nyang gawin kung anuman ang nanaisin nya."
Hinawakan nya ang mga kamay ni Garrie para pakalmahin ito. Hindi kasi nya pwedeng ibigay kay Garrie ang buong detalye tungkol sa pagkatao ni Brandon.Tatlong babae na ang na rape at napaslang at ang mga ebedinsya ay nagtuturo kay Brandon,pero dahil nga maimpluwensyang tao si Brandon kaya madali lang sa kanya ang magpaikot ng tao at hustisya. Kaya hinding-hindi nya hahayaan na magiging biktima rin nito sa Garrie.
"Ikaw Vince,may nalalaman ka ba tungkol sa kanya?" tanong ni Garrie.
He saw suspicion cloud in her eyes. Mag-ingat ka sa isasagot mo Red,sabi nya sa sarili. She‘s too perceptive.
"Wala"
"Sigurado ka? alam mo bang tinawag sya ni Missy na crocodile? hindi ko rin maintindihan eh kung bakit nya ito tinawag ng ganon..Diba Vince,member sya sa club? at ang mga member lang doon ay--"
"Dapat rich and powerful,at higit sa lahat kilala sa lipunan..yon lang ang alam ko Margarette"
"Kung ganon nasaktan ko pala ang ego ng isang makapangyarihang tao,pano yon?baka bukas or sa makalawa ipapasibak na nya ako sa trabaho." umupo si Garrie sa couch at hinilamos ang mukha. Tinabihan naman nya itong umupo.
"Sa tingin ko,hindi yon gagawin sayo ni Brandon..Oo nga nasaktan mo ang pride nya pero hindi naman yan sapat na rason para ipatanggal ka nya sa trabaho."
Bahagyang napangiti si Garrie sa sinabi nya.
"Siguro kailangan mo munang umuwi sa inyo" mungkahi nya.
Napanganga naman si Garrie sa sinabi nya."Hindi pwede,dahil baka masundan pa ako doon ni Brandon at madamay pa ang pamilya ko"
Hindi sya sang-ayon sa sinabi ni Garrie. Sa tingin nya kasi mas safe ito kung uuwi muna ito sa kanila. Pero pano nalang ang pag-aaral nito? Dapat sa ngayon pa lang ay makaisip na sya ng paraan kung paano nya ito maprotektahan laban kay Brandon.
"Sa palagay ko kailangan mo talaga munang umuwi sa inyo"
"So doon muna ako magtago sa amin ganon?" at umiling-iling ito."Sinabi ko na sayo na hindi pwede dahil ayaw kong madamay ang pamilya ko. Hinding-hindi ako magtatago. I’m not running from this. I have a life to live,pano na ang trabaho ko?ang pag-aaral ko?Pabayaan mo na ako Vince,baka madamay ka pa, kaya kong e-handle eto."
"Hindi Margarette. Hindi mo sya kayang mag-isa."
"Pwes,kakayanin ko"
He leaned forward. "Wag mong e-underestimate ang kakayahan ni Brandon. Tandaan mo,makapangyarihan sya at baka mapanganib rin."
"Wag na wag lang talaga syang magtangkang lumapit sakin, dahil pag nagkataon tatawagan ko yong kakilala naming pulis para mabigyan sya ng restraining order." sabi ni Garrie.
"Sa tingin mo ba makakatulong yang kakilala mo?" agad na tanong nya.
"Siguro" sagot ni Garrie.
"Siguro? so hindi ka nga sure?..Hmm..looks like you're stuck with me" sabi naman nya.
"Anong stuck na pinagsasabi mo dyan?"
"Isa lang naman ang nakikita kong solusyon sa problema mo Margarette."
"At ano naman yon,aber?"
"Pakasalan mo ako"
*****
BINABASA MO ANG
You're Still My Man (Completed)
General Fiction"PAKAKASALAN MO RIN AKO VINCE RESTITUTO DUTERTE III" Nangako si Garrie sa sarili nya na mag-aasawa talaga sya bago pa sya mag bente-singko anyos,nasa lahi kasi nila na kapag lumampas na sa bente singko ang edad ng babae ay magiging old maid na ito n...