RED
Late na syang nakapasok sa pinagtratrabahoan nyang Mexican Restaurant. Kinuha nya agad ang isang maliit na box sa kanyang bulsa na sya ring dahilan kung bakit sya na late.
Maingat nyang binuksan ang laman ng maliit na box na regalo nya para sa napakagandang babae na nagdiriwang ngayon sa kanyang ika dalawampu‘t apat na kaarawan. But the real purpose of this gift could very well save her life, ang katunayan nga lang ay hindi nya ito pwedeng sabihin sa kanya.
Iniwan nya ang malamig na Amerika para sa kanyang special mission dito sa Pilipinas as he entered another door to a different world.
Mag-iisang taon na din syang nagtratrabaho sa nasabing restaurant. May pagkakataon ding makaranas sya ng kaunting problema sa kanyang trabaho,subalit lahat ng yon ay madali lang naman nyang na handle at kahit paman hanggang ngayon.
Pumunta sya agad sa counter para alamin kung meron ba silang reservation ngayong gabi. Sa unang tingin nya akala nya’y wala, pero ng tiningnan nya ulit ito ay meron naman pala. Naka reserved ito mismo sa nag-iisang pangalan at yon ay walang iba kundi si Brandon Harlem. Ang lalaking namumuhay sa dilim at sa sekretong mundo.
Kinuyom nya ang kanyang kamao knowing na si Brandon Harlem pala yong nagpa reserved. Kinuha nya ulit yong maliit na box sa kanyang bulsa at nagtungo ito papuntang kitchen habang nag-iisip naman sya ng dahilan sa kanyang pagka late. Napahinto sya sa labas ng pinto at maiging pinakinggan ang katahimikan sa loob ng kitchen. Either sinadya lang ng mga maiingay nyang kasamahan na manahimik or sobrang late lang talaga syang dumating.
Lahat ng naisip nyang dahilan ay bigla nalang nagsiliparan sa kanyang isip ng pagbuksan nya ang pintuan. Nalaman kasi nyang wala naman palang tao sa loob maliban kay Garrie. Nakaharap ito sa isang stainless-steel barrier na naghahati sa kanilang working station mula sa cooking area,kung saan doon magluluto ang kanilang chef ng mga pagkain na e-siniserve nila sa dinner. Tiningnan lang nya si Garrie mula sa likuran nito at di alam kung ano man ang emosyon nito ngayon kung galit ba ito, iritado o kung ano man ang nararamdaman nya sa mga oras nato.
Naririnig nyang pinagalitan ni Garrie ang sarili, pero bakit kaya? may nagawa ba itong mali?
Gusto sana nyang isipin na nababaliw na itong si Garrie dahil kinakausap nito ang sarili,pero hindi naman ata fair yon kung iisipin nyang ganun sya, baka may tinatagong hinanakit lang ito.
Tahimik syang humakbang patungo sa kinaroroonan ni Garrie para humingi ng paumanhin sa pagiging late nya sa birthday party nito.
GARRIE
Sini-set aside na nya yong mga gift na natanggap nya galing sa kanyang mga kasamahan. It was her 24th birthday and everyone knew it was important to her. Ang iba pa ngang kasamahan nila ay maagang dumating para lang maki celebrate sa kanya kahit nga yong manager nila, pwera lang sa iisang tao na pinakahihintay nya.
"Yan ang napala mo Garrie ang maghintay sa wala, pero sana sinabi nalang nya na may sakit sya para di nalang ako umasa." sabi nya habang kinakausap pa rin nya ang sarili.
BINABASA MO ANG
You're Still My Man (Completed)
General Fiction"PAKAKASALAN MO RIN AKO VINCE RESTITUTO DUTERTE III" Nangako si Garrie sa sarili nya na mag-aasawa talaga sya bago pa sya mag bente-singko anyos,nasa lahi kasi nila na kapag lumampas na sa bente singko ang edad ng babae ay magiging old maid na ito n...