Chapter 5 : Unpleasant Encounter

20K 452 5
                                    

RED

Naghahanap sya ngayon ng parking space sa di kalayuan ng boarding house ni Garrie. Gusto nya kasing surpresahin ito sa pagpunta nya at alamin na rin kung totoo nga ang sinasabi nito na meron na syang ka date na tall,dark and handsome. Pero sa nakikita ng mga mata nya parang kabaligtaran yata ang mga sinasabi nito. Sumakay kasi sya sa isang SUV na may kasamang dalawang lalaki, kung kaya ganon nalang ang paghihinala nya.

Nang tumawag sa kanya ang kapatid ni Garrie na si Jastine para ayain sana syang doon sa bahay nila mag celebrate ng Valentines day,tinanggihan nya ito. Naisip kasi nyang hindi nya muna siguro babantayan si Garrie dahil wala pa naman syang dapat ipag-alala sa kanya. Ang alam kasi nya na out of town si Brandon. Pero nang makita nya ang isang SUV na naka park sa harap ng boarding house ni Garrie,bigla naman syang kinutoban. At ganon nalang din ang kanyang pagkagulat ng makita nya si Garrie na sumakay sa SUV kasabay nong dalawang lalaki. Now,he jump into conclussion that the tall and handsome she's referring to is no other than,Brandon Harlem.

Ang ipinagtataka lang nya kung bakit walang bakas na takot sa mukha ni Garrie kahit paman may dalang baril ang mga lalaki na yon at sa nakikita nya, mukhang kalmado lang naman itong sumakay sa SUV.

Napamura naman sya sa nakikita at agad na sinundan ang humaharurot na sasakyan. Nang mapahinto sila sa isang traffic light,agad nyang tiningnan ang kanyang mini GPS tracker at ina-activate ito. While checking at the digital numbers through his in-dash car monitor, napamura ulit sya ng matuklasan nyang hindi sinuot ni Garrie ang kwentas na bigay nya.

Kinuha nya agad ang kanyang cellphone and dialled a number from his contacts.

Sumagot naman kaagad ang tinatawagan nya.

"Yes" sabi ng malumanay na boses sa kabilang linya.

"Kilala mo ba ako?"tanong nya.

"Of course! why you asked me handsome? and what can I do for you?"

"I need a favor"

GARRIE

Pumasok ang sinasakyan nilang SUV sa underground parking garage ng isang mataas na building. Matapos ma parked ito ay agad naman syang pinababa ng kasama nyang dalawang lalaki. Dinala sya ng mga ito sa isang elevator kung saan ang may special key lang ang mka accessed nito. Napag-isip nya na kung ganyan ang sistema ng mga elevator sa lugar nato hindi talaga sya basta-basta nalang makakatakas.

Yong isa sa dalawang lalaki ang nag pressed sa markang B***, and in a few seconds the door opened wide at pumasok na sila. Pinindot ng isa ang 25th floor hanggang sa nakarating sila doon. Pinindot na naman nong isa ang markang B*** at bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Pagkalabas nila sa elevator ay bumungad sa kanya ang isang malaking living room na puro glass ang wall at mula sa kinatayuan nya,matatanaw na nya ang view ng Manila Bay. Napalingon naman sya sa may gilid at nakita nga nya doon si Brandon,standing near the glass wall,dressed in a tuxedo while talking in his cellphone.

"Siguradohin nyong matutuloy ang deal dahil kung hindi--" galit na sabi ni Brandon at napalingon ito sa kinatayuan nya,pero nang makita sya nito agad naman nyang ibinaba ang kanyang cellphone. Ang narinig nyang mabangis na boses kanina ay bigla itong naging maamo habang nakangiti naman si Brandon sa kanya.

"Mabilis ka lang yatang nakarating dito" his smile widened and walked towards her.

"Miss Javier. How very nice of you to join me."

"Tumigil ka nga Mr. Harlem,nice ba ang tawag mo non na sapilitan nyo akong pinapunta rito."

You're Still My Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon