Nandito ako ngayon at iniisip yung group project namin para sa next subject at hindi nakikinig sa pagrereport/ pagpapapogi ng isang Red Triston. Tutal wala namang kwenta mga pinagsasasabi nya at puro pagmamagaling lang ay iintindihin ko nalang tong group project namin. Nagchachat kasi sa messenger yung groupmates ko kaya ito ako na nagdududutdot sa ilalim ng lamesa sa phone ko."Should I stop? I think someone is not listening at all." Narinig ko yan. Partially naman pala akong nakikinig.
Tumingala ako to reassure kung ako nga yung tinutukoy nya at di na ako nagulat ng makita ang lahat ng mata na nakatingin sakin.
"Nakikinig ako. Narinig ko nga yung sinabi mo eh."
"I'm sure your boyfriend can wait for your reply right after I finish?" Ilusyonada ba ako or I really heard some jealousy there? "As if you have one."
Eh ano pa nga ba? Edi pati prof biling bili yung pambubully nya sakin. Everyone laughed.
Pero infairness ngayon nya lang ulit ako kinausap pagkatapos ng pagngitiang kaganapan. Akala ko nga nung ngumiti sya ok lang sa kanya yung nangyare which is stupid dahil kung ako man ay buhusan ng suka nothing's fine with that.
I decided na makinig nalang kahit ang confident nya lang sa mga kabobohang pinagsasasabi nya. Kasi may mga mali naman talaga para lang alam nyo nagaadvance study naman ako.
He's known to be a woman hater pero makikita mo sa kanya na nagpapapogi sya to be admired and he looks enjoying when he's admired dahil successful yung pagpapapogi nya. Don't get me wrong hindi sa gusto ko ako lang yung nginingitian pero nakakairita. He wants all the attention to the point na kailangan akong ipahiya.
Actually mapapisip ka nalang... Ano ba naman tong kulugong ito? Utak palaka naman gusto nya pang makinig ako sa mga walang kwentang pinagsasasabi nya? Bakit kaya hindi nalang nya pagtyagaan tong mga bruhang kilig na kilig sa pakikinig sa kanya. Realtalk? I can't see kung anong nakita nila sa kanya at bakit sya pinagkakaguluhan. He's not even handsome. At ito namang mga babaeng to...
Tell me bakit lahat sila nakatingin sakin
Ganon ba talaga ako kaganda?
"Who are you talking about na utak palaka?" Halos umuusok na ang ilong nya sa galit. This time talagang galit na galit na sya. But it's more fine kesa sa biglang tatahimik di mo alam kung anong mangyayare pag sumabog. Pero bakit nya nga pala nababasa yung utak ko?
Don't tell me?!
Wahhhhh! Scarlet, anong bunganga meron ka bakit kailangan makiepal ng matakaw mong bunganga eh dapat iniisip mo lang yon. Ok, Scarlet. You can do this
Just take a deep breath and let all the bad energy go...
Inhale
Exha...
-Toink-
Bakit?! Bakit kailangan mapahiya ako to the highest level? Di ba pwedeng one at a time lang? Kasi wala na talaga akong mukang ihaharap sa kanila dahil ang nakatambad na sa kanila ngayon ay ang bilbil kong sumisilip dahil sa pagtalsik ng butones ng blouse ko dahil sa take a deep breath na lintik na yan. And guess what? Tumama lang naman sa mata ng isang Red Triston ang butones ng blouse ko!
I'm so dead! Run for your life, Scarlet run!
So I did. Kaso dahil nga di pwedeng one at a time lang yung kamalasan ko nakabunggo pa ako ng tao as I run.
It was Kyle. Pero ibang Kyle. I mean same person pero iba ang awra nya. No more handsome Kyle that will melth your heart at no more genuine smile na may dimples na parang sculptured perfectly.
It was Kyle na nanlilisik ang mata at mas nakakatakot pa sya sa isang Red Triston na tinatakbuhan ko a minute ago.
Para syang kakain ng buhay. Way more kakain ng buhay kesa sa Red Triston na nakita ko kanina. Why do I even compare them? Para madaling iexplain.
It was so unusual to see him like this. Unang beses ko syang makitang binabalutan ng madilim na awra.
"Sorry. Di ko sina.."
Nanlaki ang mga mata ko sa sunod nyang ginawa. He held the collar of my blouse and pushed me through the wall. Napangiwi ako sa sakit. Though thanks sa backfat ko at di ako masyadong napuruhan yet masakit.
Nagiigting ang mga bagang nya habang matalim na nakatitig sa mga mata ko habang ako naman hindi makapaniwala sa nangyayare. Never in my life I expected na magagawa nya to sakin.
Nagluluha narin ang mga mata nya sa sobrang galit. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak ny sakin.
"Masakit." I almost whispered pero prang wala syang narinig.
"Don't you dare ruin my relationship with Audrey. Do you think tama na dahil sa kabitteran mo ay makasira ka ng relasyon?!" Galit na galit nyang sabi.
Then and there, naguunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Naging honest lang naman ako dahil ayoko ng niloloko lang sya. Minahal ko sya at inalagaan tapos lolokohin lang sya ni Audrey?
Napapikit ako out of frustration. Sobra yung sakit physically and emotionally na nararamdaman ko ngayon and I just want to shut down my life.
"Let go of her."
....
Bitin muna para exciting :) Please vote comment and spread mga katropang food is life :)
BINABASA MO ANG
Engaged with the Fat Girl
Teen FictionEveryone's dream is to marry the one they love pero paano mo matutupad ito kung hindi ka pa pala iniluluwal sa mundo ay may ka engage ka na? And what if the hunk woman hater, Red Triston is engaged to the fat food lover Scarlet Torres?