Kabanata 8

2 0 0
                                    


Hindi parin ako makapaniwala na he broke up with Audrey.

Malayo layo na rin ang tinatakbo namin at malayo layo narin ang tinatakbo ng isip ko.

Sa totoo lang ang daming naapektuhan dahil sa pagchecheat nila noon sa amin. Another thing na hindi nyo alam? Joshua, Audrey's boyfriend back then is a friend of Kyle. Oh diba? Friend betrayal lang? Kaya naiintindihan ko somehow bakit galit na galit sya sakin dahil alam ko how he value their relationship. Di naman nya isasacrifice ang friendship for something na hindi importante sa kanya. Nakita ko rin how he loved Audrey. Yung mga bagay na hindi ko nakitang gawin nya sakin. Ang bitter kong pakinggan. Pero lintek kahit masakit I was about to be happy for them pero nalaman ko at nakita ko na Audrey was cheating.

Pero dapat parin silang magusap.

Dinala nya ako sa isang malaking gelato shop. Ang pagkakaalam ko dito rin sila gumagawa ng gelato.

Biglang nawala ang lahat ng iniisip ko sa buhay at nagningning ang mga mata ko nang makita ang gallons of gelato!

Nagulat ako nang kumuha sya ng isang gallon ng strawberry ice cream. Nagulat ako kasi as I said before lagi syang conscious sa kinakain ko and even sometimes sa kinakain nya. So what made him buy an ice cream?

Sa dinami rami ng gusto kong itanong ay nanatili lang akong walang imik. Lumabas kami ng shop at bumyahe na naman ulit.

Feeling ko sandali palang ako nakakatulog sa byahe pero bakit paglabas namin ng kotse nya ay overlooking ng taal volcano ang nakikita ko?! At sobrang lamig! Wala nga kaming jacket eh tapos nandito kami?

"Nasaan tayo?"

"Uhm. Ang lamig? So nasa Baguio? I believe nalipat dito yung taal volcano."

"Sira!"

Naupo sya sa likod ng sasakyan habang dala ang isang gallon ng ice cream at ako naman tumayo lang sa may tabi nya kasi baka pag ginaya ko sya mayupi yung sasakyan. Kasalanan ko pa.

He handed me a spoon at sya naman sinimulan ang pagkain ng ice cream. Grabe ang laki nyang sumubo ah! May natatagong katakawan pala ang taong to?

"Sit beside me."

"Eh kung masira yang sasakyan mo kasalanan ko pa?"

"Well that's fine kung ikaw ang magpapagawa."  He kidded kaya di nalang din ako naupo. Nagaya pa sya ako naman pala magpapagawa diba.

"Anong ginagawa natin dito?" I asked

"Kakain tayo ng ice cream?" He said as he swallowed a spoonful. "Get some." Pagalok nya

"Seryoso?! Anong trip mo? Pumunta tayo dito para kumain ng ice cream? Are you freezing your balls?"

He laughed hard. Anong nakakatawa? Totoo naman eh.I mean nangangatog na ako sa sobrang ginaw and we're here to eat ice cream. Mamamatay ako dahil sa pagsesebo ng taba ko swear! Mamumuo lahat to na parang gulaman at ihahampas ko sa pagmumuka nya para matauhan sya. Nakakaloka ah!

Pero dahil nakakatakam ang ice cream nakikain nalang din ako.

"Can I ask something?"

"Ano yun?"

"Why were you at his unit?" His unit? Though alam ko kung ano ang tinutukoy nya I'm not that sure kung tama ako. Atsaka bakit parang nagseselos sya or concerned or something? Why does he even care? Ang pagkakaalam ko bago pa yon ay wala syang pakialam sakin? "We all know he's a woman hater but he never allowed anyone to enter his room. Lalaki parin sya at babae ka. First, hindi magandang tignan and second, we don't know what he can do."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Engaged with the Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon