Halos maibuga ko yung iniinom ko kahit wala naman talaga akong iniinom sa next thing I saw.Red Triston giving a middle finger to Audrey at mukang galit sya.
Halatang si Audrey ang nagnakaw ng halik. What a pathetic bitch?
Base sa buka ng bibig nya he was saying 'Fuck you! How dare you kiss me?!'
The next thing he did was punch Audrey. I felt some guilt for some reason for being happy inside. Mali parin na saktan ang babae tho si Audrey ang may kasalanan. Hindi lang pala woman hater at mayabang ang taong yan. Nananakit din ng babae.
Actually isa si Red sa mga taong kinaiinisan ko dito sa school dahil ang yabang nya at isa rin ako sa mga binubully nya.
Ngayon tuloy curiosity is killing me kung sila pa ni Kyle o ano talaga.
Ano Scarlet umaasa ka na kung hindi na sila ay babalikan ka nya?
Well a part of me is.
Pumasok ako sa next class ko. Walang Audrey at Kyle akong nakita kaya naupo nalang ako sa pinakalikod. Maya maya pa ay natahimik ang lahat sa pagdating ng prof. at nanlaki ang mga mata ko sa taong kasunod ng prof pumasok. The same handsome face that made my heart melt for a while and that sweet smile he always have. Bumagay din sa kanya ang blonde na buhok. Are you admiring him for pete's sake, Scarlet?! Sabi ng konsensya ko. Yes. Honest akong tao and besides tayo tayo lang naman ang nagkakaalaman.
Pero mas nagulat ako sa sunod na nangyare dahil sa akin sya tumabi. Wala na ba sila talaga?
"Hi." Bati nya sakin.
"Hi."
"I died my hair. What can you say?"
"Ang panget muka kang aso." I kidded.
"Thanks" Mukang kilala parin naman nya ako kahit pabiro kong sabihin na panget alam nyang nagandahan ako. Pag sinabi kong maganda, maganda at pag sinabi kong panget, maganda pwede rin panget. Pero pag ok lang ang sagot. Yun ang panget. Intindihin nyo nalang.
Mukang masasagot na rin ang katanungan ko kanina kung sila pa nga ba ni Audrey dahil papalapit na si Audrey sa may gawi namin. Now I regret na natuwa ako sa pagtabi ni Kyle sakin dahil...
"Hi sweatie." Bati ni Kyle sa kanya.
"Hi sweatie pie" She kissed him. Yuck sweatie pie pang jejemon.
At isa pang yuck. Kung alam mo lang Kyle. Kung alam mo lang. Para narin silang nag indirect kiss ni Red. Yuck talaga.
Gustohin ko mang lumipat wala na akong choice. Nagmumuka tuloy akong thirdwheel dito. Nakakainis naman kasi si Kyle bakit kailangan pang sakin tumabi. Di ba nya naiisip na ang awkward?
Nagulat naman ako nang may biglang kumuha ng pen ko na nasa ibabaw ng table. Sino pa bang walang modo na laging walang dalang pen at papel ang gagawa nyan dito sa Triston University. Edi walang iba kundi ang anak ng may ari na mayaman pero walang pambili ng ballpen na si Red.
"Bastos to ah! Di uso magpaalam?"
"Bastos? I didn't even touched your boobs para maging bastos."
Pilosopo na pervert pa. Buti nalang may extra ako laging pen kaya kanya na yan.
Nagpatuloy ang klase and when the time comes na kailangan magexchange ng papel ay wala akong choice kundi makipagpalit ng seatwork paper kay Red dahil as you see thirdwheel lang naman ako at si Red ay magisang nakaupo sa row sa harapan namin. Nagulat ako na pagbalik sakin ng papel ko wala kahit isang check.
"Why didn't you checked my paper?"
"I don't give a shit."
"Ano?!"
"Bingi ka ba?"
Padabog syang tumayo at kinuha ang bag nya at lumabas ng pinto. Monggoloid ata yun eh. Ni hindi pa tapos yung klase. Bastos talaga.
"Pagpasensyahan mo na yun. I'll be the one to check yours." Napalingon ako sa nagsalitang si Kyle at ibinigay ang papel ko sa kanya.
Hindi ko maiwasang titigan sya habang chinecheck ang papel ko
"Are you done making titig with my boyfriend?" Audrey interrupted.
"Sorry. Sa tingin ko lang kasi may dapat syang malaman eh."
"Na ano? That you're still madly inlove with my guy?"
"Hindi. Na hinalikan mo si Red Triston kanina kaso baka di naman sya maniwala sakin kaya wag nalang." I said frankly at tumayo na at lumabas ng classroom na iyon.
Narinig lahat ni Kyle yung pinagusapan namin ni Audrey malamang kasi nasa gitna namin sya. Pero hindi ko alam kung anong reaction nya. Atleast I did my part. Nasa sa kanya kung maniwala sya o hindi.
....
Musta naman yung pagiging prangka ng ating litson na hindi lang bida sa handaan kundi pati sa istoryang ito? Let me know your thoughts. Please vote and comment
BINABASA MO ANG
Engaged with the Fat Girl
Teen FictionEveryone's dream is to marry the one they love pero paano mo matutupad ito kung hindi ka pa pala iniluluwal sa mundo ay may ka engage ka na? And what if the hunk woman hater, Red Triston is engaged to the fat food lover Scarlet Torres?