*Wooot! Wooot! Wooot*Parang sirena ng bumbero na tumunog ang alarm clock ko.
"Arggg! Ang ingay!!! Will you shut up?!" Parang tanga pero oo. Nagagalit ako sa alarm clock ko ngayon at kinakausap ko talaga sya. This is normal doncha worry.
Sa sobrang inis ko ay ibinato ko ang alarm clock sa dingding at narinig ko ang pagkabasag ng glass pero tumutunog parin.
Argh! Kailangan ko na talagang gumising. Tamad na tamad akong bumangon sa kama ko. Ikaw ba naman tambakan ng isang katutak na reports at group project nadeadline lahat ngayon eh. Malayo pa man ang midterm ay balak na nila kaming pahirapan.
Isa rin ito sa mga reason bakit mas maaga yung alarm ko. Syempre pwede ba namang gutom ako bago pumasok sa first subject?
The normal me. Lumalamon muna ako bago pumasok ng school. As soon as I park my car, ahm wag nyo na itanong kung paano umiikot yung stirring wheel kung maikli ang mga legs ko kaya malapit ako sa manibela pero malaki ang tyan ko kaya halos di na rin makaikot ang manibela. Just don't ask and let curiosity kill you.
Konti lang oorderin ko ngayon dahil marami narin akong nakaing breakfast sa bahay eh.
"Ate, limang order ng tapsilog tsaka limang extra rice. Tsaka cake narin."
"Ilang slice po?"
"Wag mo na i-slice. Mahirapan ka pa. Isang buo na. Tsaka pala 1.5 litters na coke. Pahingi narin ng ice bucket. Thank you."
I gave him a thousand bill syempre wala ng sukli yon. Ang mahal naman talaga ng bilihin ang konti na nga lang ng binili ko.
Umupo ako at sinimulan ang pagkain...
"Ang takaw mo."
At sino ba namang bastos ang makikiupo sa table ko ng walang paalam? Alam nyo na?
"Who cares?"
"No one does."
"Ano bang kailangan mo?!"
"A table where I can eat."
Tumingin ako sa paligid walang bakanteng table at kadalasan may mga kasama silang kumakain. I felt somewhat happy na may kulugong nangiistorbo sakin ngayon dahil kung wala I will feel more alone.
Di ko maiwasang titigan sya habang kumakain sya kasi ang takaw nya compare sa katawan nya. Mas marami pa syang order sakin eh. Siguro nag gygym to habang ako nakahilata.
"Are you done checking me out? I know how handsome I am pero para lang alam mo hindi kita type. Cause you're fat."
"Alam ko. Kailangan ipamuka?"
"Oo. Cause you're a fat, fat, fat,fat....."
"Pag di ka tumigil ibubuhos ko sayo tong vinegar." Sabi ko sabay dampot sa vinegar na nakaset up sa condiments ng bawat lamesa
"Pig." Pagtapos nya sa sinasabi nya. "As if you can." Mapanghamon nyang sabi.
"Pano kung kaya ko?"
"Then do it." Aba! Nanghahamon talaga to ah! Di porket anak sya ng may ari ng school eh aatrasan ko sya. His last name is just a word and guidance office is just a room huh? Argh! Bahala na.
Tumayo ako at ibinuhos sa buhok nya yung vinegar na hawak ko. Medyo tumulo pa sa plato nya yung sukang pumapatak sa bangs nya.
Sobra akong kinabahan nang unti unting sumeryoso ang muka nya. From mapangasar na grinning face to makakapatay na serious face. Parang may biglang snow world na pumalibot sakin. Nakakapanlamig naman talaga yung kaba na bumabalot sakin. What have I done? Oo na at sinunod ko lang yung panghahamon nya pero alam kong hindi ko dapat yun ginawa.
Matagal kong pinakiramdaman ang magiging reaksyon nya at oo ang tanga ko lang dun sa part na nagiintay sa reaction nya imbis umalis na dahil alam ko naman na I'm dead and I should run for my life.
Hindi sya kumibo. Nagpatuloy syang muli sa pagkain at ako naman hindi na nakakain dahil guilt na ang kumakain sakin. He's so serious at ngayon ko lang nakita na ganyan sya dahil kadalasan he is playfully grinning. Yung laging nangaasar at easy going ang mood o kaya naman ay walang emosyon katulad nalang nung sinabi nyang he don't give a shit sa pagchecheck ng paper. Muka syang papatay ng tao ngayon at ito pala yung dahilan bakit walang kahit sinong gustong bumangga sa kanya. Awra palang kasi nya nakakamatay na.
Padabog syang tumayo at naglakad papalayo pero nagulat ako sa naging reaction ng sarili kong mga paa. Hinabol ko sya and held his hand kaya ipinalis nya ang kamay ko.
"Sorry." Mahina kong sabi
Is this a dream or am I really seeing this?
He smiled at me? Akala ko ba galit sya? And why the hell is he smiling at me pagkatapos ng ginawa ko kanina?!
It's weird pero ang mas weird doon? I felt unexplainable happiness dahil sa ngiting yon. Kelan pa ako natuwa sa ngiti ng isang Red Triston?! Kailan pa?!
......
May pagngitiang kaganapan?! Ako lang ba kinilig sa ngiti ni Red Triston? Isang sorry ni Scarlet na nga yata ang nakapagtibag sa matigas nyang puso. Hanlalim non. Anyway lemme know wacha think. Please vote and comment mga katropang food is life :)

BINABASA MO ANG
Engaged with the Fat Girl
Teen FictionEveryone's dream is to marry the one they love pero paano mo matutupad ito kung hindi ka pa pala iniluluwal sa mundo ay may ka engage ka na? And what if the hunk woman hater, Red Triston is engaged to the fat food lover Scarlet Torres?