Kabanata 6

17 1 0
                                    



Nandito parin ako sa unit nya and sounds and smells like he's cooking something kaya naman pumunta ako ng kitchen nya kung saan sya kanina pumasok hindi para makikain kundi para magpaalam. Nakakahiya naman kasi na makikain pa ako. Magbubuffet nalang ako tutal tapos narin naman ang classes ko.

Tumambad sakin ang isang hot na kusinero ay este sige na nga pagbigyan. Tutal lagi naman akong honest sa inyo. Oo na may itsura talaga si Red Triston at ang ganda ng katawan nya. But what makes him more attractive right now ay nakaboxers at nakaapron lang sya habang machong machong nagluluto at ang galing nya lang talaga. Aminin na natin. May culinary subject ako but I'm not as good as him knowing na entrepreneurship ang kinukuha nya. Di ako stalker ha. Who wouldn't know the course of Red Triston eh sya nga ang tagapgmana ng school.

Alam nyo yung first morning as a couple tapos pag gising mo makikita mo yung gwapong gwapo mong asawa na nagluluto ng breakfast on his boxers and apron para sayo. Ang ilusyonada diba pero feeling ko ganon yung nakikita ko. What the hell, Scarlet?! I scolded myself. Kailan ka pa nagkaroon ng pagnanasa kay Red Triston?! Erm.. Ngayon lang?

Ugh! No! Scratch that.

I cleared my throat bago pa man madagdagan yung mga pumapasok sa isip ko na ang ewan lang.

Napatingin naman sya. Poker face na naman. Pero yan na yata ang pinakagwapong poker face sa mundo. What?! Aney bey?

"Tuloy na ko."

"No. Please stay."

I want you to stay never go away from me~

That song suddenly played in my head as the eagles in my stomach started partying. Eagles eh! Masyadong maliit ang butterfly para sa stomach ko. Pero bakit nga ba may party sila sa stomach ko?

Parang familiar. Nafeel ko na to dati eh... kay Kyle. Don't tell me?!

"Ang ganda ng boses mo."

"Huh?"

"I said sana naging boses ka nalang." He grinned. Ayan na naman yung pang aasar nya eh. Kainis ah!

Pati ba naman yung song playing in my head nakanta ko? Muka siguro akong tanga na bumabackground music pa. Sinabi lang stay eh. Di kaya akala nya aso ako? Sit kanina tapos stay? Wag naman sanang play dead ang kasunod.

Nakakahiya man ay hinayaan ko syang maghain para feeling prinsesa naman ako once in a lifetime. Chos! Nakakahiya rin kaya makialam.

"Sit."

"Di naman aso ang tingin mo sakin?" Hindi nya pinansin. Ang moody talaga nitong taong to.

Nagulat ako na serving platter yung inilapag nya sa harap ko kasama ng kutsara at tinidor. Maiinsulto na sana ako but then ganon din ang inilapag nya sa other side of the table kung saan sya naupo.

"Sorry about my plate. I eat a lot."

Di ko mapigilang ngumiti. Well kung ganon hindi na ako mahihiyang lumamon dahil parehas naman pala kaming mandirigma sa pagkain.

Di ko maiwasang magflashback sa utak ko yung once na sinabi sakin ni Kyle dati sa mall nung kumakain kami. 'Wala ka bang balak magdiet? Nakakahiya oh. Pinagtitinginan tayo.' Simula rin noon hindi na kami kumakain sa public place sa bahay nalang. At kahit pa nasa bahay lagi nya akong pinipigilan kumain.

Napatingin ako sa isang Red Triston na lumalamon ng buong lakas. Second time ko ng makita syang lumamon pero it's like always new to me. I admire kung gano syang hindi nahihiyang gawin yan sa harap ng mga tao knowing that people is looking up to him. Di sya nahihiyang ipakita yung totoong sya.

"Are you on a diet?" Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang namumuwalan sa pagsasalita na si Red.

Hindi ako sumagot and started eating.

"You look sad. Hindi masarap?"

"Actually masarap. May naalala lang." Di lang masarap. Actually heaven!

"Is it your ex?" I nodded in reply. "He doesn't deserved to be thought of. He's stupid to hurt a decent girl twice because of a bitch."

I don't know pero feeling ko nakakita ako ng kakampi. Kakampi na never kong inisip na isang Red Triston ang gaganap.

Hindi ko mapigilan mapangiti from ear to ear and ask.. "Friends?"

"I'm not anyone's friend."

Yung ngiti ko napalitan ng confusion.

"Then let me be the first to be your friend."

"No. Sorry not this one."

He then left. Iniwan ako sa sarili nyang bahay? Bahay ba to? Basta. Iniwan ako? That's weird.

Nakakaloka naman. Akala ko ok na kami. Why doesn't he even want to be somebody's friend?

Ano nga bang gagawin ko rito? Syempre aalis pero iniayos ko na muna yung mga pinagkainan kasi baka langgamin kasalanan ko pa. Maya maya pa ay lumabas na rin ako ng pinto...

"Can we talk?"

Si Kyle.

....
Pavote and comment naman ako dyan mga kafoodie :)

Engaged with the Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon