Three

64 1 0
                                    


Jake Alexander Sandoval. Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko yung Pangalan na iyon. Bakit ba? Bakit ba nagtagpo na naman Ang landas namin ng taong pilit ko ng kinakalimutan.

"Miss?" Pukaw Niya sa akin.

Agad naman akong napatingin sakaniya at nagpatuloy ako sa paglagay ng betadine sa mukha Niya. "A-ah o-okay po sir" sabi ko sakaniya habang patuloy Ang paglalagay ng betadine at alcohol sa mukha niya.  Relax, mara! Hindi ka niya makikilala okay? Relax.

Gusto ko nang sapakin yung sarili ko. Bakit ba kasi ako natulala sakaniya?

Laking Pasalamat ko't Naglagay ako ng face mask sa mukha ko Kung Hindi Lagot na. Hindi ko alam Kung ano na Ang mangyayari, Tiyak magugulintang na naman Ang mundo ko nito.

Sa totoo lang, a part of me telling na Masaya ako dahil nasilayan ko ulit siya. Nakita ko ulit siya at nahawakan ko siya. Pero May parte din sa sarili ko na nasasaktan akong nakita ko siya. Bumalik Lahat ng sakit at Ang nakaraan. Ang masasayang alaala at yung pinaka masakit na alaala.

Nang matapos ko siyang tanungin ang ilan sa mga impormasyon na kailan ay nagpaalam na muna Ako Ako na aalis at pinalitan naman Ako ng isa pang nurse na naka duty ay iyon ang ang asikaso Kay Jake.

Bumuntong hinga Ako kasabay ng paglagay ko ng clipboard sa may table sa nurse station. "Oh? Bat ganyan mukha mo mars? May nangyari ba?" Tanong naman sakin ng kaibigan Kong si Irish.

Napatingin naman Ako sakaniya saka binaling yung atensyon ko sa clipboard na hawak hawak ko. "W-wala.." maikling sagot ko sakaniya at kunwari itinuon nalang ang atensyon ko sa clipboard na hawak hawak ko.

Alam kong Hindi naniniwala si Irish sa sinasabi ko. Dahil alam na alam Niya ang ugali ko noon pa man. Agad niyang nalalaman kung may problema ako o wala. Sana Lang Hindi na kami magtagpo ulit. Sana ngayon Lang kami magkita. Sana

"O-okay..sure ka na okay ka Lang ha?" Tanong naman nito na mukhang magaalala na sa akin.

Ngumiti naman ako sakaniya ng sa ganon Hindi na siya magalala. "Oo nga. Wala to!" Sabi ko sakaniya. Agad naman naman siyang tumango.

"Osiya sige, maiwan muna kita rito at pupuntahan ko Lang yung anak ni ma'am Alice ha?" Palaam nito.

Nagtatakang napatingin naman ako sakanya dahil sa narinig ko. Anak ni ma'am Alice? Sino? Bat Hindi ko ata alam na may sinugod ditong anak ni ma'am Alice. "Ano? Anak ni ma'am Alice? Sino?" Tanong ko sakaniya.

Agad naman Niya akong tinapik sa balikat. "Nako girl! Mamaya na tayo chumika ha? Aawra muna ako Kay baby!" Kilig na kilig na sabi nito. Napa-Irap nalang ako sa kawalan dahil sa taglay na kakatihan nitong kaibigan ko. Haay nako.

Habang nagaasikaso ng Ibang pasyente Hindi pa rin magawang maalis sa isip ko ang senaryo kanina. Totoo ba 'to? O sadyang panaginip Lang? Kung panaginip Lang ito sana nga. Sana nga dahil hangga't maaari ayoko nang magtagpo pa ang landas namin. At kahit paulit ulit kaming magkita paulit ulit din akong iiwas at lalayo sakaniya. Ayoko na ng kahit anong koneksyon pa mula sakaniya. Ayoko na.

"Oh my god! Maraaaa!" Sigaw ni Irish sa akin nang makarating siya sa nurse station. Nagtinginan naman sakaniya ng masama ang iba naming kasama doon kaya agad naman itong tumawa at napa-peace sign sakanila. Napiling nalanv ako at Ibinalik ang atensyon ko sa inaayos kong mga clipboard ng mga pasyente.

Dali dali kumuha ng upuan at tumabi sa akin. Ngunit bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya. "Irish, please Lang mamaya na pwede? Marami pa akong ginagawa.." sabi ko sakaniya nang Hindi inaalis ang atensyon at tingin ko sa mga papel na inaayos ko.

Falling Back AgainWhere stories live. Discover now